Itong Sinigang na baboy ay isa sa mga paborito kong potaheng Pilipino. Ito ay nagbibigay linamnam sa iyong panlasa! Lalo na kung ito’y mainit init pa. Malalasahan mo talaga ang may pagkaasim ng sabaw, malinamnam na pagkalambot ng baboy at ang malasang gulay nito. At kahit madaming bersyon ang sinigang, ang sinigang na baboy pa rin ang nakakakuha pansin sa aking panlasa. Kung hindi mo pa ito natitikman, nako! Simulan mo na ito lutuin at makukumpleto ang panlasa mo sa buhay! Ito ang paraan at sangkap na iyong kakailanganin.
10 tamarind seed o 1 pack sinigang mix
1 kilong baboy; hiwain ng 1 ½ inches
1 sibuyas; hiwa
¼ bawang; cloves
4 kamatis; hiwa
1 labanos; hiwa
5 sitaw; hiwain ng 2 inches na haba
½ cup dahon ng kangkong
4 gabi; binalatan at hatiin sa kalahati
2 buong siling haba
Una ay igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at baboy hanggang mawala ang pulang kulay sa baboy. Sunod ay lagyan ng limang cup ng tubig hanggang sa lumambot ang baboy. Ilagay ang paasim at gabi. Kapag malambot na ang gabi, ilagay ang natitura pang gulay. Patayin ang apoy. Takpan. At ihain ang sinigang na baboy!
Simula noong bata ako, tuwing naaamoy ko ang aroma nito habang niluluto ako’y lalong gaganahan kumain. Tuwing kakain pa naman ako nito, pupunuin ko ng sabaw ang aking kanin, kukuha ako ng medyo maraming kangkong, lalo na yung stem nito na may pagka malutong. At syempre ang malaman na baboy. Itong potaheng ito ay sulit na sulit dahil nagbibigay pa ito ng mga bitamina sa katawan. Kaya para sa akin, hinding hindi kayo magsisi kung ito ang ihahain niyo sa inyong pamilya o kaibigan dahil makakaranas kayo ng sarap, linamnam at kasiyahan matapos niyo itong pagsaluhan!
-Nicole de Mesa

Tunay nga na Kahalihalina ang aroma nito. Pilipinong Pilipino pa ang lutuin na ito :) Nice work :)
ReplyDeletePeyborit ko din yan! Minsan amoy palang alam ko na yan yung niluluto. Magaling!
ReplyDeletehoho .. traditional filipino food, one of my fave,mahusay sa description . nakakagutom :D:D
ReplyDeleteNapakasarap talaga ng Sinigang na Baboy. Gustong-gusto ko humihigop ng sabaw nito lalo na kapag mainit-init pa ito.
ReplyDeleteNapakahusay ng iyong blog Nix. Siguradong marami ang matatakam sa Sinigang na Baboy! :)
Tamaaaa! Kilalang-kilala amoy palang :D
ReplyDeleteMagaling!
Super mahal ko ang sinigang lalo na sa tanghalian. Magaling! :D
ReplyDeletemagaling ang pagkakadescribe! mahusay:)
ReplyDeletemasarap siyang basahin at magaling sa pagbibigay ng deskripsyon -- marga
ReplyDeleteComplete meal nga ito ayon kay Ms, Abuton :D Tunay nga namanag napakasarap niyan, masustansya pa. :D -Mille
ReplyDeletePaborito ko ito. Tunay na masarap at malinamnam :) -claire
ReplyDeleteMahilig din ako kumain ng stem ng kangkong kasi mahilig din ako sa malutong :) nice work :) -Deedee
ReplyDeleteTAMA! ang aroma pa lang nito at alam ng sinigang iyon, tila ba tinatakam ka. :D
ReplyDelete