Hindi nga ba kay sarap kumain? Lalo na kapag ang tatambad at bubungad sa iyong mga paningin ay ang iyong mga paboritong putahe? Ang papasok ng unti unti sa mga butas ng iyong ilong ay ang masarap na amoy ng ginisang bawang? Isang parte sa buhay ng tao ay ang pagkain at hindi maipagkakaila ng kahit na sino man na tayong lahat ay nakakain na. (tatanggalin kong isa-isa ang aking mga kuko at puputulin ang aking mga daliri kung mayroon pang hindi nakakakain maski isa sa atin). Marahil karamihan sa atin ay may matabang dila pagdating sa pagkain. Sa paulit ulit nating Gawain bilang mag aaral, nakatitiyak akong karamihan sa atin ay may routine nang sinusunod. Ako din naman, bilang isang estudyante, ay napapagod at natatamad din kapag paulit-ulit ang nangyayari sa aking buhay. Gigising ng kay aga, maliligo, papasok sa iskul at pagkatapos ng klase ay uuwin na rin, matutulog at maghahanda sa pag gising ng maaga kinabukasan. NAKAKATAMAD! Oo! Siguro nga ito ay nakakatamad, ngunit aminin natin sa ating mga sarili na kasama din sa bahagi ng ating buhay ay pagkain at ito ang parati kong niloolook forward bilang mag aaral. Ang pagkiliti sa ating mga taste buds ng bawat butil ng ulam na ating sinusubo at ang pagtatalo ng alat at tamis, maging ng asim at pait ang nakakapag pa excite sa ating bawat pagsubo ng ulam.
Isa ang pastel de lengua sa napakaraming ulam, na kasama sa listahan ng nakakararami sa atin bilang isang masarap na putahe. Hindi lamang dahil masarap itong kainin, ngunit dahil hindi mawari ang sayang hatid nito kapag ipinapasok na sa bibig ang dila ng baka at lulusawin sa lalamunan habang nakabalot ito sa masarap na krema. Ay! Kay sarap nga naman ng lengua! Sarap na lasap na lasap! Marami ng naimbentong paraan ng pagluluto dito, ang iba ay pinahihirapan at ginagawang komplikado ito at ang iba naman ay ginagawang kasing bilis ng bullet train ang pagluluto nito. Ito ang mga sangkap na maaari nating maging gabay tungo sa masarap na pastel de lengua:
1 beef tongue
1 can mushroom
2 cans evaporated milk
1 nestle cream
1/2 cooking oil
2 onions, chopped
3 potatoes, cubed
1/2 c. tomato sauce
1 tsp. salt
2 tsp. ground pepper
1 tsp. vinegar
2 c. beef tongue broth
2 - 3 tbs. flour dissolved in 1/2 c. water.
1 egg, beaten with a little milk
1/2 cooking oil
2 onions, chopped
3 potatoes, cubed
1/2 c. tomato sauce
1 tsp. salt
2 tsp. ground pepper
1 tsp. vinegar
2 c. beef tongue broth
2 - 3 tbs. flour dissolved in 1/2 c. water.
1 egg, beaten with a little milk
Hindi lamang sarap ang hatid sa atin ng putaheng ito, sapagkat may makukuha din tayong benepisyo sa ating kalusugan sa mga rekado nito tulad na lamng ng mga gulay na nakakapag bigay sa atin ng vitamins and minerals, ng dila ng baka na nakakapagbigay naman ng protein at ng gatas na nakakapagbigay naman ng calcium. Marami pang benepisyo ang makukuha ditto, hindi lang dahil pang laman tiyan ito, kundi dahil healthy food pa ito. Hindi ito masyadong ginamitan ng prito, kung gayon hindi ito lubos na nakakataba. Malinamnam ang nagtatalong cream at dila na swak swak sa panlasang pinoy, bawat subo nga naman nito ay masasabi mong nakalimutan mo na ang iyong pangalan.
Masarap! Malinamnam! Dala pa ang historya nating mga Pilipino. tangkilikin at tikman ang produktong ito at siguradong pati ang kaluluwa mo ay madadadala nito sa himpapawid at magtatalon ang iyong mga body organs sa sarap.
-ni MARGARITA B. GATCHALIAN
ay, ang sarap, haha .. magaling marga ;) -jhe
ReplyDeleteWow Lengua! masarap talahga yan! hahaha. Nice ganda ng napili mong pagkain.
ReplyDeletetalagang napaka detalyado ng description! nakakagutom tuloy... mahusay!:)
ReplyDeleteayos na ayos to sa tanghalian! :)
ReplyDeletepara namang napakasarap nyan! gusto ko na den itry!
ReplyDeleteKahit hindi pa ako nakakatikim niya, tingin ko masarap dahil sa mga detalyeng nakalagay. Pati na rin ang mga ingredients na nakasaad. Mahusay sa pagkakasulat Marga :)
ReplyDeletewow sulit kainin toh masarap at nakakatulong sa kalusugan
ReplyDeletetalagang detailed aa. haha! galing galing! bnabasa pa lng, nkaka engganyo na :D
ReplyDeletebeef tongue hindi pa ko nakakatikim nun ah. gusto ko itry yan mukhang masarap nga :)
ReplyDeleteHindi pa ko nakaktikim pero mukang masarap base sa description mo at sa picture sa taas. :) - Dreli
ReplyDeleteSOBRANG SARAP NYAN LENGUA! At malambot pa ang mga laman :P~ Nakakadagdag pa dito ang malinamnam nyang sauce. Nice work! -Nix
ReplyDeleteAyon sa diskripsyong binigay mo ay mistulang napakasarap nga nito. Gayunpaman ay hindi pa ako nakakatikim iyan sapagkat natatakot ako sa mga ginamit na materyales. Nais ko rin itong subukan sa susunod. :D - Mille
ReplyDeleteNung bata ako akala ko laman ng baboy yan eh. Yun pala dila ng baka :D haha pero kumakain pa din naman ako kahit ganun. Sobrang sarap kasi eh :) -Deedee
ReplyDeleteMasarap nga ang lengua. Isang beses palang ako nakakain nito at gusto ko ulit matikman ang pagkaing ito. -chiaki
ReplyDeleteINFORMATIVE! :) hindi talaga ako kumakain nito pero gusto ko yung sauce. :D
ReplyDeletewow lengua!!napakasarap at malinamnam pa.na-iimagine ko tuloy na may lengua sa harap ko XD
ReplyDelete