Beef Salpicao
Ang pagkaing ito ay tinatawag na Beef Salpicao. Ang salitang Salpicao ay marahil Portuges ang pinanggalingan, na ang orihinal sa ibig sabihin ay “Pork Sausage”.Iba pang tawag dito ay Salpicado o Beef Steak a la Pobre na inihahain na may patatas na ginisa sa bawang. Ngunit, dito sa atin sa Pilipinas, ito ay binubuo ng malambot sa Beef Tenderloin na hiniwa ng maliliit, iginisa sa madaming bawang at tinimplahan upang mas maging malasa. Sa pagluluto nito, mahalaga na piliin ang pinakamalambot na parte ng baka upang mas madali itong maluto. Sa aming tahanan, ito ang mga sangkap at pamamaraan na ginagamit namin sa pagluluto ng sarili naming bersyon ng Beef Salpicao:
1 lbs beef tenderloin, hiniwa ng malilit
1 buong bawang,tinadtad
1 kutsarang asin
1/8 butter
3 kutsarang olive oil
kalahating kutsarang paminta
5 kutsarang toyo
3 kutsarang oyster sauce
1 buong carrots, hiniwa ng maliit o cubes
Gumamit lamang ng ordinaryong paraan ng paggisa, mantika (olive oil),butter,bawang,karne at timplahan hanggang sa makuha ang gusto mong lasa. Medyo patuyuin ang sabaw. Siguradong masarap at masustansya ang ulam na ito.
Una kong natikman ang ulam na ito noong bata pa ako. Mula nang matikman ko ang lutong iyon ng aking ama,naging paborito ko na ito. Talaga naman kasing masarap, manamisnamis at bumabagay ang lasa ng bawang sa malambot na baka. Ang alat na umaayon sa lasa ng karne Sa totoo lang, di ko pa natitikman ito sa ibang kainan, tanging ang luto lamang ng aking ama ang natitikman ko,pero nasisiguro kong inihahain na din ito sa ibang restaurant. Maganda din ito sa ating kalusugan, baka na puno ng protina,bawang na sinasabi nilang mahusay na anti-oxidant at gamot sa sakit,olive oil na maganda din sa kalusugan, carrots na puno ng bitamina at madami pang iba. Ang mga sangkap nito ay madali lamang mahanap sa merkado. Meron nito sa mga palengke,grocery stores at kung saan saan pa. Sulit na sulit, dahil di lang masarap, madali pang lutuin.
Ito talaga ang pagkaing nakakapagpawala ng stress sa akin. Sa sobrang sarap ay talaga naman nkakasira ito sa Diet ng mga nagpapapayat. Kahit anong ulam pa iharap sakin, wala pa din tatalo sa Beef Salpicao, lalo na kung ang nagluto nito ay ang ama kong talaga namang napakaexperimental pagdating sa pagluluto. Ngunit, nasisiguro ko na kahit ibang tao ang magluto, basta masunod lamang ang tamag sangkap at paraan ng pagluluto ay magiging masarap at siguradong hahanaphanapin ng mga taong unang beses pa lamang makakatikim nito. Kung sa bagay, hindi naman mahirap pagaralan ang pagluluto ng napakasarap na putaheng ito. Mahahanap din naman ito sa ibang kainan ngayon. Kaya kung di niyo pa natitikman ang pagkaing ito, subukan na ninyo. Di kayo magsisi sapagkat puno na ng nutrisyon,masarap at malinamnam pa. Ito na talaga ang the best na ulam para sa akin. J
--Angelica Lescano
1T2
--Angelica Lescano
1T2
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHindi pa ako nakakatikim nito. Pero nung nabasa ko ito parang gusto ko tuloy itong masubukan. Nacurious ako. Good Job :)
ReplyDeleteMasarap nga itong beef salpicao! manamisnamis pa ito. Nice work Jhe!
ReplyDelete-Nix
Na gutom ako bigla ah! haha. Maganda yung pagpapaliwanag mo sa putahe. Parang Kaldereta yung istura niya haha. Magaling!
ReplyDeleteBago saakin ang putaheng ito pero magaling ang paglalahad. Nakaka-engganyo tikman. :D
ReplyDeleteParang hindi pa ako nakakakain ng ganitong ulam? Pero mukang masarap. Tiyak na hahanapin ko to para matikman ko. Wala namang malansa jan diba? Kaya Go lang!
ReplyDeletenaks. di ko pa alam to ah. nais kong tikman! HAHA :)
ReplyDeletemukang masarap sya base sa iyong description! yummmm! nakakagutom ang ltratong iyong pinost --marga
ReplyDeleteGUSTO KO TULOY MAGDINNER NA! :D sarapssss. :)
ReplyDeleteHindi pa ako nakakatikim nito, pero sa uri pa lang nang pagkaka-describe mo ay mukhang masarap talaga :)
ReplyDelete