Thursday, November 25, 2010

Bicol Express; EXPRESS ANG SARAP!

http://www.hungrynez.com/wp-content/uploads/2009/07/IMG_4058-1024x768.jpg

Bicol Express

Ang Bicol Express, bow. Ito ay isa sa mga kilalang putahe sa Bicol. Alam naman natin na ang mga Bicolano ay kilala dahil sa pagkakaroon nila ng hilig sa mga maanghang na mga pagkain. Bilang ako ay isa din sa mga mahilig sa nasabing ulam ay nakahiligan ko na ito kaagad. Gustung-gusto ko itong niluluto ng aking papa at talaga naman napapakain ang ng marami dito. Habang ito ay niluluto ay maamoy at malalanghap mo ang aroma nito kaya naman ay alam na alam mo na kaagad kung ano ang niluluto at masasabi mo na lang, “Wow! Bicol Express ang ulam. Napakabango talaga!” Ito din ay may kakaibang timpla o blend ng mainit, maanghang at maalat alat na lasa na may halo ding gata na tunay na nagpasarap dito.


Upang makaluto nito, kailangan mo ng mga sumusunod na sangkap;

v 1/4k ng baboy
v Baguio beans
v Siling labuyo
v Gata
v Bawang at Sibuyas
v Coconut cream
v Cooking oil

Painitin muna ang mantika at ilagay ang baboy hanggan sa ito ay maging brown pork ito. Sa ibang kawali naman ay igisa ang bawang at sibuyas at pagkatapos ay isama na ang browned pork. Idagdag ang gata at pakuluan ng sampung minuto. Pagkatapos ay idagdag ang sili (mas marami, mas masarap), at Baguio beans. Ilagay ang cocounut cream hanggan sa lumapot ang sabaw. Lagyan ng asin pampalasa. At hayan! Mayroon ka ng malinamnam na Bicol express. J

Ang Bicol Express ay binubuo ng mga masusustansyang sangkap kaya naman ay hindi ka magdadalawang isip na kumain nito tulad na lamang na sili na mayaman sa Vit. A, mayroon din itong Vit. B6, Vit. A, at Vit. C. Ang gata ay nakakatulong sa paggamot ng mouth ulcers.

Kapag ito ay natikman niyo ay siguradong hinding hindi niyo ito titigilan. Masasabi kong kapag kayo’y nakakain nito, hindi niyo ito maikukumpara sa ibang mga foreign foods na ating nakakain. Para sa akin, isa ito sa mga pinakamasarap na putahe na gawa ng mga Pinoy. Kilala tayo sa pagluluto ng masasarap na mga pagkain kaya’t di kataka-takang maraming nakakamiss sa mga pagkaing Pinoy. Kaya naman kahit na ano’ng ipangtapat na ulam sa atin ay sadyang babalik at babalik talaga tayo sa sariling atin! Kaya’t halina’t kumain ng masasarap at malilinamnam na pagkaing gawang Pinoy!

Bicol Express; EXPRESS ANG SARAP!



-  Trixie M. Manos
1T2

14 comments:

  1. NAKS NAMAN bhe... ssaarraapp naman..WOW BICOL talaga.. :))

    ReplyDelete
  2. Hindi ko inaasahan na favorite mo to. :) COOL! salamats sa info. :D

    ReplyDelete
  3. Ui! hilig mo pala ang bicol express! sa totoo lang, di ko pa ito natitikman! :)Mahusay!
    -ina

    ReplyDelete
  4. Yung papa ko din mahilig sa bicol express. Pinapakain niya ako nun noong bata ako. Sobrang anghang :) -Deedee

    ReplyDelete
  5. mahilig k pala sa maanghang? haha parehas tau! apir! nicee

    ReplyDelete
  6. Katakam-takam! Nagugutom tuloy ako :)-Geliq :)

    ReplyDelete
  7. Gusto ko rin niyan. Lalo na pag sobrang maanghang! Nice.. :D

    - Ivy

    ReplyDelete
  8. Totoong hindi ito maikukumpara sa mga foreign food! :)

    ReplyDelete
  9. naalala ko to couz. hilig mong magpaluto nito at kailangan sobrang anghang! haha. nice blog, nagugutom tuloy ako ngayon.

    ReplyDelete
  10. isa sa mga pabori2 kong ulam! masarap. nice blog

    ReplyDelete
  11. masarap ito, may kurot sa dila :)

    ReplyDelete
  12. mahilig ako sa mga maanghang :) masarap tlga itong bicol express :)

    ReplyDelete
  13. Naalala ko tuloy ang Bicol Express sa dati kong school. Paborito kasi namen ito ng aking mga kamagaral noong high school. Masarap nga yan! :)

    ReplyDelete
  14. Msarap 'to. Sa totoo lang, nung nakaraan na linggo ko lang 'to unang natikman, hindi ako nadisappoint. :) SARAP :D - Mille

    ReplyDelete