Friday, November 19, 2010

CALALALOVEMARES!


Ang Calamares ay isang sikat na putahing swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy, na kadalasan ay pinapapak, inuulam sa kanin o ginagawang pulutan. Ito ang Filipino version ng Mediterranean fried squid dish na Calamari. Hindi lamang sa mga restaurant makikita’t mabibili ang Calamares. Makikita rin itong inalalako sa mga kalsada.
Madali lamang lutuin ang Calamares at madali rin lamang hanapin ang mga sangkap na kailangan sa pagluluto nito. Di rin mabigat sa bulsa ang mga sangkap. Ang mga sumusunod ay ang mga sangkap sa pagluluto ng Calamares: pusit na nilinis at hinati nang bilog bilog, harina, itlog, breadcrumbs, asin, ground black pepper at mantika. Ang halos lahat ng mga kailangan sa pagluluto ng ubod nang sarap na Calamares ay makikita lamang sa inyong kusina. Ang paraan rin nang pagluluto nito ay madali sapagkat ipiprito lamang ito sa kumukulong mantika.
Kakaiba ang sarap na dulot nang Calamares sa atin, kahit niluluto pa lamang ito. Ang mabango at nakakagutom na amoy ay para bang kinikiliti ang inyong mga ilong at sinasabi, “Uy, naglalaway na yan.” Ang kakaibang lasa na hahanap hanapin natin lalo na kapag isinawsaw ito sa sukang may sili. Ay nako, talaga namang napakasarap na maasim asim na maanghang na piniritong pusit na ito.
Kahit nasaang lugar ka at napadaan ka sa isang mamang naglalako ng Calamares ay talagang mapapatigil ka’t gugutumin ka. Mapapalabas ka prea at mapapasabi ng “Kuya, pabili nga ho”, sabay kuha ng stick at tuhog sa mga Calamares at sawsaw sa sukang punung-puno nang sili.
Naaalala ko noon, nung unang tikim ko nang Calamares, talagang hinanap hanap ko. Kada may madaraanan akong nagtitinda ng kalamares, talagang napapababa ako ng jeep kahit kasasakay ko pa lamang. Makikipagsiksikan talaga ako, makabili lamang at makakain ng isang damakmak na piniritong pusit kahit alam kong puro harina naman na at hangin ang loob, at kakarampot na pusit lamang ang makakain. Akin din itong isasawsaw sa sukang puro sili kahit ang suka pa ay nagiging maitim itim na dahil sa alikabok sa kalsada at sa kung sinu-sinong nagsasawsaw dito. Nauubos na ang pera ko at nawawala ang poise ko dahil sa Calamares.
Calamares forever ako!

-          Gabrielle Ann  Jocson

10 comments:

  1. Nice blog :D.. not only those it gives information about the food, but it also shows some Filipino values such as simplicity and creativity. Keep up the good work

    ReplyDelete
  2. Calamares, oh calamares...It's presence allures me everytime I come by a calamares stand. It is truly indeed an ambrosial delicacy in the Philippines!

    ReplyDelete
  3. Nakatutuwang malaman na ang pag-kain pala nang Calamares ay kay sarap! Datapwat hindi ako mahilig sa pusit ay nahikayat mo akong kumain nito. Pinatutunayan mo sa blog na ito na tayong mga Pilipino ay may masasarap na putahe kahit gaano pa ito ka-simple gaya ng Calamares. Sana'y maipagpatuloy nyo pa ang magandang nasimulan! :))

    ReplyDelete
  4. Wow! This is really great for food lovers like me. This tells us that in the midst of an economical crisis we can find this really sumptuous, heavenly food (well at least for me) in the streets! Talk about practicality. :D

    ReplyDelete
  5. Yes, its freakin good! Pero mas-sasarap yan kung libre. XD

    ReplyDelete
  6. Swak na swak :)tatagalugin ko na comment ko since nosebleed mga comments sa taas. Uhmm yeah, calamares, masarap na pangmeryenda at ulam, swak ang presyo at lasa.. Hindi man ganon kasikat kung ikukumpara sa isaw atbp. ay may laban to :) wag lang damihan pagkain. Galing ng blog weeee.

    ReplyDelete
  7. masarap nga talaga ang calamares! paborito ko din tong kainin. Nice job:)

    ReplyDelete
  8. masarap to.hahah! :D lalo na pag pang pulutan. :D ---marga

    ReplyDelete
  9. Kailangan din ng katawan ang madumi minsa. Hahaha! Pero masarap talaga yan, tas isasawsaw sa suka. yummy!

    ReplyDelete
  10. OMG LANG! isa din to sa favorite ko kasi kahit walang kanin, pwedeng papakin. :D

    ReplyDelete