Sa pagluluto nito ay kinakailangan ng mga sumusunod na sangkap: karne o tuwalya ng baka, giniling na mani at bigas upang kumapal ang sabaw, atsuete upang magkaroon ng kulay, mga gulay tulad ng talong, pechay at sitaw, puso ng saging at bagoong. Kung mapapansin ang mga sangkap na kinakailangan, ang mga ito'y abot kaya, at madaling mabili sa pinakamalapit na pamilihan.
Napakasustansya ng pagkaing ito dahil sa mga sangkap nito. Gaya ng talong na may potassium na nakakatulong sa ating puso at manganese para sa ating balat at buto. Meron din itong pechay na may Bitamina A at Bitamina C na nakakatulong sa pagpapalinaw sa ating mga mata, at ang pechay na nagbibigay ng protina sa ating katawan. Kaya naman hindi lang ito basta mga sangkap na makakapagpalinamnam, ngunit may mga bitamina tayong makukuha mula dito.
Una kong natikman ang putaheng ito noong ako'y bata pa na niluto ng aking ina. Ito ang itinuturing niyang "specialty" pagdating sa pagluluto, at sa tuwing ipinatitikim niya ito sa iba't ibang mga tao ay maging sila ay hinahanap hanap ito lalo na tuwing may handaan sa aming bahay. Masasabi kong mas masarap ang Kare-Kare pag may kasamang bagoong dahil nagtatalo ang lasa nito na nagbibigay ng kawilihan sa akin. Sa tuwing titikman ko ang putaheng ito ay may dulot itong kakabibang saya sa akin, marahil ay dahil may sangkap itong pagmamahal mula sa aking ina at mas sumasarap pa ito kapag kasabay kumain ang buong pamilya, lalo na tuwing Linggo. Magmula ng bata pa ako ay talaga namang naging paborito ko na ang Kare-Kare ngunit kapag ito ay hinahanda na sa aming hapag ay unti-unti ko ding nauubos ang kanin na nasa aming lamesa. Sa katunayan sa sobrang hilig ko sa pagkain nito ay naisulat ko pa ang "Kare-Kare" sa aming pintuan na matatagpuan padin hanggang ngayon.
Magpahanggang ngayon kahit na madaming gawain ang aking ina, ay sinisiguro kong matitikman ko padin ang putaheng ito dalawa o tatlong beses sa isang buwan. Hindi ko ipagpapalit ang Kare-Kare :)
~Alfonzo S. Ortega
1T2
Lubos kong nagustuhan kung paano mo idinetalye ang ilang bagay ukol sa Kare-Kare. Nabigyang diin sa ilang bahagi ang nutrisyong makukuha sa pagkain nito. Higit na nakakaaliw ay ang bahagi na tinalakay ang kahalagahan nito sa iyo at sa buong pamilya. Isang makasaysayang putahe, nasulat pa sa pinto ng ating bahay. :)
ReplyDeletei like it ponci, :) detalyadong detalyado at talaga naman nakakaengganyo ang pagkakadescribe mu sa kare kare :)
ReplyDeletewow! gusto ko tuloy ng kare-kare! detalayado talaga ang pag kaka sabi mo sa kare-kare. magaling!
ReplyDeletenakaka-gutom! magaling na pag-lalahad ng detalye :D
ReplyDeleteNakakatakam naman. :P Mahusay ang pagkakadetalye, napakainformative. :))
ReplyDeleteMasarap to. Lalo na pag may BGOONG :))
ReplyDelete-RCSJ
Tunay ngang masarap ang kare kare lalo na't may kasamang pagmamahal ang luto nito! Mapatikman mo sana sa amin kare kare ng nanay mo (:
ReplyDeletesarap..!masustansya nga..dami kasing gulay :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng sarap ng kare kare. Namiss ko ng kumain niyan. Bawal na kasi ako sa bagoong kaya hindi na ako masyadong nakakakain ng kare-kare. Pero, kahit walang bagoong, minsan pinagtyatyagaan ko nalang :*
ReplyDeletewow magaling ang pagkakadescribe! nakakagutom tuloy:)
ReplyDeleteParang gusto ko tuloy ng Kare-Kare ngayo. Nakakagutom ang sinulat mo... :) :)
ReplyDeleteuy gusto ko ang kare kare ng lolo ko :) masarap kasi ang ulam na to!
ReplyDeleteAy susme, nakakamatay ito sa sobrang sarap!! Lalo na pag may alamang! Sarap! nom nom :3 -Rinah
ReplyDeleteI WANT! :) with bagoong..... NOW! :D
ReplyDelete