“Sinigang na Hipon ni Mama”
May natikman naman ba kayong pagkain na talagang ubod ng sarap? May natikman na ba kayong pagkain na kung maari un na lamang ang kakainin mo araw-araw? Ako may pagkain na akong natikman na kung maari ay iyon na lamang ang kakainin ko araw-araw. Ang luto ni mama na Sinigang na Hipon. Ang mga sangkap na ginagamit ni mama ay natural hindi siya gumagamit ng magic sarap or knorr cubes. Maraming tao na mali ang akala sa mga Hipon, hindi sila kumakain nito dahil alam nila na masama ito sa kaulusugan, dahil sa cholesterol na galing sa hipon. Ngunit ang hindi nila alam ay wala naman talagang epekto ang hipon sa paglaki ng cholesterol ng tao sa katunayan ito ay nagsusupply ng iron sa atin. Ang gina gamit na pampaaism ng aking mama ay tamarind o sampaloc, ito ay puno ng minerals at vitamins.
Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang Sinigang na Hipon na ginawa ni mama ay dahil sa kanyang lasa. Hindi tulad ng ibang restuarant na hindi makuha ang tamang lasa nito, lagi akong nakakakita ng mali sa lasa. Ang sinigang na hipon ni mama ay tama lamang ang pagkaasim nito, isipin mo ang paborito mong pagkain na maasim ngunit para sa iyo ay tama lang ganon ang asim ng sinigang na hipon ng mama ko. At maaari din isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko ang sinigang na hipon ng aking mama ay dahil sa itsura o presentation nito. Ang kulay ng hipon ay tama lamang, at ang kulay ng mga sangkap ay balanse. Isa pang dahilan ay dahil tuwing kumakain ako ng sinigang na hipon ni mama na minsa na lamang ay naalala ko noong bata pa ako at simple pa ang buhay naming, na walang masyadong problema at tuwing kami ay kumakain ay kompleto at laging masaya.
Kaya para sa akin wala ng hihigit pa sa lutong sinigang na hipon ni mama. Dahil sa oras na matikman nyo ito ay babalikbalikan nyo ito. Halimbawa na lamang ng aking mga kaibigan na natikman na ito, kapag kami ay gumagawa ng proyekto gusto nila ay sa bahay naming dahil sa luto ni mama. Kaya naman kung gusto niyo itong matikman ay pumunta lang kayo sa amin. Tiyak na magugustohan niyo rin ang sinigang na hipon ni mama.
Zharina R. Calingo
aw, luto ng mommy, unfortunately, di marunong mgluto mama cu . haha .. anyway, yan ulam nmin kanina!! hahaha . and agree acu na masarap nga yan . sana mtikman din namin luto ng mama mu . haha .. :)) --jhe
ReplyDeletefavorite ko din ang sinigang na hipon! masarap nga talaga sya. Nice job:)
ReplyDeleteisa ito sa mga paborito ko! maasim na sabaw :)@
ReplyDeleteHuwaw! Napakasarap! Kahit na allergic ako sa shrimp, hindi ko padin mapigilin kumain nito! nomnom :3 -Rinah
ReplyDeletesa lahat ng pwedeng isigang, ito din ang favorite ko. :D
ReplyDeleteMagaling sa paglalahad. At Oo, masarap talaga ang sinigang lalo na kung kuha ang tamang pagkaasim! :)
ReplyDeleteIba talaga ang sarap ng luto ng mga nanay. :) May kasamang pagmamahal. :D
ReplyDelete