Naranasan niyo nabang makakain ng pagkain na sa unang subo nito ay mapapasabi kayo ng “wow”? Naranasan niyo nabang makakain ng pagkaing hindi nyo makakalimutan ang sarap nito kaya’t hinahanap hanap niyo ito araw-araw at kahit siguro araw araw mo na itong ulam ay di ka masasawa? Ako meron at ito ay tinatawag na Piquant Shrimp o ang kinikilalang Gambas na may kakaibang lasa na siguradong mapapa-WOW kayo sa unang tikim.
Ang Piquant Shrimp o ang kinikilalang Gambas ay isa sa mga sikat na putahe ng mga Pilipino. Ito ay nagbibigay ng sarap at tamis-anghang sa bawat subo mo at lasang lasa mo ang hipon at ang kanyang sauce at mapapaisip ka na “Life is good”. Kahit alam nating high cholesterol ang hipon, may taglay naman ito na vitaminB12, zinc, copper, iron, at mineral-rich. Nung unang tikim ko nito, hindi ko alam kung bakit sarap na sarap ako eh ang mga sangkap lang naman nito ay napakasimple. Ito ang mga sangkap na kailangan at proseso sa pagluto.
1 lb shrimp, peeled and deveined
2 tablespoons garlic, minced
1/4 cup lemon juice
1/2 cup green chili, sliced diagonally
1 cup red bell pepper, chopped
1/4 cup cooking oil or olive oil
1 medium-sized onion, quartered
1/4 cup tomato sauce
2 tablespoons chili sauce
Salt and pepper to taste
Ipagsama ang lemon juice at ang hipon at imarinade ng tatlumpung minuto. Lagyan ng cooking oil ang frying pan at pagmainit na, lagyan ng garlic hangang maging light brown ang kulay. Lagyan ng onion at bell pepper hanggang maglambot ang itsura at ihalo ang hipon at lutuin ng dalawang minuto. Lagyan ng asin at pepper at lutuin ng isang minuto tapos i-halo ang tomato sauce at lutuin naman ito ng dalawang minuto. Lagyan ng hot sauce at ipakulo nito ng tatlumpung segundo. maginit ng isang sizzling plate at ilipat ang mga hipon kasama ang iba pang mga sangkap.
Sa totoo, kamakailan ko lamang nagustuhan ang gambas at dahil hindi ko naman ito nakakain sa bahay , pumupunta pa ko sa QCSports Club kung saan ko ito unang natikman. At sa bawat bisita ko doon ay ang pakiramdam ko na 1st time ko parin matitikman ang gambas. Kaya naman itry nyo na magluto nito sa bahay at siguradong sigurado na hindi kayo magsisisi. Sorry nalang sa mga allergic sa hipon. :D
-Jerrimaine Lyan S. Sy
WAW .. tagal cu pinangarap makatikim nian, pero dahil dati acung allergic sa hipon, okay, since ndi na sumusumpong .. ITTRY CU na yan ! mukhang masarap nga :)) --jhe
ReplyDeletehindi pa ako nakakatikim nito pero sa tingin ko kailangan kong itry to dahil mukhang ngang masarap. :)
ReplyDeleteahahahaha. :D rawr kakatakam. :D ahahaha. :D nice job. :D
ReplyDeletewow! mukhang masarap ito at madali lang lutuin. susubukan ko ito gawin :)
ReplyDeletehipon masarap yan. isama mo nga ko minsan patikim :)
ReplyDeletei love gambas! YUM! NOM NOM NOM!!! :>
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteGustong gusto ko rin yan. Lalo na pag maanghang! XD
ReplyDelete-Ivy
Parang hindi pa ako nakakatikim niyan. Try natin yan kapag namasyal tayo sa future. Hahahha
ReplyDelete-Bettina
PEYBORIT KO ANG HIPON! :) gusto kong tikman to.
ReplyDeletedi pa yata ako nakakakain nyan. gusto ko rin matikman para mapa wow ako.. :) -kayle
ReplyDelete