Ang pagkain na ata ang pinakamasarap na gawain sa mundo. Kahit saan ay makakakita ng mga restaurant, karinderia, fast food chains, naglalako ng fishball at marami pang iba. Hindi rin buhay ang isang pagtitipon tulad ng pagkakaroon ng party o kahit simpleng meeting man lang kung walang pagkain. Napakalungkot din siguro ng kaarawan, pasko at bagong taon kung walang nakahandang cake, spaghetti o pansit, ice cream at hotdog-on-stick na may kasama pang marshmallows. Para sa akin, ang pagkain ay isang masarap na gawain dahil para itong nagsisilbing isang baterya na nagbibigay enerhiya at kaligayahan sa tao.
Ang pinakapaborito kong pagkain ay ang Chicken Curry na luto ng aking Inay, ang lola ko. Noong ako ay nasa elementary pa lamang ay hindi ko pinapansin ang putaheng ito. Marahil ay natikman ko na ito matagal na panahon pa ngunit hindi ko binigyang pansin. Muli ko itong natikman noong ako ay nasa hayskul. Isa ito sa mga niluto ng aking Inay noong ipagdiwang namin ang kanyang kaarawan pati na rin ang iba naming kamag-anak. (Dahil sa marami ang nagdiriwang ng kaarawan sa aming pamilya sa buwan ng Marso ay nagkakaroon ng pagtitipon ang aming pamilya tuwing kaarawan ng aking Inay bawat taon.) Para sa akin, noong araw na iyon ang unang beses na natikman ko iyon dahil ito ay tila kakaiba at mas malasa. Mula noon ay lagi ko nang ipinapaluto sa aking Inay ang putaheng ito. Tinuruan niya rin ako paano ito lutuin at napakadali lang pala.
Ang mga sangkap na kabilang dito ay manok, mantika, bawang, sibuyas, dahon ng laurel, luya, patatas, carrots, gata o gatas at curry powder. Ang ginagawa ng lola ko ay ibinababad ang manok sa toyo, suka, paminta, luya at dahon ng laurel. Ito ay upang mas maging malasa ang manok. Turo ng aking Inay ay igisa muna ang bawang at sibuyas sa mantika. Pagkatapos nito ay ilagay na ang manok na ibinabad sa toyo, suka, paminta, luya, dahon ng laurel at pati na rin ang pinagbabaran nito. Ilagay ang carrots pagkatapos. Pagkalipas ng ilang sandal ay ilagay naman ang mga patatas. Hintayin ito kumulo at kapag kulung-kulo na ay ilagay na ang curry powder. Pagkatapos nito ay ilagay na ang gata o gatas.
Ayon sa Wikipedia, ang Chicken Curry ay kabilang sa Punjabi cuisine na nagmula sa India at Pakistan. Ito ay sikat sa Asya, Amerika, U.K. at sa Carribean. Ito ay marami nang bersyon tulad ng Thai Chicken Curry na napakaanghang, ang Filipino Chicken Curry na may katamtamang lasa lang o hindi masyadong maanghang, at marami pang iba. Nalaman ko rin na ang makukuha ng taong kumakain ng Chicken Curry ay carbohydrates at protein. Bawat sangkap din nito ay may magandang maidudulot din sa ating katawan. Ang halimbawa nito ay ang carrots na may Vitamin A at ang luya na nakakapagpaginhawa ng tiyan lalo na kapag hindi natunawan.
Tuwing pag-uwi ko sa bahay ay tinatanong ko agad sa aking Inay kung ano ang ulam. Kapag hindi siya sumasagot ito ay may dalawang dahilan una, kung ang ulam ay alam niyang hindi ko magugustuhan o pangalawa, kung ito ay ang paboritong Chicken Curry. Tuwing malungkot ako o kaya naman busy dahil maraming gawain sa paaralan, halimbawa kapag may exams, ay ipinaghahanda ako ng lola ko ng aking paboritong putahe. Kaya naman talagang masaya ako tuwing naaamoy ko ang bango ng Chicken Curry at talaga namang pinahahalagahan ko ang bawat pagsubo ko nito. Ang Chicken Curry ay mahalaga sa akin dahil ito ay tila isang simbolo ng pagmamahal sa akin ng aking Inay. Ang pagmamahal na walang katulad.
- Bettina Elaine Macan 1T2
- Bettina Elaine Macan 1T2
wowww.. sarap./. maganda at maayos ang paglalarawan sa chicken curry.. talaga namang nakakapanghikayat na tikman ang chiken curry ng iyong inay.. :))
ReplyDeleteNatuwa naman ako sa nanay mo. :) kapag hindi ka sinagot, alam na agad. :D
ReplyDeletenapakatamis naman ng huling linya na iyong binitawan! parang ang aking inay, sa ulam na paborito ko nadadama ang kanyang pagmamahal :)
ReplyDelete-ina
Nakakatuwa naman. Masarap talaga ang curry, lalo na kung luto ni inay. :D
ReplyDeleteWow. ttry ko nga maglutto nyan. Ang sarap...love it! galing ng pagkadescribe :)
ReplyDeleteNakakatakam! :) -Geliq :)
ReplyDeleteBetmac! Natuwa ako sa inyong mag-lola! :) Ako ay sumasang-ayon sa iyo na ang pagkain ay ang pinakamasayang gawain sa mundo! :) Matagal na rin akong hindi nakakatikim muli ng Chicken Curry! Pero ito talaga ay masarap.
ReplyDeleteIsa rin sa mga paborito ko yan. Napakasarap. :) Napaksweet mo talagang anak Betty. Haha! - Dreli
ReplyDeletenako bett mukhang masrap magdala ka nmn sa klase nyan hehehehe - Roxanne ponce
ReplyDeleteElaine! Nakakamiss tuloy ang ating pagbigayan ng ulam tuwing lunch! :) Ang ganda ng pagkagamit mo dun sa mga sources at ung paglagay mo ng mga additional info. :) -Janinna
ReplyDeletemasarap talaga ang chicken curry :) at marame ako natutunan sa info n nilagay mo :D
ReplyDelete-roshiko cellona
Chicken~ Basta Chicken, kahit anong luto, kinakain ko. :P
ReplyDeleteang sarap naman pala nito kainin, lalo na kapag galing mo sa eskwelahan :)
ReplyDeletemasarap talaga tikman itong chicken curry dahil sa napakasarap na sauce na nakapalibot dito. ;)))
ReplyDeleteWow super sarap talaga nyan lalo na pag maraming gata! hayyy :)
ReplyDeletekahanga-hanga. para sakin, ayos din naman ang chiken curry, lalo na iyong may kagat na pakiramdam sa dila. at, magandang malaman na mabuti ang naidudulot nitong putahe na ito sayo. :)
ReplyDeleteNICE! GUSTO KO PUMUNTA SA INYO SA PASKO PARA MATIKMAN ANG CURRY NI INAY! :)
ReplyDelete-REINE.