Althea Marie E. Alba
1T2
Ang Sinigang na Baboy ay isang putahing maaaring pagsaluhan ng marami. Isa ang Sinigang sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Sa katunayan nga, ito ay nangunguna sa listahan ng mga pinakapaboritong pagkain dito sa ating bansa. Pang-lima lamang ang Pinakbet, pang-apat ang Lechon, pangatlo ang Kare-kare, pangalawa ang Adobo, at syempre, nangunguna ang Sinigang. Ayon sa sarbey na aking nabasa, walongput porsyento (80%) ang bumoto sa Sinigang bilang kanilang pinaka paboritong pagkain. Ibang klase din naman kasi ang binibigay nitong kaligayahan sa bawat tumitikim nito. Hindi lamang sarap ang ibinibigay satin ng Sinigang kundi sustansya din na kailangan ng ating pangangatawan. Ang pangunahing sangkap sa paggawa ng Sinigang na Baboy ay syempre, ang baboy na nagbibigay ng lakas dahil sa binibigay nitong protina. Pinag titibay din nito ang ating mga muscles at tinutulungan tayong lumaki. Hindi lamang nito pinag titibay ang ating mga muscles, nag bibigay din ito ng Calcium na pinapag tibay ang ating mga buto at Iron na pinapasigla ang ating dugo. Isa pang sangkap sa pag gawa ng Sinigang ay ang sampaloc. Ang sampaloc ay nagpapabuti ng cholesterol at sugar level ng dugo. Epektibo din ito bilang lunas sa mga bile disorders at nakakapag pabuti at nakakapag patatag din ito ng cardiovascular health at madami pang iba. Syempre, hindi mawawala ang sibuyas sa Sinigang. Tulad ng Sampaloc, pinag titibay din nito ang ating cardiovascular health. Hindi lang yan, pinapataas din nito ang ating bone density at kontra din ito sa mga inflammatory problems ng ating pangangatawan. Importante din lagyan ito ng kamatis dahil ang kamatis ay isang mabisang pagkain upang maiwasan ang sakit na cancer. Isa pa ang labanos sa nakakapag iwas cancer na gulay. Mataas din ang ibinibigay nitong vitamine C at ginagamit din itong gamot para sa liver disorder. Hindi lamang yan ang mga sangkap na bumubuo sa Sinigang. Meron ding sitaw, kangkong, gabi, at iba pang mga pampalasa na talaga namang masustansya.
Naaalala ko nung bata pa ako, mga anim na taong gulang, tuwing walang pasok ay pumupunta kami sa bahay ng aking ninang upang magkaroon ng munting pagsasalo salo. Lagi nyang niluluto ang paborito kong pagkain noon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang ako na may iba syang putahing niluto, ang Sinigang. Una ay ayaw ko itong kainin dahil napaka mapili ko sa pagkain. Napaka dami nitong gulay at naiirita ako pag ito ay tinitignan ko. Ilang pilit ang ginawa nila sakin upang kumain. Dahil malakas sakin ang aking ninang, napilitan ako sumubo ng kakaunti. Namangha ako sa lasa ng Sinigang. Unang beses ko pa lang kasi ito natitikman nung mga panahon na yun. Sa maniwala kayo o sa hindi, naka anim na plato ako ng Sinigang nun. Busog na busog ang aking tiyan at talaga namang bundat na bundat. Tuwing pupunta ako dun, yun na ang lagi kong pinapaluto. Paborito kasi ako ng aking ninang kaya tinutupad nya ang bawat hilingin ko sa kanya. Sa kasamaang palad, lumipad na sya patungong America at hindi ko na natitikman ang masarap nyang luto. Tanging ang Sinigang na lamang ang nag papaalala saakin ng masasarap na alaala namin noon.
Hindi lamang sarap at sustansya ang nabibigay sa atin ng sinigang. Nagpapatibay at nagpapatatag din ito ng mabuting samahan ng pamilya. Nag iiwan ito ng masasarap at matatamis na alaala na maaaring dalahin hangang pagtanda. Kaya ito ang paborito kong pagkain, hindi lamang nito pinapataba ang aking tiyan, pinapataba din nito ang aking puso sa tuwing naaalala ko ang pagsasalo salo naming maganak. Sinigang lang, solve na.
14 comments:
- favorite ko ito!!! :) masarap! magaling magaling :)
- tama tama : > isa sa mga pinaka masarap! <3
- Nakakagutom. haha :D
- This post has been removed by the author.
- isa to sa favorite ko nakakamiss tuloy matagal na din kasi nung huli kong kain ng sinigang ehh haha
- epic... wow thea galing mo n magcompose.. :)) nakakatakam naman.. :))
- naks,. sarap, favorite,. kaya pagaralan m n lutuin yan,. haha
- Hindi lang masarap.. healthy pa! haha.. :))
- tama masarap at hindi talaga patatalo ang sinigang :)ang tunay na nagpapasarap dito ay ang pagluluto ng mabuti at ang iyong masasayang alaala habang kinakain ang iyong paboritong pagkain :)
- kumain ka lang ng sinigang na baboy, araw mo ay siguradong makukumpleto. "Sa asim at sarap nito, tiyak na ikaw ay mapapasayaw.":D
- Yan kinain ko kaninang lunch hahaha! NAGUGUTOM NA NAMAN TULOY AKO. :|
- Ang sinigang. Masarap na, masustansya pa! :) BOW. :D
- isa to sa mga paborito kong pagkain. may baboy na may gulay pa :]
- Hindi maipagkakaila na tunay ngang masustansya at masarap ang Sinigang na Baboy ngunit, hindi rin maipagkakaila na mayroong espesyal na lugar sa iyong puso ang putahing ito! XD
nahiwalay yata yung gawa ko kaya nag copy paste na lang ako. sayang kasi yung comments dun. hirap mag hagilap ng tao para mag comment. :)
ReplyDeleteGusto ko yung nalaman kong mayaman pala ito sa Calcium at Iron. :)
ReplyDeleteGusto ko tlga ang sinigang :) lalo na kapag mas maasim pa ito :)
ReplyDelete-roshiko cellona