Friday, November 19, 2010

Masarap na ka-PARES

Isa sa aking paboritong kainin tuwing almusal, tanghalian at minsan pulutan ay ang Beef Pares. Ang Beef Pares ay parang Adobo ngunit matamis ang sarsa nito at kesa baboy o manok ang gamiting laman sa Pares naman ay karne na hinawa-hiwa hugis na mukang kwadrado. Ito ay maaring makain sa mga karinderya at sa mga naglalako na tindahan ng mga pagkain sa kalye.

Kaya ito tinawag na pares dahil masarap na kapares (malamang hehe!) ito sa sinangag at mainit na sabaw. Ang mga sangkap ng putaheng ito ay 1/2  kilong karne, 1/4 cup ng toyo, 1 kutsaritang durog na paminta, 1/4 cup na asukal, 2 tbsp ng luya, 1 cloves na durog na bawang, 1 sibuyas na hiwa, 4 cups beef broth, 2 pirasong star anise. Sa pagluto ng Pares papakuluan ang karne isa't kalahating oras depende sa kapal ng karne, pagkatapos i-mamarinade ang karne sa toyo, paminta at asukal. At saka igigisa ang luya, bawang at sibuyas habang ito ay ginigisa isala ang karne galing sa marinade at igisa muli pagkatapos ilalagay na ang beef broth at star anise.

Meron ding sustansyang makukuha sa pagkain ng putahe na ito dahil sa iba't ibang sangkap nito. Ang karne ay mataas sa protina at nagbibigay ng enerhiya sa atin upang tayo ay makagawa ng mga iba't ibang gawain. Ang bawang naman ay mayaman sa bitamina ito rin ay merong calcium, iron at potassium.

Naalala ko nung ako ay 2nd year high-school isang umaga wala akong makain na almusal dinala ako ng ama ko sa isang karinderya kung san lagi siyang kumakain. Umorder sya ng Pares Beef at ako naman takang-taka kung ano ang lasa nito. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko humingi ako ng konti at sumubo ng isang kutsara nito, ako ay sarap na sarap kaya ako na ang umubos ng order niya. (pero may nakain naman siya ng konti)

Hanggang ngayon ito ay aking kinakain bilang almusal at tanghalian. Sa tuwing ako'y kumakaen nito lagi kong naalala ang unang beses kong pagkain nito at masarap talaga itong isama sa sinangag at mainit na sabaw at lagi akong nabubusog dito. Kaya sulit talaga para sakin ang pag-order ng Pares Beef dahil sobrang sarap talaga nito!


-Paolo Luisito T. Panganiban
1T2

12 comments:

  1. Sa totoo lang nagutom ako habang binabasa ito :) Nakaka-engganyo ang iyong paglalahad. magaling :bd

    ReplyDelete
  2. ayy, SYAKS .. di pa cu nakakakain nian, naun, gusto cu tuloi itry .. veyrigud paolo, haha . --jhe ;)

    ReplyDelete
  3. Nakakatakam ang Beef pares mo. At mukhang sulit nga itong potahe na ito lalo na sa mga estudyante. Nice work (: -Nix

    ReplyDelete
  4. Litrato palang ang sarap na tignan. Nice job!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga shane, try ko rin ito na ako ang mag luluto at home para ma enjoy ko talaga

      Delete
  5. So, magiinuman na tayo? Pulutan ang sabi mo eh. JOKE lang. Okay. Masarap nga yang BEEF PARES! Gusto ko yan! :)

    ReplyDelete
  6. Ito pala yung beef pares di pa ko nakakakain nito. Mahusay:)

    ReplyDelete
  7. ang pares ay masarap nga! :) yahhhmeh!

    ReplyDelete
  8. akala ko ang pares ay may sabaw, NOW I KNOW, :)) sarap nama nito paolo!

    ReplyDelete
  9. masarap yan! lalo na yung pares sa pampanga di ko lang alam kung san ako kumain nun sa pampanga.hahahah! :D nice ---marga

    ReplyDelete
  10. wow pares. kay sarap nga naman nito :)

    ReplyDelete