Tuesday, November 23, 2010

NAKO BUKO PANDAN SALAD SARAP!




Isang matamis at masarap na recipe na nagmula sa mga pinoy itong Buko Pandan Salad. Paborito itong ihanda sa mga iba’t ibang okasyon tulad na lamang nga birthday, kasal, reunion,  pasko, bagong taon lalo na sa mga piyesta. Swak na swak ito mapa bata man o matanda panigurado ay magugustuhan ito.

Ang mga sangkap sa paggawa ng Buko Pandan ay 6 pandan leaves extract, 3 small cans all-purpose cream, 1 medium can condensed milk, 2 bar ng green gulaman o 2 kahon n alsa, 1 ¾ cup ng asukal pwede mo pang dagdagan kung mas matamis ang gusto mo at siyempre ang 5 buko na dapat ay nakayod na at buko juice. Kung gustong dagdagan ng ibang sangkap na nais ay pwe – pwede din naman. Nasasayo na din kung panong timpla o lasa ang gusto mo. Kapag ang pamilya kasi namain ang gumagawa niyan ay dinadagdagan naming ng nata de coco pati na din mga maliliit na sago para mas naeenjoy at mas masarap ang kain. Kapag mainit ang panahon mas maeenjoy mo din itong kainin lalo na kapag sobrang malamig ito at kakagaling pa lamang sa freezer. Madaling madali lamang din naman ang paggawa nito, pagkatapos pakuluin ang buko juice at pandan leaves tanggalin ang pandan leaves at ilagay ang gulaman na may 8 tasa ng tubig pakuluin ito at pagkulo ay ilagay ito sa lalagyan at hayaang tumigas, pagkatapos ay pagsamahin sa isang malaking lalagyanan ang kinayod na buko, all–purpose cream, condensed milk, asukal, gulaman at paghaluhaluin na ito, kung tapos na haluin at tikman kung ayos na ang lasa ay ilagay na ito sa freezer at palamigin. Maraming sustansiya din ang nabibigay nito na mainam para sa ating katawan dahil mayaman ito sa protein, carbohydrates, potassium at magnesium.

Hindi ba’t sa larawan pa lamang ay katakam takam na ito, paano pa kaya kung ito’y titikman mo paniguradong babalik-balikan mo. Maging ako ay sarap na sarap sa panghimagas na ito kaya tuwing may handaan ay lagi ko itong hinahanap. Kapag nakakita naman ako na may nagtitinda nito ay agad akong bumibili at ang lagi kong dinadayong lugar na may ganito ay ang Nathaniel’s Buko Pandan Salad sa may timog ave. Sa pamilya na rin namin ay marami ang mahilig dito kahit nga ang tiyo at tiya ko na diabetiko na bawal sa matamis ay nagpupumilit kumain nito dahil sa kakaibang dulot na sarap. Parang tradisyon na din naming ito kaya hindi ito mawawala sa kahit anong handaan. Memorable itong maituturing sakin dahil tuwing kakain kami nito ay may saya sa mga mukha namin dahil habang kumakain ay may kasama pang tawanan at kwentuhan.

-Bianca Jennyca Yumul



16 comments:

  1. YUMUL! FAVORITE KO YAN!! AT TAMA KA! KATAKAM-TAKAM TALAGA ANG LARAWAN! ANG SARAP NYAN! LALO NA YUNG GANYAN SA CHOWKING! HAHAHAHA! MASARRRRAAAPP TALAGA! :-D

    ReplyDelete
  2. Tama!!!masarap yan lalo na ung gawa ng mga taga-Olongapo.



    -klara villena

    ReplyDelete
  3. Yummy! Gusto ko rin nyan!haha ang sarap ng picture.! kung meron lang ganyan dito inubos ko na/.hahah kakain ako nyan!hahaa

    ReplyDelete
  4. The best na Pinoy dessert yan. Nagutom ako... Favorite din namin yung sa Nathaniel's! Haha. Madali lang pala siya gawin.. :D

    - Ivy

    ReplyDelete
  5. Naks tawanan at kwentuhan! Haha! Gusto ko din yan! :) Natutuwa na ko pag may ganyang desert sa events na pinupuntahan ko. Di kasi kami gumagawa ng ganyan. :( Madalas fruit salad or buko salad. Gawan mo kami sa Christmas ha! :D -SAN JUAN, Naria

    ReplyDelete
  6. Kahit malamig ang panahon ngaun ay masarap pa din ang buko pandan salad! iba kasi ang dulot na sarap ng pandan sa mga desserts na ganyan eh :))
    -ina reyes

    ReplyDelete
  7. Sarap niyan lalo na kapag frozen. yummy! (: -Rinah

    ReplyDelete
  8. ang sarap naman nito! :D nagutom tuloy ako. pati ung pag kakadescribe mo masarap din. yummmm. ---marga

    ReplyDelete
  9. Yun oh! That's my favorite! :> HAHAHAHA. Lalo na kapag mainit yung weather sarap kainin, nakakagutom naman. :))) Gawan mo ko niyan one of this days. :D
    - Venice Gamil

    ReplyDelete
  10. nakakagutom... favorite dessert namin ng mga kamag-anak ko to tuwing pasko. Mahusay! :)

    ReplyDelete
  11. WOW! Ang sarap nga talaga nito! :D Magaling ! ito ang kaisa-isang may pandan flavor na gusto ko ang lasa. :D - Mille

    ReplyDelete
  12. Grabe ang sarap naman neto nakakagutom wow penge naman. :P

    ReplyDelete
  13. wow. yummy baby :P hehehe. masarap tlgang panghimagas yan :))



    -Roshiko Cellona

    ReplyDelete
  14. sarrap naman.... nakakapaglaway ung picture.. :))

    ReplyDelete
  15. ISA TO SA MGA FAVORITE FOOD KO! :) masarap kapag matamis at malamig. :D

    ReplyDelete
  16. paborito ko yan. :> masarap kainin lalo pag may handaan. :))

    ReplyDelete