Sisig :)
Kain dito, nguya dun. Tunay nga namang tayong mga pinoy ay likas na mahilig kumain. Hindi mawawala ang mga pagkain sa bawat selebrasyon o okasyon. Naging bahagi na ito ng ating kultura at patuloy pang pinagyayaman gamit ng mga pagkaing natin ngayon.
Sisig, isang pagkaing pinoy na pinoy na galing sa Pampanga. Kung titingnan palang, kalasap lasap na ito. Ginagamit ito sa iba't ibang okasyon o pagdiriwang. Maaari ring gawing pulutan o simpleng ulam lamang. Ang sisig ay pinagsama samang parte ng baboy; utak, tenga at kung anu ano pa. Nakakapagpalasa naman dito ang sili at kalamansi. Mayroong sisig sa mga karinderya at piling restawran. Pwede din naman kayong mamili kung anong klaseng sisig, dahil mayroon na ring chicken, tuna, bangus at tofu sisig. Para lalo pang sumarap maaari itong lagyan ng mayonnaise at itlog. Hinahanap-hanap nating mga pinoy ang kakaibang lutong at anghang ng sisig lalo na't kung sasabayan ng beer.
Ang sisig ay isang pagkaing puro taba na maaaing maging sanhi ng hypertension. Kaya't para sa mga taong mahihina ang loob, mas inirerekomenda ang ibang order ng sisig gaya ng bangus, chicken o tofu sisig.
Nabusog ka ba? Kung hindi pa, tara na't magfoodtrip at nang matikman ang tunay nitong lasa! Tiyak na mapapasarap ang kwentuhan niyong mgkakaibigan, hinay lang at baka makalimutan ninyo ang inyong pangalan sa sobrang sarap ng sisig kasama ng isang malamig na san mig. Mahaba habang kainan to. :))
Bridgette Lopez
sisig sarap naman nakakagutom ah :) mahusay.
ReplyDeleteSisig! May pwede iulam, pwede ding pulutan :)) Masrap to, lalo na kapag talaga para chicharon un laman. hihi :p
ReplyDeleteMinsan lang ako kumain ng Sisig sapagkat madami itong taba ng baboy. At hindi ako kumakain nun, pero paminsan minsan ay kumakain ako ng sisig, pinipili ko nga lang ang walang taba. Masarap naman ang sisig. Yung taba lang ng baboy ang hindi ko gusto.
ReplyDeleteSISIG.. masarap yan lalo na ung nakikita mong umaapoy.. nice sis.. :))
ReplyDeletemasarap ang sisig sa giligans swear no joke!! :DDDD malutong lutong paborito ko din yang sisige eee msarap :DD -roxanne ponce
ReplyDeletesira ang diet ko sa sisig!!!! hahaha - brenda monderin
ReplyDeletegaling Pampanga pala ang sisig. Nice. :) -cecille tinio
ReplyDeleteAyyy! Talaga naman! Sisig! :) Sobrang nkkbusog!
ReplyDeleteohmygod SISIIIIGGG!! napakasarap nga lalo na pag sizzling tapos nilagyan ng itlog. ang sisig sa Sisig Hooray ang pinakamasarap na sisig na natikman ko so far.
ReplyDelete