Tuwing makakakita ako ng Adobong Manok na binebenta sa mga kainan, naaalala ko ang aking ina. Kapag ito ang aking in-order at natikman na, hindi ako tunay na masayahan sa lasa nito kahit na gaano pa kamahal ang pagkakabili ko nito. Palagi ko nalang nasasabi na higit pa din na masarap ang luto ng aking ina na Adobong Manok na may halong Pinya. Siguro, nasanay lamang ako sa lasa ng mga ulam sa probinsiya na maskinagigiliwan ko kumpara sa mga ulam sa siyudad. Tuloy, ako’y malulumbay at sasabihing: “Kamusta na kaya sila nanay? Namimiss ko na ang lutong Adobo ni Nanay! Anong linamnam ng karne ng manok na minarinate sa kakaibang sauce! Para bang nalulunod ako sa kasiyahan kapag natitikman ko na ang lasa nito! Matamis? Maasim? May kaunting alat? Hay! Ang hirap ipaliwanag ng lasa! Nakapang-tutulo laway ang itsura at amoy palang nito! Mmmmm… Panalangin ko ay walang masyadong gawin na takdang aralin sa eskwelahan para makauwi ako ng probinsiya sa Biyernes upang matikman ang luto ni nanay lalo na ang paborito naming magkakapatid na Adobong Manok na may Pinya! O kay sarap! Halos ipagpalit ko na ang buhay ko para matikman ito! Handa akong mamatay ng pauli-ulit kung ang katumbas naman nito ay pagkagat sa minarinate na pagkalinalinamnam na karne ng manok at syempre, ang mahiwagang sauce na unexplainable ang lasa!”
Ngunit kaunting trivia lang po, alam niyo ba na ang Adobo ay ideyang dinala na mga Espanyol sa ating bansa? Katunayan, ang salitang “Adobo” ay nanggaling sa salitang Espanyol na nangangahalugang inatsara o pampalasa. Gayunpaman, nang dahil nga sa kanilang pagiging desperadong makakakuha ng mga pampalasa ay nilibot nila ang buong mundo, at natunton nila ating bansa na kanilang tinawag na “Spice Islands” sapagkat tayo ang nakapagbigay sa kanila kakaiba at matamang lasa ng Adobo sa pamamagitan ng ating mga sangkap na pampalasa.
Ang tipikal na Adobong Manok ay mayroong sangkap na bawang, sibuyas, suka, toyo, paminta, laurel, kaunting mantika at syempre, ang karne ng manok. Ngunit kung ako ang tatanungin, higit na mas nasasarapan ko ang Adobong Manok na may halong chunks na pinya at syrup nito. Ito ang specialty ng aking ina na may lahing Ilokano at Español . Sabi niya, ito ang dahilan kung bakit ang nakasanayan na na lasa ng Adobong Manok ay mas nagiging masarap dahil ang Pinya ay pinatatamis ito ng kaunti at may pagkaasim-asim din. Ito nga marahil ang twist na nararanasan namin ng aking pamilya kapag natitikman ng aming taste buds ang lutong Adobo ni nanay. Sabi nga, halos malimutan na ang pangalan sa sobrang sarap nito.
Ang Adobong Manok na hinaluan ng Pinya ay masustansiyang pagkain. Ang manok ay maaring pagkunan ng protina, minerals, at bitamina. Ang pinya naman ay punong-puno ng bitaminang C at B1. Sa katunayan, pati ang mga pampalasa na isinasama sa pagluluto ng Adobo may kakakibat din na sustansiya. Ang bawang at luya ay mainam na pagpapanipis ng dugo para maiwasan ang blood clots at makapangyarihang antioxidant. Samantala ang luya ay mainam para sa maayos na pagtunaw ng pagkain at maaring gamitin para maiwasan ang pamamaga.
Naghahalo ang aking ina ng pinya sa adobo upang lumapot ang sabaw nito, at siyempre, para tumamis ang lasa. Ang juice naman ng pineapple at ang suka ang ginagamit niya upang balansihin ang masim na lasa nito. Tip lang ng aking nanay, itigil ang paghalo sa adobo kapag umabot na sa parteng ihahalo na ang pinya at syrup nito, ang laurel, kaunting tubig at ang suka dahil maapektuhan ng di maganda ang paghahalo ang lasa ng sauce ng Adobo. Tinanong ko ang nanay ko kung ano ang sikreto niya sa pagluluto ng masarap na Adobo, sabi niya wala naman. Sa totoo lang daw, tanyahan lang ang ginagawa niya at binabase sa amoy. 80 porsyento daw kasi ng lasa ay malalaman sa amoy. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Chef Drissele na aming guro sa professional cookery na lagi raw naming tandaan na there’s no such recipe that is always accurate. Marahil kung may sikreto daw ang aking ina, yun ay ang inspirasyon niyang makapagluto ng masarap na pagkain para sa aming pamilya. Sapamamagitan ng simpleng pagluluto ng mainit-init na Adobo, ito ang nagiging tulay niya para maiparating ang kanyang pagmamahal. Sabi pa niya, kapag masarap ang pagkain na nasa mesa, tiyak, masarap din ang kwentuhan ng pamilya.
