Ang cinnamon roll ay isang matamis na pastry na tinatawag ding cinnamon swirl at cinnamon snail. Sa pagkakaalam ko, nilalagyan ng cinnamon and sugar mixture at iba pang sangkap gaya ng pasas at chocolate ang isang dough na may butter. Pagkatapos ay niroroll ito, hinahati at binebake. Pagkakuha sa oven ay nilalagyan ito ng icing sa taas. Madali lamang itong gawin pero masarap ang lasa nito. Bukod dito, marami din itong magandang maidudulot sa ating kalusugan. Ang cinnamon ay mayroong fiber, iron at calcium. Nakakababa din ito ng cholesterol at pinipigilan nito ang pagdami ng cancer cells. Ayon din sa research ko, ang amoy ng cinnamon daw ay nakakapagpatalas ng memorya. Ang dami pala nitong benepisyo sa ating kalusugan!
Naaalala ko tuloy nang una akong nakakain ng cinnamon roll. Isang random na umaga sa buhay ko, umalis ang lola ko at nag-iwan siya ng almusal sa lamesa. Tiningnan ko kung ano iyon. Aba! Cinnamon roll! Nung una ay hindi ko ito masyadong nagustuhan ngunit dahil nagugutom ako ay kinain ko na rin ito. Mabuti na lamang at gutom ako dahil napagtanto ko na masarap pala ito. Malambot at mainit-init pa ang tinapay ngunit ang lasa nito ay kakaiba sa mga tinapay na natikman ko at talagang nangingibabaw ang amoy at lasa ng cinnamon. Maraming may ayaw ng amoy ng kanela dahil daw sa tapang ng amoy nito ngunit gustong-guto ko naman iyon at hindi ko alam kung bakit. Marahil nagustuhan ko ito dahil sa pagkahilig ko sa matatamis. Tinanong ko ang lola ko kung saan niya iyon binili at nalaman ko na nabili niya ito sa bakery malapit saamin sa halagang sampung piso isang piraso. Nagulat ako dahil ang akala ko puro ensaymada lang ang tinitinda nila doon.
Simula noon ay lagi na akong nag-aalmusal ng cinnamon roll at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawa. Sumasaya ako pag kumakain ako noon. Sa tuwing kakain ako ng cinnamon roll, naaalala ko ang mga umaga na nanonood kami ng kapatid ko ng Doraemon sa bahay at kumakain nito. Nagyong nagdodorm na ako, bihira na akong nakakapag-almusal at hindi ko din alam kung saang lupalop ako makakabili ng cinnamon roll. Isang gabi, habang kami ng mga roommate ko ay kumakain sa Goldilocks na malapit sa dorm namin, nadiskubre ko na meron pala silang tindang cinnamon roll! Mabuti na lang!
by: Katrina S. Estomaguio
Wow! Bukod sa pagiging masarap ng cinnamon roll, hindi ko akalain na may mga vitamins na makukuha dito at isa pa, pang-iwas high blood at cancer din pala. Magaling ang pagkakadescribe mo Kat :)
ReplyDeleteayy winner yan .. haha . favorite merienda cu yan .. cinnamon is love . hoho .. good job ;) -jhe
ReplyDeleteNAPAKAGALING! NANANAKAM NA DEN TULOY AKO SA CINNAMON ROLE.
ReplyDeletemasarap! pati ang iyong mga pangungusap ay masarap.yummm--- marga
ReplyDeleteNapakasarap na miryeda!! Kukulangin ang dalawa sa akin. hahaha XD -Rinah
ReplyDeleteNapasarap nyang Cinnamon roll! Amoy pa lang nakakatakam na. Nice work (: -nix
ReplyDeletetunay ngang kay sarap nito kat :)
ReplyDeleteWow. :) parang gusto ko na tuloy kumain ng cinnamon roll. Natry mo na ba yung mouthwash na cinnamon flavor? :D haha -Deedee
ReplyDeletedati akala ko hindi ito masarap pero nang matikman ko masarap pala at naging paborito ko pa
ReplyDeleteWow! Masarap nga ito! Yung "Blending" ng lasa ay tunay nga namang kakaiba. :)) Nagutom tuloy ako sa larawan na iyong nilagay. :D -Mille
ReplyDeleteang amoy palang nito ay nakakatakam na. :D
ReplyDeletemasarap na panghimagas. perfect combination sa kape ng starbucks. nomnomnom :3
ReplyDelete
ReplyDeleteAko nga dinadayo ko pa Dulcinea sa Makati nuon para lang makabili ng Cinnamon Roll. Curious lang ako nung bumili ako dahil ayoko ng amoy cinnamon pero nung matikman ko, daily na ako bumili sa bakeshop na katabi namin nuon.