Maaaring hindi alam ng karamihan ngunit ako ay isang taong ubod nang hilig kumain. Ang malaking parte ng aking panahon at oras ay iginugugol ko sa halos walang katapusang pagnguya ng mga pagkain - kapag ako ay walang magawa o may ginagawa, kapag ako ay masaya o malungkot, kapag ako ay gutom at pagod. Basta halos sa lahat ng pagkakataon ay nais kong kumain. Sa aking palagay ay naging ''hobby'' ko na talaga ito. Ito ang dahilan kung kaya't ang aking pera ay kadalasang nauubos sa pagkain. Ito rin ang dahilan kung bakit napakahirap sa akin mamili kung ano ang aking ilalagay dito sapagkat napakarami kong paboritong pagkain dahil sa aking katakawan. Ang aking napili ay ang Chicken Adobo. Ito ay dahil napakaespesyal sa akin ng ulam na ito. Bakit? Kakaiba ito sa lahat ng aking mga paborito sapagkat para sa akin, ang luto lamang ng aking daddy at mommy na Chicken Adobo ang masarap. Pagdating sa ibang pagkain ay hindi ako mapili, ngunit pagdating sa Adobo, ang luto lamang ng aking mga minamahal na magulang ang gusto ko. Wala ng iba pa. Pareho ang paraan nila ng pagluluto nito. At masasabi kong talagang kakaiba ito kumpara sa mga natikman ko sa ibang restawran at karendirya. Hindi ako nasasasarapan sa luto ng iba kapag Chicken Adobo ang usapan. Taliwas kasi ang mga ito sa luto ng aking mga magulang na malinamnam at hindi gaanong masabaw. At iyon ang gusto kong luto nito.
Ang Adobo ay isang sikat na ulam sa ating bansa ngunit aaminin kong hindi ko alam kung paano magluto nito. Sapagkat wala akong hilig sa pagluluto, magaling lang akong kumain. Napakasaklap, hindi ba? Haha. Kung kaya't tinanong ko ang aking mga magulang kung ano ang mga sangkap ng kanilang napakasarap ng Adobo. Sabi nila ay simple lang ang paggawa nito. Kailangan lamang ng toyo, suka, paminta, bawang, manok, cooking oild at isang bay leaf na nagpapalinamnam daw lalo rito. Tinanong ko sila kung bakit iba ang lasa ng kanilang Adobo kumpara sa mga natitikman kong malalabnaw, masasabaw o di kaya ay may halong tamis na Chicken Adobo na aking natikman sa ibang lugar. Ayaw na ayaw ko kasi ang may matamis na lasa kapag sa ulam. Sabi nila ay ipiniprito muna nila ang manok upang maging mas malasa. At konti lamang ang tubig upang hindi maging masabaw o malabnaw. Ang bay leaf din daw ay mahalaga para sa pampalasa. Sabi pa nila ay masarap din ang Adobo kapag ito ay inilagay na sa ref at ipapainit kinabukasan. Lalo pa daw itong lumilinamnam.
Gaya ng aking nabanggit kanina, ako ay matakaw at halos kinakain ang lahat. Ngunit napakamapili ko pagdating sa Chicken Adobo. Ayokong kumain nito kapag hindi luto ng aking mga magulang. Para sa akin ay hindi masarap kapag iba ang nagluto, base sa aking mga karanasan. Kapag luto ng iba ay wala akong gana ngunit sa tuwing Chicken Adobo ang aming ulam sa bahay ay halos ako na ang makaubos ng kalahti ng kanilang niluto para sa aming pamilya. Iba ang impact sa akin ng kanilang Chicken Adobo. NAPAKALINAMNAM AT HALOS HINDI KO MARAMDAMAN ANG PAGKABUSOG KAPAG KUMAKAIN NITO DAHIL SA SOBRANG SARAP! Sa lalong madaling panahon ay magpapaturo na ako at mag-eensayo upang matutong magluto ng Adobo nang sa gayon ay makapagluto ako nito balang araw, kahit araw araw pa. :)
- ANDRELI MAY B. VISTA
halos parehas tayo na hindi palaluto pero palakain hahaha madali lang naman pa lang lutuin eh try mo minsan titikman namen! mahusay na paglalahad nagugutom na tuloy ako! - Roxanne Ponce
ReplyDeletegusto ko rin ang chicken adobo. masarap nga iyan. magaling ang pagkakalahad, natatakam ako. meron na tayong professional cookery, ipagluto mo naman kame ;)
ReplyDeletehaha.. natawa ako sa first part ng pagkakalahad.. ;)) nakakatakam.. :)
ReplyDeleteMahusay sa paglalahad Dreli. At tama! Masarap talaga ang adobo :)
ReplyDeletewow adobo :) isa dn yan s paborito ko :D
ReplyDeletenatuwa naman ako sa first paragraph. :D pero i can relate. :D masarap talaga ang adobo. :D
ReplyDeleteNakarelate ako sa blog mo! HAHAHA! :) Magaling! Winner. ;)
ReplyDeletetama ka dreli masarap talaga ang adobo lalo na kapag luto talaga ng magulang.sana ito na lang yung iluto natin sa hrm para malaman natin kung pano gawin diba? - klara
ReplyDeletewow paborito ko ito dahil masarap at madaling lutuin
ReplyDeleteIba talaga pag luto ng magulang. Nakakatuwa naman basahin ang paglalahad mo. Nice work! (: -Nix
ReplyDeletewowowee! chicken adobing! :) nice dreli!
ReplyDeletekanin at chicken adobo ang sarap nyan. papaluto ako nyan bukas na bukas din haha! :))
ReplyDelete