Ang Pork Estofado ay mayroong kalapitan sa pagkakaluto ng “Adobo”, ang pinagkaiba lamang ay ang pagkakaroon nito ng saging na saba at matamis ito kumpara sa adobo. Ang Estofado ay putahe na nagmula sa mga Espayol, at sa pagdaan ng panahon ay namana na ito ng mga Pilipino at nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagluluto nito. Ang kahulugan ng pangalan nito ay “Stewed” o “Post-roasted” sa Ingles at ilan pa sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Estofado de Pollo na ag ibig sabihin ay “Chicken Stew” at and Estofado de Rez a la Catalana o “Catalan Beef Stew Recipe” (mula sa: about.com Guide to Spanish Foods).
Ang mga sangkap nito ay madali lamang hanapin at murang mura lamang kaya swak na swak sa bulsa. Ang ilan pa sa mga sangkap nito ay ang mga sumusunod: baboy na tama lamang ang hiwa, dahon na laurel, buu-buong paminta, suka, toyo, pulang asukal, tubig, sibuyas, bawang at mantika. Hanapin lamang ang mga ito sa inyong pamilihang bayan o ang tinatawag na palengke, sa mga “supermarket” o “grocery stores”, at kahit pumunta lamang kayo sa inyong pinakamalapit na suking tindahan at mahahanap ninyo ang inyong mga kakailanganin.
Dumako naman tayo sa sarap na hatid nito sa aking bituka na tila ba walang kapaguran sa kakatanggap ng pagkain at ang walang humpay na paggiling ng aking tiyan sa mga pagkaing natatanggap nito. Ay, eh talaga naman kasing napakasarap lalo na pag ito ay luto ng aking lola, tita at siyempre ng aking nanay. Pagdating sa estofado, ayaw ko ang purong baboy na may tab lamana, mas inirerekumenda ko ang paggamit ng tinipak na pata. Pagka kasi pata ang gamit, mas nanunuot ang tamis dito at tila ba nakaka-challenge kumain kapag hindi masyadong malaman.
Sa aming pamilya, kapag ganito ang ulam, ang hamon para sa bawat isa sa amin ay hanapin sa kaserola ang pinakamalaman at pinakamaling parte ng pata at pag nakuha ito ay kaiinggitan ka ng iba dahil suli na sulit. Isa pa sa dahilan ay nakakatuwang kainin kapag medyo nahihirapang hanapin ang laman sa mga buto-buto, “jackpot” ka kapag nasimot mo ito hanggang sa mga pagitan ng buto. Pagdating naman sa dulot nito sa ating mga kalusugan, maraming mga “benefits”. Kagaya na lamang ng saging, makukuha dito ay “potassium”. Ang mainam sa pagkaing ito ay nagtatalo ang asim (suka), alat (toyo), pakla (paminta) at tamis (asukal), kaya naman sobra itong nakahuhumaling at garantisado para sa lahat.
At sa wakas ay narito na rin ako sa aking pinakapaboritong parte ng “blog”. Ang hinding hindi kayang palitan ng kahit ano mang pagkain sa pagkain ko ng estofado, ay sa tuwing ako ay gumagamit ng kamay sa pagkain. Kahit na madalas naman talaga akong kumain nang nakakamay at kadalasan ay sa bahay pa, iba pa rin ang dulot nitong sigla sa aking puso, nagagalak kumbaga. Medyo nakakatawa nga lamang ito sapagkat kung inyong iisipin, ang aking ilalahad ay may pagka-wirdo. Hilig ko sa lahat ay ang pagkatapos na pagkatapos kong kumain, nararamdaman ko ang lagkit sa pagitan ng aking mga daliri kahit pa sabihing nagsasawsaw ako sa patis. Naroon pa rin ang damdamin ng “achievement” kapag naramdaman ko na ang lagkit dahil sinisimbolo nito ang pata at ang hirap ko sa pagsimot nito. Ang madalasang karanasan kong ito sa tuwing kumakain ng estofado ay may kalapitan sa pagkain ko ng pinatisan. Samakatuwid, mahilig pala ako sa malagkit na daliri dahil pinaglalaruan ko ito pagkakain, ngunit siyempre nabusog ako at ang estofado ay magsisilbing isa sa mga paborito kong pagkain habambuhay.
Hinding hindi ako magsasawa dito kahit kuhanin pa nila ang puso’t kaluluwa ko, mananatili akong tapat sa ulam na ito!
-Ina Francesca C. Reyes
-Ina Francesca C. Reyes
di pa ko nakakatikim nyan . pro sa pagkakadescribe, mukhang masarap . haha . mhusay ina;) --jhe ;))
ReplyDeleteachievement pala haha.. nakatikim na ko nito dati at masarap nga yan. Ang galing ng pagkakadescribe! mahusay! :)
ReplyDeleteang sarap naman nyan.mahusay!
ReplyDeleteHAHAHA! The best ever ka talaga Ina. =))))) Gusto kong matikman yan! :D -SAN JUAN, Naria Abbey P.
ReplyDeletenakakatuwa naman ito. gusto ko rin neto matamis may saging na saba pa parang hamonado pa :) sarap!
ReplyDeleteAko'y naaliw sayo. Hahaha! Mukang napakasarap, dalhan mo kami sa klase nang matikman. - Dreli
ReplyDeletehaha.. napakaganda ng paglalarawan.. :)) i love it lalo na yung last line.. haha..
ReplyDeleteate ina! paborito ko din kaya yan! :) lalo na pag luto ni mama!
ReplyDelete-ian
GUSTO KO TONG ITRY! convinced ako na masarap to. :D
ReplyDeleteako man. gusto ko matikman . agad tuloy akong nagutom . haha.magdala ka naman sa skul minsan.. :)) -kayle
ReplyDelete