Friday, November 26, 2010

MeatySpaghetti

 Isa sa mga kulturang hindi maalis sa ating mga Pilipino ay ang mga masasarap na pagkaing nakalapag sa ating mga mesa. Ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Spaghetti. Hindi na ito iba sa ating mga Pilipino sapagkat kadalasan itong handa tuwing may mga okasyon. Ito ay hindi masama sa ating katawan bagkus ay nagdudulot ng iba’t-ibang bitamina sa pangangatawan at ang pasta nito ay nagtataglay ng carbohydrates kaya kahit hindi kumain ng kanin ay hindi mauubusan ng enerhiya ang ating katawan.
         
          Noong bata ako, hindi naalis sa aming mesa ang inihahanda at niluluto ng nanay ko na spaghetti, tuwing may okasyon tulad ng birthday, pasko, at bagong taon. Natunghayan ng Spaghetti ang mga masasayang araw ng aking pagkabata. Noong mga araw na iyon ay sobrang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng aking mga magulang at mahaba-haba ang mga oras na nakakasama namin sila. Ngayon na malayo na ako sa kanila, talagang hinahanap hanap ko ang presensiya, pag-aalaga, at ang mga pagkaing niluluto ng nanay ko kasama na ang Spaghetti na siyang pinagsasaluhan naming buong pamilya. Sa sobrang gipit sa oras, sa hapag-kainan ang bonding time ng pamilya.

          Ang Spaghetti ay hindi matatawag na Spaghetti kung ito ay walang sauce dahil ang sauce ang nagbibigay kulay sa pasta upang magkalasa at mahalin ng mga bata. Sa isang pamilya kung walang pagmamahal at malasakit ay magmimistula itong spaghetti na walang sauce, walang buhay at hindi masaya. Kaya tulad ng spaghetti, ang sikreto sa isang masayang pamilya  ay ang pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya.

12 comments:

  1. I LOVE SPAGHETTI TOO! :) masarap kapag nanay talaga ang nagluto. :D

    ReplyDelete
  2. yumi yum yum yum yum! delisiyoso! :) Spaghetti din ng nanay ko msarap! :)
    -ina

    ReplyDelete
  3. Spaghetti! Ang pagkain hindi mawawala sa handaan. Napakasarap niyan! :D

    ReplyDelete
  4. Nakakagutom naman ang blog na ito, kasi isa sa mga paborito kong pagkain ang topic. Spaghetti.
    Habang binabasa ko ang blog na ito, napabalik ako sa nakaraan. Naalala ko ang mga ngiti na ibinibigay nito sa aking labi kapag kumakain ako nito, lalong-lalo na kapag luto ni nanay ang nasa hapag-kainan.
    Tama ka na sabihing parang Spaghetti ang buhay dahil hindi nga naman makukumpleto ang Spaghetti kung walang sauce. Gaya ng spaghetti, nagkakaroon ang isang pamilya ng mga karanasan na nagpapatibay, nagpapakulay at nagpapalasa sa bawat sandali na sila ay magkakasama, na nakikita sa Spaghetti na pinapasarap pa ng sauce, na niluto nang may pagmamahal. Tama ka.


    Pero paalala lang po, oo nga't nakakapagbigay ng protina o enerhiya ang Spaghetti, pero huwag po nating sobrahan ang pagkain nito, dahil maari po tayong magkasakit dahil dito. Dagdag pa, kailangang samahan ang pagkain ng Spaghetti ng iba pang uri ng pagkain na makikita sa "Food Pyramid" at ehersisyo.
    Pasensiya na po kasi may parte na nakasulat sa blog niyo na ang Spaghetti "ay hindi masama sa ating katawan bagkus ay nagdudulot ng iba’t-ibang bitamina sa pangangatawan at ang pasta nito ay nagtataglay ng carbohydrates kaya kahit hindi kumain ng kanin ay hindi mauubusan ng enerhiya ang ating katawan," baka po kasi magkaroon ng mis-interpretation at isipin ng makakabasa na ayos lang kahit kumain ng Spaghetti parati.
    Pasensiya na po, wala po akong intensiyon na sirain ang inyong proyekto, pero iyon po ang aking opinyon. Pasensya na po.)

    Pasensiya rin po kung masyadong mahaba itong comment ko.

    ReplyDelete
  5. Bigla akong nanabik kumain ng spaghetti :) -Geliq :)

    ReplyDelete
  6. nakakatakam talaga ang spaghetti. ika nga nila all time favorite..TAMA!!! -klara

    ReplyDelete
  7. The best ang spaghetti lalo na sa mga party hindi to nawawala heheheXD

    ReplyDelete
  8. napaka sustanya din pa la ng spaghetti ang akala ko masarap lang magaling! - roxanne ponce

    ReplyDelete
  9. Wow, mahilig din ako sa pasta lalo na dito sa spag! :)

    ReplyDelete
  10. Hindi lang pamabata ang lutuing ito kundi para sa lahat! Favorite ng lahat to kasama na ako. :D

    ReplyDelete
  11. paborito ko ang spaghetti :) kaya't nakakarelate ako sa iyong paglalarawan :D

    -Roshiko Cellona

    ReplyDelete