Hindi nawawala sa hapag-kainan ang Beef Steak (Filipino Style) sa tuwing nagkakaroon kami ng salu-salo kasama ang aming mga kamag-anak dahil ito ay malasa, malinamnam at hindi ka agad magsasawa. Masarap ito kainin kasama ang mga mahal mo sa buhay dahil ito ay lalong nagbibigay ng sarap sa bawat subo. Bistek ang tawag ng mga Pilipino sa putaheng ito at ito ay nagsisilbing palayaw nito. Sa tingin ko ay magugustuhan rin ng mga dayuhan ang Bistek dahil sa kakaiba niyang lasa na siguradong makapagbibigay ng ngiti sa unang tikim nila. Ito ay mabibili sa kahit saang karinderia na iyong makikita. Siguradong abot-kaya ang presyo nito at hindi ka manghihinayang.
Ang mga pangunahing sangkap na kailangan para sa Bistek ay baka, kalamansi, soy sauce, bawang, paminta, sibuyas, at mantika. Hindi ka mahihirapan hanapin ang mga sangkap na ito dahil matatagpuan ang mga ito sa palengke at sa murang presyo pa na totoong magaan sa bulsa. Ang aking ina ay hindi pa kuntento sa mga sangkap dahil dinadagdagan niya ito ng itlog na hinawa ng pahaba at ito ay nagbibigay ng protein, riboflavin at vitamin A na tiyak na makatutulong sa ating kalusugan. Isa pang sangkap na kanyang dinadagdag ay patatas na hiniwa ng maninipis at pabilog; ito ay nakapagbibigay ng thiamin, iron, iodine, vitamin B6, protein, riboflavin at iba pa. Ang dalawang dinagdag na sangkap ay nakatutulong upang lalong sumarap at nakadadagdag ng sustansiya. Ang mga pangunahing sangkap naman ay nakapagbibigay naman ng vitamin C, zinc, magnesium, amino acids, potassium, calcium at iba pa. Ito ay madali lamang lutuin gaya ng iba pang putahe. Kaya madali lamang din ito matutunan at maaari mo na itong ihanda sa iyong pamilya at pagsalu-saluhan sa tanghalian o hapunan.
Ito ay isa sa paborito kong ulam na luto ng aking ina. Nang una ko itong natikman, nagustuhan ko agad ang lasa nito at masasabi kong nakakabitin kung walang ‘’round 2’’. Masarap samahan ito ng mangga bilang panghimagas. Napapasaya ako nito sa tuwing nalulungkot ako at hindi lamang ang sarap nito ang nagdudulot ng kasiyahan pati na rin ang larawan ng isang masayang pamilyang pinagsasaluhan ang putaheng ito.
Kung ako sa iyo pupunta na ako sa pinakamalapit na karinderia upang muling matikman ang sarap nito na tunay na hindi mapapalitan ng kahit ano pa mang bagay sa mundo. Maaaring magluto ka nito upang maibahagi mo naman sa iba ang natatanging pagkaing pinoy.
-Claire Diomampo
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHad this last week! Yum :D
ReplyDeleteWow, natakam naman ako sa Beef Steak na yan. Masarap na, masustansiya pa. Two thumbs up :-bd
ReplyDeleteBeef Steak. My sister's favorite food. Definitely it's worth craving for. You made a good decision in choosing the one of the most loved Filipino cuisine at all times. :) -Louise.
ReplyDeleteSarap!! Gustong-gusto ko rin yan, lalong na kapag nag-aagaw ang lasa ng asim at alat. Mmmm! :)
ReplyDeletePicture palang nakakagutom na! :D
ReplyDeleteIsa sa mga paborito ko 'to! :D
ReplyDeleteMabubusog ka na, lulusog ka pa. ;)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteyup, it is so delicious! :D
ReplyDeleteMagaling ang pagkakadetalye niya sa mga sangkap ng Bistek. Ang galing!! :)
ReplyDeletenagugutom ako!! haha... masarap tlga to!!
ReplyDeletemasarap talaga yan! isa yan sa mga paborito kong pagkain at pinasarap mo pa dahil sa pagkaka larawan mo.yumm! --marga
ReplyDeleteone word "masarap"
ReplyDeletegaling ng mommy mo.. :D
Nakakamangha at Nakakatakam!!:)
ReplyDeleteAng sarrapp!!! Kakain ko lang nito kahapon, ngayon, gusto ko ulit kainin! XD -Rinah
ReplyDeletenapapa-round 2 din ako kapag ganyan ang ulam dito sa bahay. ;)
ReplyDeletesarap nyan, kagutom!
ReplyDelete