Isa ako sa marahil iilang college students dito sa Maynila na hanggang ngayon ay nasa adjustment period pa; na ang pag-aaral, paggising at pagtulog ng maaga, pag-uwi sa probinsya, paglilibang, pag-iisa at higit sa lahat ang pagkain ay tila higanteng si Goliath na tanging si David lamang ang makakagulpi. Problema para sa akin ang pagkain dito sa Maynila sapagkat para sa akin ay napakalimited ng mga iyon hindi tulad sa probinsya na hindi lamang masasarap ang mga pagkain kundi masusustansya pa. Karamihan ng aking mga kinakain dito ay puro karne; kung hindi baboy ay manok. Parang kabuteng gubat naman kasi ang mga gulay na ulam dito sa Maynila, kung kailan lang maisipang tumubo at saka susulpot. Nalulungkot tuloy ako dahil hindi ko nakakain ang aking paboritong ulam, ang ginataang kalabasa. Naalala ko tuloy sa aming bahay, maamoy ko pa lang ang ginigisang bawang at sibuyas ay kumukulo na ang aking tiyan. Napakasarap ang kalalabasan ng bawang, sibuyas, bagoong, okra, sitaw, kalabasa, gata ng niyog at alimasag o baboy kapag ito’y naluto na. Lalo na’t paparisan pa ito ng mainit at maligat na kanin, mmm… Ang sarap! Hindi lamang single, double o triple kundi quadruple rice ang aking nakakain sa tuwing iyon ang aming ulam.
Isang martes ng Agosto ang hindi ko malilimutan para sa unang semestre ko sa UST. Malungkot at mag-isa akong kumain sa Greenbox. Habang hinahagod ko ng tingin ang tumpok ng mga ulam ay nakita ko ang ginataang kalabasa. Agad-agad ko iyon inorder kasama ang isang cup ng kanin at tubig. Unang subo ko pa lamang ay nagmistulang bata akong binigyan ng kendi at punung-puno ng excitement sa pagkain. Pangalawang subo ay tila naging wild ang aking salivary gland sa pagpapakawala ng likido sa instrumento ko sa pagkain. Tila napakanta pa nga ang aking isipan, “got me like oh my gosh I’m so in love, I found you finally. You make me wanna say…” Iyon marahil ang nawawalang kakambal ng ginataang kalabasa ni mommy, identical twin ika ng isip ko. Hanggang sa umorder ako ng extra rice. Hinding hindi ko talaga iyon makakalimutan sapagkat iyon ang unang pagkakataon sa aking kolehiyo nang ako ay mag-double rice.
Napakasustansya, hindi ba? Alam na alam natin mula sa ating pagkabata pa na ang kalabasa ay nakapagpapalinaw ng ating naggagandahang mga mata. Ang mga gulay tulad ng sitaw at okra ay nakapagpapababa ng kolesterol sa ating katawan at mabuti rin ito para sa may mga diyabetes. Ang masasarap na alimasag at baboy naman ay masagana sa protina pero huwag ka, ang lubos na pagkain ng baboy at alimasag ay nakasasama rin sa kalusugan ng tao at nakapagdudulot ng hypertension. Kung kaya’t maihahalintulad ko ang ginataang kalabasa sa buhay ng tao. Ang mga gulay ang nagsisilbing ating pamilya na nagdudulot sa’tin ng mga mabubuting bagay. Nagsisilbi silang mabubuting impluwensya na gagabay sa atin patungo sa landas ng tagumpay. Ang alimasag at baboy naman ay ang ating mga barkada na walang kasing-sarap kasama huwag nga lamang masosobrahan ‘pagkat mayroon ding hindi magagandang mga bagay ang maaari nitong maidulot. At ang mga pampalasa ang nagsisilbing mga taong nakapaligid at nagmamahal sa atin na nagbibigay kulay at suspense sa ating mga buhay. Kakaibang epekto talaga ang naibibigay ng ulam na ito sa aking puso at diwa. Kung kaya’t magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umaasa na muling itampok ng Greenbox sa hanay ng kanilang mga ulam ang identical twin ng ginataang kalabasa ni mommy.
-Kayle A. Abesamis
sarap nmn!!!!hahahahha
ReplyDeletetatry ko kumain ng kalabsa minsan para luminaw ang mata ko..,
ReplyDeletewow! nagutom tuloy ako. ang galing ng pagkakadescribe mo sa karanasan mo sa greenbox! parang gusto ko tuloy kumain ng ginataang kalabasa!! my favorite!
ReplyDeletesarap naman . haha .. healthy pa .. love it ;)
ReplyDeleteuy gulay paborito ko yan!
ReplyDeletetama mas masarap pa rin ang pagkain sa probinsya:)paborito ko ang kalabasa! Nice job!
ReplyDeletewow! masarap yan pborito ko yan kalabasa masustansya yan! kaya ko kinakain yan
ReplyDeleteSarap niyan!! Gulayyy!!! nomnomnom :3 -Rinah
ReplyDeleteKalabasa is love. :D
ReplyDeleteWow..haha :) Sarap nga nyan... :)
ReplyDeletekalabasa.kailangan ko nga yan.lagi daw pula mata ko e.hehe.. peyborit gulay ko yan..
ReplyDelete-seph
isa din yan sa aking mga paborito! :) lalo na ang kalabasa. <3
ReplyDeleteminsan ulam namin ginisang kalabasa kasi nga daw ang kalabasa nakakalinaw ng mata pero pagkakain ko biglang lumabo mata ko kaya umupo ako sa sofa.maya maya nakatulog na ako.. hindi pala pampalinaw ng mata ang kalabasa. pampalabo pala..
ReplyDelete