Friday, November 26, 2010

LIKEY ko ang Creamy Beef In Mushroom Sauce!!

Napakataba ko noong aking kabataan maihahalintuhad mo ako sa isang biik  dahil ito sa hilig ko sa pagkaen.Nakakatawang isipin na bata pa lamang ako ay talagang mahilig na ako sa mga ulam na may mga kabute hindi ko alam ang dahilan pero ayon sa aking mga magulang kapag may mga kabute ang aming ulam ay agad agad ko itong kinukuha na halos mawalan na ng kabute ang aming ulam dahil yun lamang ay sapat na sa akin.  



Isa sa mga pagkaeng hinding hindi ko matatanggihan ay ang Creamy Beef In Mushroom Sauce!. Maaari mo akong mauto para sa ulam na ito. Hindi ko alam kung anong meron ang pagkaeng ito na sa tuwing makakatikim ako ay parang lahat ng aking pagod sa araw na yun ay bigla na lang maglalaho. Madalas itong niluluto ng aking ina para sa akin lalo na kapag alam nya na naging mahirap o masyadong "stressful day" ang nanyari sa akin. Iniluto din ito sa akin ng nakaraan kong kasintahan na talaga namang ikinasaya ko dahil nga sa paborito ko ang ulam na ito. Sa totoo lang ay walang problema sa aking kung sino ang nagluto o saan man ito  binili ang importante sa akin ay ang linamnam sa aking dila na binibigay nito sa akin ay hindi nagbabago.Narito ang mga sangkap sa pagluluto ng aking paboritong pagkaen at ang mga pamamaraan sa pagluluto ng Creamy Beef in Mushroom Sauce.

Sangkap:
8 pirasong tuyong shitake mushrooms
400 gramo sukiyaki hiwa ngrib eye karne ng baka, hiniwa hiwa
1T bawang tinadtad
4T olive oil
1C all purpose cream
1 1/2c parmesan cheese
Parsley, tinadtad
Asin at Paminta



Pamamaraan:
1. Ilagay ang Shitake sa mangkok na may mainit na tubig upang lumambot pagkatapos ay alisan ng tubig at hiwain pahaba
.2. Lagyan ang Karne ng baka na may asin at paminta.
3.Igisa ang bawang sa kawali. Magdagdag ng mga karne ng baka at lutuin.
4. Kapag luto na, ibuhos ang lahat ng All Purpose Cream.
5. Haluan ng gadgad parmesan. Hayaang Kumulo.
6. Ihain kasama ang mainit na kanin at budburan ng Parsley.

Ngayon ay nag dyedyeta na ako dahil napapansin ko na lumalaki na ang aking tyan ngunit sa tuwing ito ay inihahain sa akin ng aking ina KINAKALIMUTAN kong nag dyedyeta ako dahil hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na kumaen ng marami na halos gawin ko syang ulam buong araw. Naibigay ko na ang Sangkap at Pamamaraan kung paano lutuin ang paborito kong ulam subukan nyo din sa inyong mga tahanan malay nyo mapasaya nyo ang mga mahal nyo sa buhay katulad ng pagpapasaya nito sa akin tuwing ako ay nakakaen ng ulam na ito. Salamat sa pagbasa. Kaen na ng CREAMY BEEF IN MUSHROOM SAUCE! :DDDD


                    Isinulat ni: Maria Roxanne R. Ponce          

12 comments:

  1. Paborito ko rin ang mga putaheng may mushroom. Nagagayuma din ako sa twing nakakakain ako ng pagkain may mushroom. It's so masarap. I wanna try ;D

    ReplyDelete
  2. d pa ako nakatikim ng creamy beef mushroom sauce. mukha syang masarap kaxe maganda ang iyong paglalarawan.

    ReplyDelete
  3. Mukhang masarap. Makatikim nga minsan :)

    ReplyDelete
  4. wow sarap naman yan. favorite ko ang mushroom :)at nakakatakam pa.

    ReplyDelete
  5. wow sarap naman yan. favorite ko ang mushroom :)at nakakatakam pa.


    -roshiko cellona

    ReplyDelete
  6. hindi ko pa ito natitikman pero mukhang masarap. Ang galing nung description:)

    ReplyDelete
  7. sarap naman niyan sana matikman ko din iyan :)

    ReplyDelete
  8. ang bongga nang comfort food mo. :) sarap.

    ReplyDelete
  9. Nakakatakam! gusto kong tikman! :)

    ReplyDelete
  10. WOW! nakaktuwa ung description. mahilig din ako sa kabute, pero napansin kong mas mahilig ka nga. HAHAHA. nakakatuwa ang description, Bongga. Swear, No joke :)))))

    ReplyDelete
  11. kakaiba yan ah parang gusto ko tuloy tikman

    ReplyDelete
  12. mukang malinamnam! kukumbinsihin ko nga si mama na magluto nito :D mahilig din ako sa mushrooms. lalo na yung cute, parang sa SuperMario :))

    ReplyDelete