Wednesday, November 24, 2010

Seafood Marinara - Delizioso!




Isang ubod ng sarap na putahe ng Delifrance ang Seafood Marinara. Ito ang aking paboritong pasta dish. Lagi akong nananabik nang labis para sa Seafood Marinara.

Ang Seafood Marinara ay may ingredients na tomato sauce, linguine pasta, bell pepper, keso, hipon, isda, pusit at iba pang pagkaing-dagat. Ang linguine pasta ay mayroong carbohydrates na maaaring makapagbigay ng enerhiyang magagamit natin sa buong araw habang ang keso at pagkaing-dagat ay may protein na makakapagpatibay pa lalo ng ating mga buto. Ang bell pepper at tomato sauce ay mayroon namang vitamin C na maaaring makapagpakinis ng ating balat. Tunay na masarap ang putaheng ito sapagkat pinaghalo ang maasim na lasa ng tomato sauce, maalat na keso  at ang mga paborito kong pagkaing-dagat. Totoong kasiyahan ang aking nadarama sa tuwing kakain ako nito sa Delifrance.

Makikita niyo naman na talagang katakam-takam na sa litrato ang pagkaing ito. Paano pa kaya kung inyo itong natikman? Makakatayo pa kaya kayo  sa inyong kinauupuan? Masarap itong meryenda o kaya naman ay tanghalian para sa mga taong hindi sanay kumain ng kanin. Hindi ito kailanman mawawala sa itinuturing kong “Malikhaing Gawa ng Isang Dalubhasa.” Delizioso!

-Angelique Correa

11 comments:

  1. nakatikim na ko nito nung nagluto tita ko! masarap nga yan lalo na't mahilig ako sa seafood:) mahusay!

    ReplyDelete
  2. SIYAKS! :D PUSIT TAPOS PASTA! ANG SARAP! :D

    ReplyDelete
  3. Tunay nga naman nakakatakam! :) Mahusay!

    ReplyDelete
  4. Mahilig ka pala sa pasta! mukang napakasarap nito! PAHINGI! :)-ina

    ReplyDelete
  5. Siguro masarap yan. Di ako pwedeng kumain niyan kasi allergic ako sa seafoods. Gusto ko tikman :( try mo yung putanesca. favorite ko yun :) -Deedee

    ReplyDelete
  6. sobrang nakakatakam naman ito. seafoods sarap :)

    ReplyDelete
  7. DELIZIOSO.. :)) yummy.. patikimin mo kami minsan.. :))

    ReplyDelete
  8. Tama ang mga nag-comment sa itaas. Mukhang nakakatakam at masarap nga ito. Magaling Gelique! :)

    ReplyDelete
  9. paborito ko tlga ang pasta ! lalo na cguro kpag may seafoods p itong kasama! :) masarap nga cguro itong seafood marinara. :)


    -roshiko cellona

    ReplyDelete
  10. Ang Seafood Marinara ay isa sa mga putaheng hindi ko pa natitikman. Dahil sa larawan at deskripsyon, nais ko na itong matikman.

    ReplyDelete
  11. Mukha nga itong katakamtakam. Nakakagutom ang larawan nito ngayong oras na ng panggabing merienda. Nais ko din itong tikman tulad ni Badeth Bertulfo.

    ReplyDelete