Sa tuwing naririnig ko ang salitang Cream Puff ay hindi ko napipigil ang aking sarili na hanap-hanapin ang lasa ng munting putahe na ito. Aba! Sino ba namang mag-aakala na ang na ang matamis na kremang ipinaloob sa tinapay na binudburan ng powdered sugar ay maglalabas ng putahe na ginagawa na ngayon sa iba't ibang parte ng daigdig dahil sa kakaibang sarap na taglay nito? Walang nakatukoy kung saan nagmula o kung sino ang gumawa ng recipe ng cream puffs. Mayroong ilang hakahakang nagsasabi na una raw itong nagawa noong ika-13 na siglo.
Una itong dinisenyo bilang keso na nakapaloob sa dalawang tinapay. Ito ay niluto sa katulad na paraan ng pagkaluto ng pate choux na isang kakaibang tinapay kung saan dinaragdag ang flour sa napakulong mantikilya at tubig. Matpos nito'y, bubuo ito ng isang dough. Matapos ang ilang minuto, kapag ang dough ay hindi na gaanong mainit, ay ihahalo ito kasama ng mga itlog hanggang ito ay magmistulang paste. Matapos nito ay maari na siyang lutuin. I-bake ang dough sa mataas ng temperatura at matapos ang ilang minuto ay maaari ng babaan ang temperatura ng oven. Pagkatapos lutuin ang tinapay ay kailangan muna itong palamigin at tsaka lamang ito pwedeng hatiin sa gitna. Ang gitnang bahagi ng tinapay ay pupunuin ng matamis na whipped cream, maaring flavored o plain. Matapos nito ay bubudburan ito ng powdered sugar sa ibabaw ng tinapay, maari ka rin gumawa ng iba pang paraan ng pag presenta dito gaya na lamang ng paglalagay ng dark chocolate syrup dito. May ilan naman na naglalagay ng strawberries, raspberries o iba pang mga prutas kasama ng krema. Ngunit para sa aki'y iisa lamang ang paraan upang masmapasarap pa ang cream puffs, ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng ice cream matapos ilagay ang powdered sugar at chocolate syrup sa ibabaw.
Ang kaalaman sa paggawa ng cream puffs na ito ay magagamit sa paghahanda ng mga regalo sa mga kaibigan, kamag-anak o kahit sino pa mang nais mong regaluhan lalo na ngayon na malapit na ang pasko. Ang cream puffs na ito ay sigurado namang makapagpapasaya sa kung sino man ang makakatanggap dito.
Wow. Favorite ko to. Gusto ko yung crem puffs sa beard papa's. :) -Deedee
ReplyDeleteang sarap sarap naman nyan talaga.lalo na pag nag memelt sa mouth mo. haiaiiiii.. :D ---marga
ReplyDeleteCream puff! :"> Natakam ako sa pagdescribe mo!
ReplyDelete