Thursday, November 25, 2010

ITLOG PUGO ON THE LOSE! :)



                       Marami akong gustong pagkain; tulad ng Spaghetti, Hamburger, Chicken Pie, Adobo, Hipon, Calamares at kung anu-ano pa. Pero simple lang naman ang gusto ko sa pagkain, basta pasok sa panlasa ko okay na ako. Hindi ko rin kailangan ng mamahaling pagkain para lang mapagbigyan ang dila ko at mabusog ang tiyan ko. Sapat na sa akin ang street foods; yun bang kahit piso eh may mailalaman na ako sa tiyan ko. Hindi ko na ilalagay ang Spaghetti dahil alam naman ng karamihan na ito ang paborito kong pagkain. Mas gusto kong ibahagi ang isang pagkain na masasabi kong hinahanap-hanap ko at nagpapasaya sa akin, --ang Kwek-Kwek.

                        Ang Kwek-Kwek na ito ay Quail Eggs, sa madaling salita itlog ito. Binalutan ito ng harina na may food coloring; maaaring to ay kulay kahel o dilaw. Depende ito sa gagawa. Nilalagyan din ito ng asin at paminta para magkalasa. Nilalagay din ito para maiwasan ang umay. Isawsaw ito sa suka o sa matamis na sauce ay okay na ako. Sa liit ng itlog ng pugo, akala natin ay kaunti lamang ang sustanyang maibibigay nitos sa atin per ang totoo ay higit na masustansya ito ng tatlo o apat na beses kaysa sa normal na itlog. Mas mataas din ang protina nito kaysa sa normal na itlog sapagkat mayroon itong 13 porsyentong protina samantalang ang normal na itlog ay mayroon lamang na 11 porsyentong protina. Maraming makukuhang sustansya sa maliit na itlog na ito. Nagsasabi lang din iyon na wala sa laki at bigat ang magbibigay sa atin ng halaga. Mataas ang protina nito kaya hindi rin maganda kung kakain ka nito araw-araw. Alalahanin din ang kalusugan at hindi lang ang kasarapan.

                        Masasabi ko din na isa ito sa mga comfort foods ko. Maliban sa mga araw na gusto kong kumain nito ay ito rin ang isa sa mga hinahanap ko kapag wala ako sa mood. Isa rin ito sa mga pantawid gutom ko dahil mura lang ito. Meron ka ng walong piraso sa halagang dalawampung piso. Sabihin man ng ibang tao na itlog din yan, bakit ba kailangan balutan? Para sa akin, nagbibigay ang harina ng kakaibang sensasyon sa pagkain ng maliit na itlog na ito. At dahil din sa nakabalot na ito ay matatakam kang hanapin at tikman ang lasa ng nasa loob nito. Sa loob ng isang linggo, mga dalawang beses akong bumibili nito. Para bang hinahanap ng sistema ko ang lasa ng maliit na itlog na ito.

                        Wala sa halaga ng isang pagkain ang sarap nito at lalong wala sa laki at bigat at kalidad nito. 


Rochil Castillo

PAALALA: Siguraduhin ninyong sa malinis na nagtitinda kayo bibili. :)

11 comments:

  1. Omjays! I love itlog ng pugos! :-D Ang sarap nyan! Sarap papakin! Lalo na pag balat na lahat! Hahahaha

    ReplyDelete
  2. wow. tara bli tayo nian pagbaba s lrt :P

    ReplyDelete
  3. ayy gusto ko rin yan, kwek-kwek.. and i love the way it describes..

    ReplyDelete
  4. KWEK KWEK! Favorite namin ng sis ko at nagsisilbing bonding namen kapag kumakain nito! Napakasarap talaga niyan!

    ReplyDelete
  5. Naks! kwek kwek! hilig ko ito! kaparis ng onedayold! :)
    -ina

    ReplyDelete
  6. Bigla akong nagcrave dito :(( Ang tagal ko na kasing di kumakain nito :( -Geliq :)

    ReplyDelete
  7. Nakakaadik to. Lalo na pagkumakain ka with friends. Haha. Nakakamiss! Mabubusog ka na, healthy pa. :D

    - Ivy

    ReplyDelete
  8. Haha paborito namin kainin ng mga kaklase ko nung highschool ang kwek-kwek tuwing recess! Brings back memories.. XD

    ReplyDelete
  9. masarap yan kapag mainit woooow kagutom! -roxanne ponce

    ReplyDelete
  10. sarap naman ah. bili nga tayo neto minsan :)

    ReplyDelete