Saturday, November 20, 2010

sinigang na yobab



Ang pagkaing ito ay tinatawag na Sinigang na Baboy. Hindi na siguro tayo dapat magtaka na isa ito sa mga Philippine dish na talagang paborito ng bawat Pilipino. Sa sarap ng ulam na ito, nagkaroon na rin ng iba’t-  ibang klaseng main ingredient ang sinigang, tulad ng hipon, buto-butong baboy o karne,  isda, manok at karne.  Ang  Pork Sinigang ay may maasim na sabaw, mas maasim, mas masarap. Maraming klase ng pampa- asim ang sinigang, pwedeng kalamansi, sampalok , bayabas, kamatis, kamias, hilaw na mangga, pinya at santol. Ito ang ilan sa mga sangkap na ginagamit naming sa aming tahanan,hehe porma sinigang na baboy tapos ibang picture? Eexplain ko ho mamaya.
  • 1 Kilong baboy o buto-buto
  • 12 pcs Sampaloc
  • 1 malakig sibuyas (hiniwa)
  • 6 malaking kamatis (hiniwa)
  • 2 pcs labanos (hiniwa)
  • 1 tali ng Sitaw   ( hiniwa ng 2 pulgada ang haba)
  • 1 tali ng Kangkong (hiniwa ng 2 pulgada ang haba)
  • Asin o Patis (3 kutsara)
  • 2 gabi (hiniwa sa apat)
  • 6 paswelo ng tubig
Noong bata pa ako, halos kada linggo nasa hapag-kainan na naming ang ulam na ito. Hindi naman talaga ko mahilig minsan sa baboy dahil may mga parte na may taba, at iniiwasan ko iyon hanggang ngayon. Luto ng nanay ko ang pinaka masarap na natikman kong sinigang. Kung sa labas naman ay minsan parang walang asim, kaya masasabi kong sobrang masarap talaga ang lutong-bahay. Minsan mapapa-pikit ka, hindi mo ito mapipigilan lalo na pag may singaw ka, may halong kagat-labi pa. Wala naming mahirap hanapin sa palengke ng sangkap nito, kaya hindi kayo mahihirapan sa pag-luto ng gantong kasarap na ulam. Mas mapaparami ka ng kanin kung maasim at malambot ang baboy niyo.
 Minsan, naghahalo din ang nanay ko ng ibang ingredient sa sinigang na baboy, at ang pinaka gusto ko na halo ay iyong hipon, kaya nga yan ang picture. Ingredients pa lang nakakagutom na, paano pa kaya kung pinaghalo ang hipon at yobab? Tanggal ang stress dyan. Hindi ko na lang sasabihin ang paraan ng pagluluto,kaya nyo na iyon. Iba talaga pag lutong-bahay ang pinag-uusapan, talaga namang ubos ang kanin sa akin pag ganyan ang iluluto. Mararanasan mo pa na mahirapan sa pag-lakad sa sobrang bigat ng tiyan. Maganda pa sa katawan o kalusugan ang ulam na iyan Problema 'to, baka maubusan naman ako ng ingredients pag bumili kayo, pero kung gusto niyo maranasan yan, luto na! O kaya kung gusto nyo bili kayo sa labas. Bili na! Pero mas masarap sa bahay.
-Rudolf :p

10 comments:

  1. natawa naman ako dun sa "mamapapikit ka" :DDD BENTA! :) pero tama yung mas maasim mas masarap. :D

    ReplyDelete
  2. waw. sarap naman. try ko nga paghaluin baboy at hipon . :D -kayle

    ReplyDelete
  3. Matagal ng posted to diba? :D Eto yung unang una kong nabasa e. Haha! Mahusay! :D Magaling ang pagdedescribe sa potahe. Good work! :)-SAN JUAN, Naria Abbey P.

    ReplyDelete
  4. kayle. anu nga kaya ang feeling pag pinag join force ang hipon at baboy? HAHA :) MAHUSAY! detalyadong detalyado. :)
    -ina

    ReplyDelete
  5. masarap nga ito. magaling, mahusay ang detalye :)

    ReplyDelete
  6. HAHA.. mapapaKAGAT LABI.. nice.. :)

    ReplyDelete
  7. HAHAHAHA yobab talaga nakuha ang atensyon ko msarap yaaaan! hahaha hipon saka baboy?? hmmm ahahah -roxann ponce

    ReplyDelete
  8. HAHAHA! Natawa ako sa singaw! :)) Masakit talaga yun kasi maasim yung sinigang! :))

    ReplyDelete
  9. waaaaaw!! :) sinigaaaaaang! nice joseph! sarap nito!

    ReplyDelete