The best talaga ang lutong-bahay ni nanay na Adobong Manok na may Pinya. Akalain mo, ang prutas na Pinya pwedeng ilagay sa Adobo?! Ang Adobo ay halos ikinukunsidira na nga na National dish of most Filipinos. Mapamayaman man o mahirap, mapa-Pilipino man o banyaga, ay nahuhumaling sa sarap at lasa nito. Kaya naman ang mga kamag-anak namin sa states ay pinadalhan sila ng recipe ng aking ina doon upang gabayan sila sa pagluto nito. Kapag tumatawag o nakaka-chat kasi naman sila, palagi nilang sinasabi na namimiss na daw nila ang Adobong Manok na may Pinya ni nanay. Tuwing babanggitin nila iyon, pakiramdam ko ay ang swerte-swerte ko sapagkat maging ang ibang tao ay nasasarapan ang Adobo ni nanay.Ang sarap talaga sa pakiramdam, kapag may nagluluto sa iyo ng masarap na pagkain, lalo na kapag mahal mo ito sa buhay tulad ng aking mahal na ina. Naipapasa at napadadama niya sa aming pamilya ang kanyang mainit na pagmamahal at kasiyahan sapamamagitan ng paghahain ng mainiti-init at paborito naming ulam na Adobong Manok na may Pinya. Hindi lamang para magkalaman ang nangangalam nating tiyan ng masarap at masustansiyang pagkain, kundi upang busugin din niya kami ng walang hanggang pagmamahal.
Kaya ano pang hinihintay mo??! Kung hindi mo pa natitikman ay magpaturo ka na sa tatay o nanay mo na magluto nito! Mainam na suggestion ito. Masarap na, siksik pa sa susutansiya! Adobong Manok na may Pinya, ang mas pina-level-up, maspinarap, maspinalinamnam, masnakatatakam, masnakakabaliw na di maipaliwang na lasa ng sauce na tiyak na babalikbalikan mo at sasabihing: Nanay you’re the best! Pwedeng paluto pa ng Adobong Manok na may Pinya? Salamat!” Ahahahaha! XD
-Czarinah Kate T. Bingcang (:
1T2
isa sa paborito kong prutas ang pinya :D isama pa sa adoba talagang masarap :) -zharina
ReplyDeleteFavorite ko rin yan. Pinoy na Pinoy ang lasa. ;)
ReplyDelete- Ivy
Wow. ang sarap. Favorite ko rin yan. :D Adobong manok w/ rice, wooooooooow. hahaha
ReplyDeleteGusto ko din yan, Rinah! Masarap talaga magluto ng adobo! Pag sa probinsya! Hahaha si Lola din e. Masarap magluto! :-D
ReplyDeletewow may pinya pa gusto ko din niyan ah. masarap nga iyan. :)
ReplyDeleteminsan magdala ka nito sa school. :) tikman ko. :D masarap kasi kapag lutong pinoy; matamis, maasim. tsaka dahil love ka ng nanay mo, mas masarap siguro. :)
ReplyDeletegustong-gusto ko ang adobo kaya lang di ko pa natitikman yung may pinyaXD Mahusay!:)
ReplyDeletealam ko to! nung bata pa ako nagluluto ang nnay ko ng may pinya! mahusay! magaling rina! magdala ka nito sa skul! mag pikinik tayo ---marga
ReplyDeleteNakakatuwa naman na mistulang malalim ang inyong relasyon ng iyong ina. Totoong napakasarap nga ng Adobong may pinya. Siguro'y napakasarap magluto ng iyong ina. Sana'y matikman ko rin yan sa susunod. :) - Mille
ReplyDeleteAng sarap naman nyan. Maganda talaga ang kombinasyon ng adobo at pinya. :D -chiaki
ReplyDeletei love adobo. kaya lang di ko pa nattry ang may pinya. love ko kasi ang maalat. try ko minsan ang may pinya.. :)) -kayle
ReplyDeletegustong -gusto ko ang adobo :) masarap talaga ito lalo na kapag may pinya:)
ReplyDelete-roshiko cellona