Tuesday, November 23, 2010

Pastillas de Leche :)




Pastillas de leche o milk candies. Ang salitang pastillas de leche ay galling sa wikang Espanyol na ang literal na kahulugan ay candies with milk. Ito ay nanggaling sa Bulacan. Ang pastillas de leche ay simple lang gawin ngunit ito ay isa sa mga popular na pagkain. Ang pastillas de leche ay mayroon lamang tatlong ingredients. Ang mga ito ay ang condensed milk, powdered milk at asukal. Paghahaluin lang ang condensed milk at powdered milk upang makagawa ng pastillas. Pagkatapos ay irorolyo lang ito sa asukal at ilalagay sa cellophane. Ito ay pwedeng gawing meriyenda at ito rin ay pwedeng magsilbing espesyal na panghimagas.

 
Simula noong bata ako ay mahilig na ako sa pastillas. Palagi ako bumibili kapag break namin. Noong high school ako, kumakain ako patago dahil bawal kumain sa loob ng classroom. Noong nagbakasyon na ay hindi na ako nakakabili ng pastillas dahil wala naman kaming pasok kaya wala rin yung mga nagtitinda ng mga pastillas. Nagsearch ako sa internet kung paano gumawa ng pastillas. Noon ko lang nalaman na ganun lang pala kadali gumawa ng pastillas. Kaya naman nagpabili ako ng ingredients at ako na ang gumawa mag isa. Nagpaturo sa akin ang aking pinsan dahil gusto niya daw itong gawing negosyo dahil mahirap daw ang buhay estudyante kapag bakasyon. Wala daw baon. Naalala ko pa nga ang mismong sinabi niya noon. Sabi niya ay ang pera daw ng estudyante pag bakasyon ay parang coke. Kapag hindi sakto, zero. Natawa naman ako sa joke niya kaya tinuruan ko siya.


Maraming pwedeng gawing flavor sa pastillas de leche. Hindi lang gatas ang flavor nito ngayon. Marami na ring naiimbento katulad ng langka, durian, mangosteen, mangga, at marami pang iba. Hindi lang prutas ang maaaring gawing flavor nito. Pwede rin ang pinipig, chocolate, mocha, cheese, ube at marami pang iba. Masaya gumawa nito at magexperiment ng iba’t-ibang ingredients.

                                                                                -Darilene Daracan

11 comments:

  1. wow masarap talaga ang pastillas! Naaalala ko tuloy nung gumawa kami nito nung pasko ang bilis naubosXD

    ReplyDelete
  2. ang gandang tingnan ng mga larawan , naakit tuloy akong tingnan ang blog mo. ---marga

    ReplyDelete
  3. Ang ganda naman ng mga larawan na ginamit mo! pastillas ba ang mga iyan? Nakakagutom naman! Madali lang pala iyan gawin. Ngayon ko lamang nalaman na 3 lamang ang sangkap niyan :D - Mille

    ReplyDelete
  4. Pwede na tong ibigay sa nililigawan na mga babae. Ang ganda ng design. Ang galing ng gumawa dahil perpekto ang rose

    ReplyDelete
  5. Turuan mo din ako paano gumawa ng pastillas:) favorite ko din ito nung elementary ako. haha -chiaki

    ReplyDelete
  6. Tunay na masarap ito. Pinapapak ko pa ito minsan =))) Gawan mo ang T2 minsan! haha Nice work! -nix

    ReplyDelete
  7. Ang galing! At napakasarap talaga ng pastillas! lalo na kapag nag-aaral ako, ito ang kinakain ko. pampagana. :))

    ReplyDelete
  8. ay ang sarap. :D naalala ko din tuloy yung elementary days ko. :D

    ReplyDelete
  9. wow sarap nga yan. gusto ko tuloy bumile.

    -PAOLO

    ReplyDelete
  10. presentation palang ng pastillas nakakatakam na. :)))) waaaa enge ako ahahahaha; :D

    ReplyDelete
  11. Ayaw mo naman sa rose ano? :D
    Sa katunayan, hindi ko hilig ang pastillas dahil sa napakatamis nito. Pero dahil sa iyong inilahad, mukhang ako ay naengganyo na tuklasin ang misteryo ng pastillas. Magaling ka bata! :D

    ReplyDelete