Showing posts with label Angelique Correa. Show all posts
Showing posts with label Angelique Correa. Show all posts

Wednesday, November 24, 2010

Seafood Marinara - Delizioso!




Isang ubod ng sarap na putahe ng Delifrance ang Seafood Marinara. Ito ang aking paboritong pasta dish. Lagi akong nananabik nang labis para sa Seafood Marinara.

Ang Seafood Marinara ay may ingredients na tomato sauce, linguine pasta, bell pepper, keso, hipon, isda, pusit at iba pang pagkaing-dagat. Ang linguine pasta ay mayroong carbohydrates na maaaring makapagbigay ng enerhiyang magagamit natin sa buong araw habang ang keso at pagkaing-dagat ay may protein na makakapagpatibay pa lalo ng ating mga buto. Ang bell pepper at tomato sauce ay mayroon namang vitamin C na maaaring makapagpakinis ng ating balat. Tunay na masarap ang putaheng ito sapagkat pinaghalo ang maasim na lasa ng tomato sauce, maalat na keso  at ang mga paborito kong pagkaing-dagat. Totoong kasiyahan ang aking nadarama sa tuwing kakain ako nito sa Delifrance.

Makikita niyo naman na talagang katakam-takam na sa litrato ang pagkaing ito. Paano pa kaya kung inyo itong natikman? Makakatayo pa kaya kayo  sa inyong kinauupuan? Masarap itong meryenda o kaya naman ay tanghalian para sa mga taong hindi sanay kumain ng kanin. Hindi ito kailanman mawawala sa itinuturing kong “Malikhaing Gawa ng Isang Dalubhasa.” Delizioso!

-Angelique Correa