Bata pa lamang ako pinapakain na ko ng mama ko ng gulay ng kahit na anong luto pero ang pinakapaborito ko ay chopsuey. Sa dinami-rami ng gulay na sangkap nito, e siguradong malinamnam at napakasustansya nito. Halimbawa na lamang ay carrots. Kapag kumain ka ng carrots lilinaw ang mga mata mo. Napatunayan ko yan sa aking sarili. Sa aming mag-anak ako lamang ang hindi nagsasalamin. Masasabi ko rin na ako ang may pinakamalakas na resistensiya sa amin. Bihira sa akin ang magkaroon ng lagnat. Madalas ubo at sipon. Kaya naman malaki ang aking pasasalamat ko sa magulang ko na pinalaki akong mahilig sa gulay.
Ibang saya ang nararamdaman ko kapag umuwi ako sa bahay galing UST na pagod na pagod sa pag-iisip ng mga sagot sa mga tanong ng aking mga propesor, sa pag-upo ng halos apat na sunud-sunod na oras, pagmamasid sa aking mga katabi kung may kakaiba sa kanilang lahat ang pinaka at sobrang nakakapagod ay ang umupo ka sa jeep at lumanghap ng usok ng tambutso habang sirang-sira na ang eardrums mo sa mga malalakas at tuluy-tuloy na busina ng mga bus, jeep, trak, taxi, kotse at kung anu pa mang uri ng sasakyang makikita mo sa kalsada. Meron nga pedicab kala mo kung bumusina parang isang napakaliaking trak. Gayunpaman, pagdating ko sa bahay, parang isang bula lang ang lahat. Bigla na lang mawawala ang lahat sa isang iglap kapag naamoy ko na ang luto ni mommy na Chopsuey. Mas sumasarap ito kapag mainit lalo na ngayong panahon na taglamig. Masarap higupin ang mainit nitong sabaw lalo na kapag ang kasalo mo sa hapag-kainan ay ang iyong pamilya.
- Klara Isabel T. Villena
1T2
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNaks naman luto ni Mommy! :D Haha! Ikaw pala pinakamalakas ng resistenstya senyo Klara ah. :) Di kasi ako super mahilig sa gulay e. Pero kumakaen ako ng chopsuey. :) Good work! :) -SAN JUAN, Naria Abbey P.
ReplyDeletewow klara ang sarap naman nyan!!!! favorite ko yung mga gulay nice!! :)))
ReplyDeleteyummy naman. baby corn at beans gusto ko niyan masarap :)
ReplyDeleteIto pala ang sikreto mo. :) MAAASARAP na pampalakas ng katawan. :D
ReplyDeletehealthy siya ng bongang bongga.. :) yan pla sekreto mo kaya healthy.. :))
ReplyDeleteMahusay! Talagang maganda 'to para sa katawan. Magaling Klara :)
ReplyDeletewow Klara!isa yan sa pnakapaborito kong putahe pagdating sa gulay! marame ka png makukuhang sustansya dito! :)
ReplyDelete-roshiko cellona
Gusto ko rin ang Chopsuey. Paborito ko ung gulay na chicharo. Yung papa ko expert sa pagluto ng Chopsuey. :D
ReplyDeleteFavorie ko yan sa sa mga gulay! :) Yummy!
ReplyDeleteYan lang ang kinakain kong ulam na may gulan. Mahusay Klary. Hihihi. - Dreli
ReplyDeletemahilig ako sa gulaaaay ang saraaap!!!!! ~roxanne ponce
ReplyDeleteOy favorite ko din ang chop seuy!! Ang sarap ng naisip mo! :-))))
ReplyDelete