Ano ang buhay kung walang pagkain? Siguradong ito ay magiging matamlay at walang kahulugan. Hindi nga rin ito matatawag na “buhay”, sapagkat kung walang pagkain, walang ring buhay. Kailangan nga natin ang pagkain upang makaraos sa araw-araw, ngunit hindi rin naman magiging kumpleto ang ating mga buhay kung hindi dahil sa ating pagkain. Hindi ko lubos maisip ang buhay na walang pagkain sapagkat masasabing ito ang puso n gating pang-araw-araw na buhay. Kapagka mayrrong mga pagdiriwang, palaging mayroong handa. Masasabi nga ng isa na ang mga handa ang buhay ng mga pagdiriwang. Likas na rin an gating pagkakahilig sa pagkain. Kahit ako ay alam na hindi ako makakaraos ng walang pagkain. Hindi ko rin maipaliwanag ang pakiramdam na dulot ng pag-kain sa akin. Gusto ko rin na dinadahan-dahan ito dahil sa gusto kong ninanamnam ang lasa at aroma kapag ako’y kumakain – kahit ano pa ang handa. Para bang ang bawat kagat ay isang regalo ko sa aking sarili. Maraming nagsasabi na ubod ng bagal akong kumain, ngunit gaano man ito kahibang, likas lamang ito sa akin. Maraming ring nakapapansin nito. Maraming mga naiinis, maraming nahihiwagaan, marami rin nagtatanong kung bakit ang kupad kong kumain sapagkat minsan isang pirasong yema lang naman ang kinakain ko, pero inaabot ako ng 10 minuto para lamang maubos ito. Ewan ko, hindi ko mapaliwanag. Kakaiba ung pakiramdam na tipong nakakatuklas ako ng pag-ibig sa unang tingin sa lahat ng timpla ng lasa. Kabaliwan ba kamo? Hindi para sa’kin.
Maraming suliranin ang ating hinaharap sa buhay na iba-iba ang antas. At kahit na nakakapagpaganda ng pakiramdam ang pag-kain, minsan ay nakadaragdag lamang ito sa hirap ng buhay. Ang pagpapasya nga lang kung ano ang paborito mong pagkain ay mahirap na dahil sa napakaraming pagpipilian. Lahat ay mukhang masarap. Kung ang ating mga dila ay mga hurado sa pagtutuos ng mga ulam, magiging mahirap ang pagpili ng panalo. Para sa akin, kung ang lasa ng isang pagkain ay nagdulot ng magandang pakiramdam sa akin, ito ay tiyak na mabibilang sa aking mga hilig.
Lumaki ako sa mga pagkaing pangmaharlika sa sarap. Ang aking nanay ay mahusay magluto, at hindi sya maihahambing sa kahit na sino pa. Parati akong nanunuod at nakikitulong kapag siya’y nagluluto na. Naaalala ko pa nga noong bata pa ako, parati akong nahihila palabas ng aking silid dahil sa masarap na aroma ng isang handang ulam-Pilipino na linuluto lamang niya kapag may mahalagang kaganapan. Masasabi kong hindi ko pa ganoon kakilala ang mga ulam-Pilipino noon dahil sa lumaki ako sa ibang bansa at hiyang ako sa mga pagkain doon. Pero ang isang ulam-Pilipino, “Kare-kare” kung kanilang tawagin, ang nagpatibok ng aking puso. Noong mga panahon na iyon, hindi ko pa alam kung ano iyon at kung anong mga rekados ang mayroon ito. Ang tanging alam ko lang ay ito ay langit sa aking dila.
Alam kong nais niyo rin ito matikman, kaya eto na ang mga sangkap upang makaluto ng Kare-Kare:
1/2 kilo beef (tender cut from sirloin or round) cut into chunk cubes2 oxtail
2 pig hocks
7 cups water
Pinch salt & pepper
1/2 cup oil
4 tablespoons atsuete oil
2 heads garlic (minced)
2 medium sized onions (diced)
1/2 cup bagoong alamang
3 cup ground nuts or 4 cups of peanut butter
1/4 cup ground toasted rice
5 pieces eggplant (sliced into rings)
1 banana bud (cut to almost proportional to eggplant slices, blanch in boiling water)
1 bundle sitaw (string beans) cut to 2" long
Ayon sa Wikipedia, ang kare-kare ay isang lutuing Pilipino na may katas ng mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka. Kadalasang may bagoong kasama para isang sawsawan. Maaari ring gamitin ang paa ng baka. Sa halip na sarsa ng mani, ipinamamalit kung minsan ang gata ng buko sa paggawa ng kare-kare.
Ang ulam na ito ay nagsilbi bilang isang pangunahing pagkain. Siguraduhing kapag inihanda ang ulam na ito ay mainit. Sabi nila mahirap magluto nito dahil matrabaho, pero pagtapos niyo maluto ito tanggal ang pagod nyo. Ang kare-kare ay medyo matabang, pero masarap ito kapag may alamang. Basta para sa akin, wala pa rin tatalo sa Kare-Kare, Kung hindi mo pa ito natitikman: ang sarap kea? Itry mo! Di mo pagsisisihan ang desisyong ito, dahil sa isang tikim palang, abot langit na ang iyong kaligayahan. Kaya’y tara na, tayo’y kumain na ng paborito kong Kare-Kare! :)