Nakakain ka na ba ng pagkain na parang ang diyos pa mismo ang naghanda o nagluto nito para sayo? Ako hindi pa. Pero kung meron mang second place sa lutong langit, malamang natikman ko na iyon.
Nobyembre 23, 2010, Miyerkules, isang pangkaraniwang araw lang para sa karamihan, ngunit sa akin, hindi. Nang pumatak ang ika-10:10 ng umaga, ako kasama ang aking kaibigan ay nakapagorder ng Double Down Sandwich mula sa KFC. Halos araw-araw naming tinitinignan kapag oras ng break kung sold out na o hindi pa ang item na iyon. Sa awa ng diyos, natiyempuhan namin ang isang napakandang pagkakataon. Pumila kami agad at nag-order, pagkatapos ay umupo sa bagong upuan sapagkat nirenovate ang establisimyento. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa aking harapan. Isang order ng Double Down Sandwich na may regular coke na softdrinks. Dali-dali kong kinuha ang mainit-init pang pagkain, amoy na amoy ang napakabangong aroma at sa isang malaking kagat…..Boom. Parang nabuhay ako ulit. Kung ang sasabihin ko lang na masarap ito, kulang. Kung baga, parang sa pag-ibig, mas mabuting matutunan ito kung maipapadama mo at hindi ipapaliwanag.
Sa bawat kagat, nagfaflashback ang lahat ng maliligayang sandali ng aking buhay, tila napaalis ang lahat ng sakit ng katawan ko at mga problema at parang ako’y lumalangoy sa ulap. Sa puntong iyon, hindi na kami makaimik ng aking kaibigan. Niyakap ko ng mahigpit at pinasalamatan ng lubusan ang mahusay na nag-imbento ng Double Down Sandwich, pero sa isip ko lang iyon. Lalagpas na kasi ng break time kung hahanapin ko pa siya.
Siguro ay napapatanong ka na kung ano nga ba ang Double Down Sandwich ng KFC. Babala; ang mga susunod mong mababasa ay maaring makapagpabago ng iyong pananaw sa buhay. Handa ka na? Game! Ang Double Down ay isang natatanging sandwich na tinatampok ang dalawang makapal at makatas na walang butong laman ng manok (orihinal na recipe), dalawang piraso ng bacon, dalawang tinunaw na hiwa ng Monterey Jack at paminta jack keso at Colonel's Sauce. Sa sobrang meaty ng produktong ito, wala ng ispasyo para sa tinapay. (English translation: The new KFC Double Down sandwich is real! This one-of-a-kind sandwich features two thick and juicy boneless white meat chicken filets (Original Recipe®), two pieces of bacon, two melted slices of Monterey Jack and pepper jack cheese and Colonel's Sauce. This product is so meaty, there’s no room for a bun!) . Ang kaligayahan pag nalaman mong nanalo ka sa super lotto, ang kilig pag nalaman mong gusto ka rin pala ng crush mo, ang galak kapag pinagshopping spree ka ng iyong mga magulang at ang tuwa kapag nalaman mong nakakatulong ka saiyong kapwa, lahat yan posibleng maramdaman mo pag kumain ka nito. Sa presyong isandaang piso, kahit may kamahalan ay paniguradong solb naman!
Kung may problema ka o kaya naman ay sadyang masaya ka lang, inirerekomenda ko sayo na kainin mo ang isang order ng Double Down sandwich. Pero wag mo namang araw-arawin, sapagkat makakasama talaga ito. Laging tandaan na lahat ng sobra ay masama. Subalit kung hardcore ka at gusto mo talagang sumabog ang iyong pwet, hindi naman kita mapipigilan.
At sa pagtatapos ng aking munting blog, nais ko sana na ikaw ay kumuha ng tissue at pakipumanasan ang iyong tumutulong laway. BIRO LANG. Ako’y nagpapasalamat sa iyong ibinigay na oras sa pagbabasa nito at muli, sa KFC sa pagimbento ng pambihirang Double Down Sandwich. Huminga ka na ng malalim. Tapos na ang palabas :>
ang blog post na ito ay inihandog ni: ALYSSA JILL S. RODRIGUEZ
ikinalulungkot ko pero hnde pa ako nkakain nyan :(((( pero dahil sa mga sinabe mo BIBILI Na ako mamaya HAHAHA :DDD -roxanne ponce
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteLarawan pa lang natatakam na ako . Lalo na puro keso at walang buto na manok na paborito ko . Kukulitin ko tatay ko na ibili ako niyan mamaya sa KFC :). salamat sa impormasyon alyssa - Devie Kumar
ReplyDeleteKFC DOUBLE DOWN SANDWICH.. abot langit sa sarap.. :>>
ReplyDeleteHuwow! Gustong gusto ko na talagang matikman yan, at dahil sa blog mong ito, mas lalo akong naengayong tikman ang double down sandwich ng KFC :)
ReplyDeletehuwaw. gusto ko dng mtikman yan. commercial plng nakakatakam na!
ReplyDelete-roshiko Cellona
WAAA! salamat sa pang-iinggit. :D gusto ko na din tikman to.
ReplyDeleteNatawa ako sa tagalong translation ng Double down. Pero gusto ko ring matikman ang Double Down sandwich! Bibili ako niyan bukas! :))
ReplyDeleteKakakain ko lang niyan kanina! Grabe, nakakabusog! yummyyy. :D
ReplyDeletePareho tayo ng karanasan dahil sabay nating kainin iyang double down na yan. Buti at hindi pa soldout haha. Napakasaya ng araw na yon, bandang 10am ng umaga. -Camille Tamondong
ReplyDeleteaahahahahhhaa!! tawang tawa ko dito aa! masarap daw ito lalo na kapag may kaniiiiiin :) haha! nice JILL :)
ReplyDelete