Iba ang tuwang naidudulot sa akin sa tuwing kumakain ako ng Max’s Caramel Bar. Napakarami ko nang natikmang caramel bar, pero ang sa Max’s lamang ang naka-pukaw ng aking puso. Feeling ko walang network war, lahat ng problema ay nawawala ng pansamantala sa tuwing kakagat ako at malalasahan ko ang tamang-tamang timpla ng tamis at naghuhumalong alat na lasa. Hayyy I’m in heaven na talaga. *naglalaway*
Una kong natikman ang Max’s Caramel Bar noong minsan kaming kumain ng aming pamilya sa Max’s Restaurant. Sa aking pagkakatanda, kasama ito sa “set meal” na aming in-order. Panghimagas ang nakikita kong silbi nito kaya ito ay nakasama sa bawat meal sa nasabing restawran. Sa unang tingin ay deadma lang ang ginawa kong treatment sa panghimagas na ito. Normal. Chill lang. Dahil na rin siguro sa napakasimpleng design ng wrapper at mejo maliit na maituturing para sa isang panghimagas. Dumating ang tamang oras nang maisipan ko itong pansinin at simulang buksan. 5..4..3..2.. “OHHHHMAYYYYGASSSSSZZZHHH! ANG SARAAAAPPPP!!” napabulalas ako. Oo, mejo naging OA ako sa reaksyon ko nang mga sandaling iyon. Pilit kong dinahan-dahan ang pagkain upang manamnam ko ito ng lubusan at hindi agad maubos, ngunit hindi umubra; naubos ko ang isang piraso sa kakaunting saglit lamang, sabay sabing “Kuya ayaw mo na nyang caramel bar mo no? Akin na lang!” kasabay ng napakalaking ngiti sa aking mga bibig. Sa aking pagkadismaya, ay kinain na rin pala nya.
Pero teka? Ano nga ba talaga ang lihim nitong inosenteng panghimagas na ito? Bakit napakarami ring mga tao ang nahuhumaling rito?
Ang Max’s Caramel Bar ay maituturing na pudding na gawa mula sa condensed milk, butter, light cream, harina, pula at putting asukal, at cashew nuts. Simpleng maituturing ang mga sangkap ngunit sa tingin ko ay sa proseso ng paggawa nasusukat ang kasarapan nito. Maraming tao, kabilang na ako, ang nahuhumaling rito dahil sa taglay nitong creaminess at softiness at dahil sa ito ay napaka-moist. Nagkaroon ito ng twist dahil sa kaunting alat at crunchiness na taglay ng cashew nuts. Maituturing ko ito bilang isa sa mga pinakamasarap na pagkain na natikman ko sa buong buhay ko. Kung meron nga lang Best Dessert’s List ay tiyak na mapapasama ito; kung wala man, lalanguyin ko ang Pacific Ocean upang mapasama lang ito roon. Oo nga pala, freebie lamang ito sa “set meal” ng Max’s kaya malamang sa malamang ay isang beses mo lamang ito matitikman sa pagbisita mo sa restawran na ito. Pero dahil maraming paraan ang mga tao at mautak ang management ng Max’s, ay mabibili mo ang precious na panghimagas na ito nang maramihan sa halagang P105.50 bawat box at naglalaman ng 18 piraso. At syempre, sa Max’s Restaurant lamang ito mabibili.
Masasayang memorya ang naiisip ko sa pagkain ko nito. Naaalala ko ang bawat sandali ng madalas na pagkain naming pamilya noong aking early-teenage years. Nakaka-miss. Masasabi kong tanging saya lamang ang naidudulot sa akin ng pobreng panghimagas na ito, saya dulot ng sarap at saya dulot ng magagandang karanasan at memorya. Bili na kayo, masaya at masarap! Iswer! J
- Aj Putchero
Wooooooooooww..prang gusto ko tuloy kumain ngayon yan....nice!
ReplyDeleteAY!!! eh alam ko to!!!! kahit mahal yan eh. sulit na sulit ung maliit na kahon! merun din nyan ung lemon square ata, malaki kumpara sa max's pero halos ganun din ang lasa :)
ReplyDelete-ina
Ang sarap niyaaaaaan! Hindi namin nakakalimutan bumili ng caramel bar sa Max's tuwing kakain kami dun :)
ReplyDeleteWOW! :) chill lang pala tapos napa-WOW sa huli. gusto ko din niyan. :))
ReplyDeletetama ka, lagi rin akong bumibili niyan.. masarap talaga siya.. swear.. hehe
ReplyDeletesobrang gusto ko isa to sa lagi kong inaabangan pag nsa max kami iba kasi ee may sarap at linamnam na hindi mo maipapaliwanag magaling!!! -roxanne ponce
ReplyDeletepareho tayo ng paborito aj. kaya nga natutuwa ako sa max's dahil free yan na ibinibigay eh kapag umorder eh. kung minsan nga pati ang caramel bar ng aking nanay ay kinakain ko na rin eh. hahaha.
ReplyDeletehinding- hindi tala mawawala ito pag nasa max kami, masarap talaga kasi ito :)
ReplyDelete-roshiko cellona
Fave ko rin yan!sarap best dessert!
ReplyDeleteako rin nako super srap nyan!!penge!
ReplyDelete-jam magno