Sunday, November 28, 2010

Masasarap na gulay sa giniling na mani :)

KARE-KARE





Madaming putahe sa ating bansa ang talaga namang napakasasarap at hindi ito maitatanggi ng mga tao, taga Pilipinas man o mga dayo mula sa ibang mga bansa sa buong mundo. Masyado nga naman talagang malikhain ang mga Pilipino at sila'y nakakalikha ng mga putahing pang-world class. Isa na sa mga ito ay ang Kare-Kare na aking sobrang paborito. Sa tuwing ito ang kakainin ay sadyang nakakalimutan ko ang mga salitang gaya ng "diet", "pagtititpid" at kung ano-ano pa. Bakit kinakailangang magtipid kung Kare-Kare ang nasa hapagkainan? Nagsasayang ako ng pagkakataong maging masaya. Kare-kare ang isa sa nagpapasaya sa aking araw. Napakasarap nito at kakaiba talaga ang kanyang lasa. Pagtinikman mo ito ay makakaramdam ka ng kakaibang pakiramdam. Ang putahing ito ay binubuo ng napakadaming sangkap na maganda rin sa ating kalusugan. Madami itong nilalaman na gulay at napakasarap kung dinikdik na mani mismo ang gagamiting pangsabaw at dinikdik na bigas upang maging malapot ang sabaw nito. Mabibili ang mga sangkap sa mga supermarket at mga palengke. Madali lang itong bilin ngunit mahirap iluto dahil madami itong kailangang gawin pa ngunit pagkatapos naman ay walang hanggang kasiyahan ang mararanasan.

Ang mga gagamitin na ingredients ay:
  • 1 buntot ng baka (mga1 o ½ kilo), hiniwa ng tig-3 pulgada
  • 5 kutsaritang mantika
  • 5 ulo ng bawang, pinitpit
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa
  • ¼ tasang katas ng achuete
  • 1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba
  • 2 tali ng sitaw, hiniwa ng tig-2 pulgada
  • 4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada
  • ½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino
  • ½ tasang peanut butter, asin ,paminta, betsin
Ang mga gawi sa pagluluto nito ay palambutin ang buntot ng baka. Hanguin mula sa tubig at prituhin ng bahagya sa mantika. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
Idagdag ang katas ng achuete. Igisa hanggang lumabas ang mantika ng buntot ng baka. Idagdag ang gulay at kaunting tubig upang magkasarsa. Idagdag ang pinulbos na bigas at peanut butter na tinunaw sa 3/4 tasang tubig. Timplahan ng asin,paminta at betsin.ihain ng may kasamang bagoong alamang.

Kung hindi mo pa ito natitikman, sinasayang mo ang iyong buhay kaya subukan mo na itong tikman at sinisigurado kong makakalimutan mo ang iyong pangalan. Masasarap ang lutong pinoy kaya tangkilikin natin ang mga ito at hinding-hindi kayo magsisisi sa inyong desisyon. Kare-Kare ang magpapasaya sa inyong araw kaya wag ng magsayang pa ng oras, tara na't kumain ng aking paboritong Kare-Kare!


-Kate Arby Benito

10 comments:

  1. Tunay nga napakasarap ng Kare-Kare. Isa rin ito sa aking mga paborito. --Nadene

    ReplyDelete
  2. haha. :) kare-kare ang ulam namin tuwing pasko. :)

    ReplyDelete
  3. nakakamisssss sobra kung gusto yan!!!! - roxanne ponce

    ReplyDelete
  4. napaparami ako ng kaen ng kanin pag kare-kare ang ulam! -brenda monderin

    ReplyDelete
  5. WORD CLASS talaga yan.. :))nakakamis mga ganyang ulam.. :(

    ReplyDelete
  6. woooow!! kare kare! tpos mainit na kanin at pati na ang bagoong! saraaaap! nice kate!

    ReplyDelete
  7. woooow!! kare kare! tpos mainit na kanin at pati na ang bagoong! saraaaap! nice kate!

    ReplyDelete
  8. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magustuhan ang lasa ng kare-Kare, pero naconvince mo akong subukang kumain ulit. :)

    ReplyDelete
  9. Huwow Kare-Kare! Talagang sobrang sarap niyan lalo na kung may kasamang bagoong :)

    ReplyDelete
  10. Maipag-luto ko nga neto si Misis :) thanks!!! sakit.info

    ReplyDelete