Kapag narinig mo ang salitang Adobo, isang bagay agad ang pumapasok sa iyong isipan - lutong Pinoy! Siguradong hindi lamang ako ang nahuhumaling sa pagkain ng adobo dahil ang putaheng ito ay itinuturing bilang ating pambansang lutuin. At dahil na rin sa ito ay isa sa pinaka-popular at pinaka-tradisyunal na lutuing Pinoy sa loob man at labas ng bansa. Maraming klase ng adobo. Nariyan ang adobong baboy, adobong manok, adobong pusit, adobong sitaw, adobong kangkong at adobong okra. Ngunit ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang adobong manok. Naging paborito ko ito dahil sa angkin nitong kakaibang lasa kumpara sa ibang lutuing Pinoy. Nasa sa iyo o sa nagluluto kung ano ang gusto mong maging lasa ng iyong lulutuing adobo. Puwede itong maging matamis-tamis, maanghang o kaya nama'y katamtaman at balanse lang ang lasa.
Hindi naman mahirap magluto ng adobong manok. Basta kumpleto ang iyong sangkap at sapat ang iyong kaalaman sa pagluluto ay natitiyak kong makakapagluto ka na ng isang ispesyal na putaheng tulad ng adobong manok. Ang iyong mga kakailanganin ay ang mga sumusunod:
- 1 kilong manok
- 1/2 tasa ng toyo
- 1 tasa ng suka
- 2 tasa ng tubig
- 3 dahon ng laurel
- 5 cloves ng bawang, minced
- 1 sibuyas, chopped
- asin
- paminta
- mantika
Ang unang gagawin ay igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Isunod ang tasa ng tubig, manok at tayo. Subukang tusukin ang manok at kapag ito'y malambot na, idagdag ang suka. Lagyan ito ng asin at paminta, at tantiyahin ang lasa. Huling idagdag ang mga dahon ng laurel at ihain.
Ayan, maaari na nating lutuan ang ating mga mahal sa buhay ng adobong manok. Ganoon lang kadali! Hindi lamang sila makakatikim ng iyong adobo ngunit mayroon din itong magandang hatid sa ating kalusugan! Ang manok ay sagana sa iron na kailangan ng ating katawan para sa formation ng ating red blood cells at para rin maiwasan ang sakit na anemia. Para sa akin, mas lalo akong nahuhumaling sa pagkain ng adobo kapag ang nagluto nito ay isang taong malapit sa akin tulad ng aking tita o ng aming kasambahay. Tuwing nakakakain ako ng adobong manok ay ramdam ko na kumpleto na ang araw ko at parang muli akong nabubuhayan. Iyan ang adobo! Isang orihinal na lutong Pinoy na tiyak na patok sa panlasa ng lahat!
- Ivy Ysabel Sombero
wawawiiii!!! sarap CHICKEN ADOBING! :) ang galing aa, detailed ang ingredients! sarap nito! nice ivy! :) mahusay ang iyong napiling pagkain :D
ReplyDeletesobrang nakakatakam naman yan ivy. magaling patok nga ito :)
ReplyDeletePinoy na pinoy talaga 'yang ulam na 'yan! Hindi nakakasawa kahit araw-araw mong ulamin. Kahit mga foreigners, gustong-gusto 'yan! Iba talaga pag lutong pinoy! Good job cousin! =)
ReplyDeleteadobo ang isa sa mga ulam na hnde pdeng hnde maluto sa amin sa loob ng dalawang linggo namiss ko tuloy yung luto ng mommy ko kagutooom nice ivy! :)
ReplyDeleteWow! Favorite ko rin yan!hahahah :)) ang sarap.nagugutom na ko..haha lutuan mo nga ako!? lol :))
ReplyDeleteParehas tayo ng favorite? Naks! Sarap talaga ng Adobo. (:
ReplyDeleteMMmmmmmmm. Masarap talaga yang adobo lalo na yung mamantika, yum! In fairness kinarir mo yung recipe ah?! -Clarisse
ReplyDeleteYUMMMMM. Adobo! Fave ko din to, lalo na pag chicken adobo tas may kasamang itlog!
ReplyDeleteADOBO! :) tapos may Iron pa. :D salamaat.
ReplyDeleteADOBO.. delicious na healthy pa.. :))
ReplyDeleteparang gusto ko tuloy kumain ng adobo ngayon! :)
ReplyDelete-roshiko cellona
sarap naman ! hahahah~ lutuan mo ako ibee
ReplyDelete-ayumi asukai
paborito mo pala yan? :) haha. ipagluto mo ko! :) - cecille tinio. ;)
ReplyDelete