Sunday, November 21, 2010

Buttered Shrimp


         Mantikilya. Bawang. Sprite. Hipon. Ito ang mga sangkap na bumubuo sa napakasarap, nakakapangtulo ng laway, napakamalinam-nam, pinakasuave  at ang pinakapaborito kong pagkain sa buing kalupaan ng mundo. Sugpo at hipon ay isang lubhang magandang pagkukuhanan ng protina at masyadong mababa sa taba at calories. Ang ang pagkain nito ay isang tunay malusog na pagpipilian ng mga pagkain. Mapagkukuhaan din ito ng omega-3 fatty acids ngunit ang mga ito mataba acids ay mabuti para sa inyo at makatulong na maiwasan ang laban sa sakit sa puso at marami pang ibang uri ng sakit.

    Sa Dampa sa Libis ang lugar na kung saan ka makakatikim ng mapang-akit na sarap ng Buttered Shrimp. Tulad nila Adan at Eba, hindi makukumpleto ang buong mundo kung wala ang katambalan ng napakasarap na Buttered Shrimp, ang garlic rice. Sa bawat pagsubo mo ay makakaramdam ka ng kapayapaan at makakakita ka ng isang parte ng kalangitan.  Tuwing ako  ay makakakain sa Dampa ng Buttered Shrimp ay hindi mapaliwanag na kasiyahan ang aking nadarama.

    Sa bawat pagkain ko ay muli kong nababalikan ang isang masayang larawan ng aking pamilya na sabay-sabay at masayang kumakain dito habang ipinagdiriwang ko ang aking kaarawan. Masarap na pagkain ang tanging nagbibigay sakin ng alaala ng isa sa mga masasayang sandali ng aking buhay.



                - CONSUELO ISABELLE A. DUMLAO   

11 comments:

  1. Sprite? parang kakaiba yata itong putaheng to! Parang gusto ko tuloy itry! Panalo ang pagkakadescribe!:)

    ReplyDelete
  2. Mukhang napakasarap naman nyan. Gusto ko rin tuloy ito matikman! :)

    -Muriel

    ReplyDelete
  3. Wow! Parehas pa tayo ng paboritong pagkain! Tamang tama ang iyong pagkakadescribe! Napakasarap at napakagaling!

    ReplyDelete
  4. wow. parang ang sarap nga. mahilig pa naman ako sa seafoods.! :D yummmmm

    ReplyDelete
  5. YUMMY! Kahit na allergic ako sa seafoods gusto ko na den tuloy itry!

    ReplyDelete
  6. SEAFOODS. :)) paborito ko yan. :D lalo na ang HIPON!! wew kakatakam. :))

    ReplyDelete
  7. Sprite? Wow, ang lupet naman pala. Kahit hindi ako mahilig sa seafoods parang nacurious ako sa lasa at gusto ko rin matikman yan :D

    ReplyDelete
  8. gusto ko yung konsepto nung sprite, butter at hipon. SARAP! HIPON IS LOVE! :D

    ReplyDelete
  9. wow kay sarap naman may sprite pa. :)

    ReplyDelete
  10. Wow. Sprite...kakaiba..mukhang masarap! Shrimp is super ♥

    ReplyDelete
  11. wow. nakakagutom naman yan. parang gusto ko yan kainin ngayon :)



    -roshiko cellona

    ReplyDelete