Saturday, November 27, 2010

Oh-la-la sa Sinigang sa Buko

Sinigang sa buko. Hindi ka nagkamali ng basa. Oo, sinigang yan sa buko. Bakit hindi mo tanungin ang kakilala mong Bikolana o Bikolano? Tiyak alam nila iyan. Sa Bikol kasi nagmula ang recipe nito. Maaaring napangiwi ka dahil mukhang hindi naman nito mahuhuli ang panlasa mo. Ngunit bakit hindi mo subukan? Ganyang- ganyan dina ko nung una eh. Sabi ko pa nga, "Eeeewww bakit buko yung isasabaw? Ano na lang ang magiging lasa nyan?" Kaso napagtanto ko naman napakajudgemental ko. Bakit hindi ko muna tikman tapos dun na lang ako magreact. Ayun, tinikman ko. At napatunayan kong masarap talaga ito. Pagkahigop ko pa nga ng sabaw nito nadama ko ang pagguhit ng ngiti sa mapupula kong labi. Haha nakakatawa pero totoo naman ito.

Narito ang recipe:


Sangkap:
1 / 2 gabi
2 kamatis, 1 sibuyas
1 labanos
2 sili
1 / 4 sampalok
hipon/ baboy/ baka
1/2 tali ng kangkong
sabaw at laman ng buko

Paano ang pagluluto:

Una, ilagay ang gabi sa kumukulong tubig. Tapos ay ilagay na ang lahat ng mga gulay maliban sa kangkong. Isabay na rin ang hipon/ baboy/ baka. Patayin ang apoy saka ilagay ang kangkong at sabaw at laman ng buko.

Syento porsyentong magugustuhan nyo ang lasa nito. Malinamnam kasi ang bawat higop ng sabaw. Nag-aagaw ang tamis at asim. Ibang-iba sa mga yuswal na sinigang. Hindi ka makakatulog hanggat hindi ka nakakaubos ng isang mangkok ng sabaw nyan. Baka nga sabihin mo sa ate mo o sa nanay mo na ito na lamang ang iulam mo araw-araw. At malala, ay ang sabaw na lamang nito ang baunin mong tubig sa eskwela. Ano pang inuupo- mupo mo dyan? Tumayo ka na sa harap ng kompyuter. Mamili ng sangkap. Magluto. At maadik sa sinigang sa buko.

Brenda monderin-1t2

13 comments:

  1. mahilig ako sa sabaw gusto ko yang matikman!!! -roxanne ponce

    ReplyDelete
  2. Hala hindi ko alam yan ah! Hahahaha Patikimin mo naman ako! Ano kaya lasa? Parang masarap e! Buko! Sarap nun! :-D

    ReplyDelete
  3. first time ko malaman ito ah. mukhang masaya itry dahil mukhang masarap :)

    ReplyDelete
  4. waw. ngayon ko lng narinig yan!parang gusto ko siyang matikman :D

    -roshiko cellona

    ReplyDelete
  5. Bago 'to para sakin. Hindi na ako makapaghintay para makatikim nito, dahil nakaka-curious talaga, sa pangalan pa lang :)

    ReplyDelete
  6. Talaga? Sinigang sa Buko? Patikim, bago sa pandinig ko ito. Umaasa ako na matitikman ko ito Brenda, kaya ipagluto mo ako :)

    ReplyDelete
  7. masarap kakaibang luto ng sinigang RAWR. >:))) enge. :D --mico

    ReplyDelete
  8. kakaiba yan ah! gusto ko tuloy tikman

    -PAOLO

    ReplyDelete
  9. wow!!! gusto ko matry... ngayon lang ako nakarinig niyan.. at sa description mo mukha nga talagang masarap..

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  11. mukhang masarap at malinamnam gusto ko matikman lalo na nakakacurious ang lasa

    ReplyDelete
  12. astig ano lasa nito? mukhang masarap! -camille tamondong

    ReplyDelete
  13. WOW. Pamagat pa lang, nakakakuha na ng atensyon. Masarap ba ito? Nais ko itong masubukan. - Mille

    ReplyDelete