Saturday, November 27, 2010

AMIRA'S BUKO TART HAUS


Ang Tagaytay ay kilala na isang “Tourist Spot” sa Pilipinas. Dito makikita ang sikat at napakagandang “Taal Volcano”. Bukod sa magagandang tanawin, malalasap din dito ang sariwang hangin. Isang malamig na lugar ang Tagaytay kaya dinarayo ito at nagugustuhan ng mga turista. Marami din ditong makikita at matitikman na sariwang mga prutas, dito din mabibili ang mura at sariwang karne ng baka, mga buhay na isda at ilang “native dishes”.
          Tagaytay, bilang isa sa ipinagmamalaking “Tourist Spot” ng Pilipinas, pinapangalagaan ng mga taong nakatira dito ang kapaligiran kaya hanggang ngayon ay dinarayo ito mg mga taga-Maynila at maging mga taga ibang bansa man. Dahil sa dami ng tao na bumubisita sa Tagaytay, nakagawa ang isang pamilya sa Tagaytay ng mga “Tart” bilang kanilang hanapbuhay. Ito ay kanilang sinubukan, pinag-aralan at ngayon ay sikat na at nagbibigay sa kanila ng malaking kita. Ito ay ang Amira’s Buko Tart. Matatagpuan ito malapit lang sa boundary ng Tagaytay, kanto ng SVD, papuntang mag-asawang ilat, nasa main road Highway ito.
                Maganda at mainam sa kalusugan ang mga sangkap na gingagamit dito. Ito ay ang mga sumusunod: sariwang prutas gaya ng saging, pinya, ube, buko, mansanas, gatas, cake flour at wala itong asukal para sa kagandahan ng kalusugan. Sa unang tikim pa lang ay malalasahan na ang sarap, tiyak na uulit ka pa at babalik-balikan mo ito!
                Masasabi kong isa talaga ang Tagaytay sa maipagmamalaki natin sa Pilipinas at ako, bilang taga-rito ay ipinagmamalaki ito dahil talaga namang isa itong “Tourist attraction” ng ating bansa, magaganda ang mga tanawin, masarap ang simoy ng hangin at higit sa lahat, sariwa ang mga pagkain, mura at masasarap pa!


-FERMA, REINE B.


11 comments:

  1. Huwow! Mukhang masarap at nakakatakam. Mahusay Reine! :)

    ReplyDelete
  2. wow. gusto ko nian :) mhilig ako sa mga tart :D




    -roshiko cellona

    ReplyDelete
  3. namiss ko ang tart nung retreat namin sa tagytay din kasi kme nag retreat eee :( sana matikman ko ulit yaaan nkakatakam hahahah :D- roxanne ponce

    ReplyDelete
  4. Mahilig ako sa tart! Nakakagutom ang nilagay mong picture! Mahusay! :)

    ReplyDelete
  5. AAAAH! GUSTO KO! :) lalo na yung apple tart. :D

    ReplyDelete
  6. Wow. Gusto ko matry to. haha :) hingi naman reine!hhaha :) Good ! :)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Gusto ko rin matikman! Pasalubungan mo naman kami, SK :> :))

    -Bettina Elaine Macan

    ReplyDelete
  9. WOW! Patikim naman niyan ! :))))))) -Mille

    ReplyDelete
  10. WOW! Gusto ko matikman yan! Hahanapin ko yan at titikman pag pumunta akong Tagaytay. :D

    ReplyDelete