Monday, November 22, 2010

Beef Sinigang :)



Ang Tamarind Soup o mas kilala sa pangalang ‘Sinigang’ ang isa sa mga sikat na putaheng makikita at matitikman dito sa bansang Pilipinas. Ang sinigang ay maaaring sahugan at lutuin sa iba’t ibang paraan, mayroon tayong sinigang na baboy, isda, hipon, o minsan naman ay manok; ngunit ang talagang tumatak sa aking panlasa ay, ang sinigang na baka. Marahil ay siguro sa pinagsamang ‘meaty flavor’ at asim nito na talagang hahagod sa iyong lalamunan.

Siguradong maganda ang maidudulot nito para sa ating kalusugan dahil puno ito ng sari saring gulay katulad ng gabi, sitaw, kangkong, kamatis, sibuyas, na malimit nating pinagkukunan ng mga vitamins and minerals. At siyempre, ang karne na pinagmumulan ng proteins, zinc, phosphorus, iron and B-Complex vitamins.

Unang beses kong natikman ang ulam na ito sa kainan n gaming eskuwelahan noong hayskul. Madalang lamang silang maghanda ng mga putaheng may sabaw, kaya’t ng matikman ko ito ay lagi ko ng inaabangan ang araw kung kalian sila muling magbebenta. Pero hindi lang sa rason na iyon kaya naging espesyal ito sa akin, siguro ay dahil na rin sa mga naranasan at magagandang alaala na iniwan sa akin noong ako ay pa ay nasa hayskul. Noong dati, naguunahan pa kami ng iba pang mga estudyante sa pagbili dahil talagang medaling maubos ang ulam na ito. Tuwing umaga, kahit kararating ko pa lamang sa iskul ay talagang tatakbo na agad ako kasama ng aking mga kaibigan sa canteen para magpareserba kapag sinigang ang binebenta nila, at pagdating ng tanghali o recess ay salo salo kami sa pagkain kahit iisa lamang ang ulam naming. Sama samang nagtatawanan, nagkuwekuwentuhan at pinagsasaluhan ang sinigang na may kasamang patis at double rice.

Sadyang nakakaaliw balik balikan ang mga alaalang nagudyok sayong maging paborito ang isang partikular na putahe katulad ng sinigang, lalo na yung parte kung saan inaalala mo rin kung gaano ito kasarap kapag inihapag sa lamesa ng mainit-init at kumakalat sa buong paligid ang aroma ng isang sabaw na sa amoy pa lang ay mangangasim ka na.


- Sarah Angeli P. Zaragosa

12 comments:

  1. wow bigla ko tuloy nagustuhan kumain ng sinigang! Favorite kong ulam to simula nang bata pa ko. Nice job:)

    ReplyDelete
  2. ulam namin to ngayon. :D ang sarap sarap nya lalo na kapag napakaasim! ito ang pagkaing hindi nakakasawa at hahanap hanapin ko hanggang ako ay tumanda na. magaling sarah! ---marga

    ReplyDelete
  3. NICE! :) KANGKONG AND KAMATIS IS LOCVE.

    ReplyDelete
  4. ngayon ko lang nlaman na may beef sinigang pala.. :)

    ReplyDelete
  5. Sobra toh sa Sarap!:) isa to sa mga paborito kung food:D sana ito food mamaya:) Magaling Sarah!:)

    ReplyDelete
  6. Eto kinakain ko ngayon and i really love sinigang, kahit anong luto. Ang sarap sarap kasi lalo n ung asim ng sabaw niya. Good job Sarah :) Keep it up! Ang galing ng work mo.

    ReplyDelete
  7. hhhmmmmmm.. it really looks gud.. SARAP niyang tingnan!!.. Unique xa!! Pero mukang tlgang masarap!!.. Nice Job!!..

    ReplyDelete
  8. namimiss ko ang aming tahanan pag yan ang mga ulam iba kasi pag lutong bahay nakooo nakakagutom! -roxann ponce

    ReplyDelete
  9. ayyy beef sinigang isa din sa mga gusto ko iyan masarap talaga ito mahusay :)

    ReplyDelete
  10. wow :) masarap tlga yan :) lalo na kapag bgong luto :D


    -roshiko cellona

    ReplyDelete
  11. Wow! MY ALL-TIME FAVORITE DISH EVER! :) Sarap sarap! Good job Sarah! Cook ka ng ganito pag nagkita tayo :>

    - Joyjoy :)

    ReplyDelete
  12. Masarap ako magluto nito :))
    - Ate Boysik

    ReplyDelete