Maraming klase ng putahe ang may pangalang chicken curry, iba't-ibang paraan ng pagluto, iba't-ibang lasa. Ngunit para sa akin, iisa lamang ang pinakamasarap, ang Chicken Curry Filipino Style. Hindi nawawala ang putaheng ito lalo na kapag may handaan o salo-salo ang pamilya. Sikat ang putaheng ito sa Pilipinas at marami sa mga kamag-anak kong tiga ibang bansa ang nagsasabing hinahanap-hanap nila ang sarap ng Chicken Curry. Habang sinusulat ko ang blog na ito, tila naaamoy ko na ang bango ng gata o coconut milk na isa sa pangunahing sangkap ng Curry.
Mmmmm... Amoy pa lang alam mo na na Chicken Curry ang ulam. Abot hanggang sala ang mahalimuyak na amoy na nagmula sa kusina. Hindi ba't talaga nga namang nakaka-enganyo kumain kapag masarap ang ulam na nakahain. Basta't may Chicken Curry sa lamesa, tiyak na simot ang plato at busog ang tiyan ko. Para bang may burning sensation sa aking bibig sa bawat subo ko nito. Naaalala ko tuloy nung "highschool days" kung saan ang saya-saya namin ng aking kaibigan kapag ito ang ulam sa canteen. Minsan nga ay nagcu-cutting nalelate pa kami sa klase dahil sa tagal sapagkat ang dami naming kinakaing curry. Sa mga di na makapgpigil, ito ang larawan upang mas lalo pa kayong manggigil.
Sa mga naglalaway, di mapakali, at natatakam na sa Chicken Curry, narito ang paraan kung paano makakamtan ang pinakalalasap-lasap na ulam: isang kilong manok, coconut milk, curry powder, patatas, green at red bell pepper, asin, paminta, sibuyas, at bawang. Ang dami ng sangkap na dapat ilagay ay depende sa panlasa. Bagamat may kaunting katagalan. Napakadali lamang ng proseso ng pagluluto ng Chicken Curry. Una, pakuluin ang manok at
hiwain ayon sa serving pieces, gayon din ang patatas. Sunod ilagay ang bawang at sibuyas sa kawali at idagdag ang iba pang sangkap gaya ng green at red bell pepper. I-season ito ng curry powder, asin at paminta. Maglagay ng tubig at pakuluin ito ng ilang minuto. Huli ay ang coconut milk, lutuin sa loob ng pitong minuto at voila, luto na ang putahe. Hindi lamang masarap ngunit marami ring bitamina ito. Ang green bell pepper ay may vitamin K at C good source ng fiber. Ang red pepper naman ay may antioxidant lycopene at may vitamin B6 na nagpapababa ng "risks of heart attack." Ang curry powder naman ay may curcumin, ang nagbibigay ng dilaw na kulay sa chicken curry ay isang antioxidant at may agent ito na nakakatulong upang maiwasan ang rayuma, skin cancer, breast cancer, pancreatic cancer. Tumutulong din ito upang lumakas ang ating memorya ng sa gayon, maiwasan ang Alzheimer's disease. Nilalabana ng curry powder ang skin-aging at ginagamit ito upang gamutin ang iba't-ibang klase ng sugat sa balat.
Kaya ano pang hinhintay ninyo?? Huwag ng mag-atubili at kumain na ng CHICKEN CURRY! Masustansya na, masarap pa lalo na kung may kasamang patis.
Camille Ann R. Tamondong
1T2
Ayoko ng chicken curry, siguro dahil sa luto na natikman ko dati. Pero dahil sa pagkakadescribe mo, sige ittry ko kumain ulit. :)
ReplyDeletehindi ko pa nasusubukang kumain ng chicken curry na may patis. pero dahil sayo itatry ko! :DD
ReplyDeletenamiss ko tuloy kumain nito. kain tayo sa big martha's neto!!
labb eeet :>
haneeeep! chicken curry, it pala ang favorite mo. yeeees! hmm mukhang masarap nga naman, magaling camille! :)
ReplyDeletesarap naman.matagal na kong hindi nakakakain ng chicken curry. magaling!at hindi ko alam na hinahaluan yan ng patis. -klara
ReplyDeleteMagaling ang pagkakalahad ng Chicken Curry. Nakakatakam. Minsan yan ang orderin natin kanila Mang Tootz! :)
ReplyDeletenakakatakam naman ang paglalahad.. matagal na kong di nakakatikim ng ganyang mga lutong ulam..
ReplyDeleteNagutom naman nang basahin ko ito. Hahaha! - Dreli
ReplyDeleteang husay! naalala ko pa nung kumain ako neto sa tapat ni Nanay Lourdes, ang sarap sarap kasi neto! :)-ina
ReplyDeletehnde pa ako kumakaen ngayong gabi huhuh sahil sa mg sinbe mo as ngutom tuloy ako :( -roxanne
ReplyDeleteNakakagutom naman, Camille! Dalan mo kmi minsan :) - Cecille Tinio
ReplyDelete