Sino ba sa atin ang hindi pa nakakatikim ng matamis na candy na ito? Malamang halos lahat tayo ay nakakain na ng yema. Sigurado akong hindi niyo pa nakakalimutan ang tamis na naibigay nito sa inyong mga panlasa. Napakadali lamang gawin nito at hindi niyo na kailangan ng mahabang oras para makagawa ng yema. Ang candy na ito ay karaniwang may hugis na pyramid at nakabalot sa makulay na cellophane kaya naman talagang ito ay nakakakuha ng ating mga atensyon kapag bumibili sa tindahan.
Kung kayo ay nagnanais gumawa ng yema, wag kayong magdalawang isip dahil nakasisiguro akong hindi kayo mahihirapan dahil madali lang ang mga proseso ng paggawa nito. Heto ang mga ingredients na kailangan niyo: 2 cans condensed milk, 3 egg yolks, 1 tablespoon melted butter, 3 tablespoons chopped nuts. Pagsamasamahin lamang ang mga ingredients na ito at iluto na. Hintaying lumamig ng konti para mas maging masarap ang pagkain niyo ng yema.
Noong bata pa ako, isa ito sa mga paborito kong bilhin sa tindahan. Pagkagaling ko ng school, pupunta agad ako sa tindahan para bumili ng yema. Kung minsan pa nga ay nagbabaon ako nito sa school at kinakain ito tuwing klase kahit bawal.
-Chiaki Komatsu
Masarap nga yung Yema. Meron ba nito sa Japan? I like din. :*
ReplyDeleteFavorite ko din nung bata ako yung yema. Kaya marami akong sirang ngipin nung bata ako :D -Deedee
ReplyDeletedapat nagbenta ka sa japan ng yema para mabighani din sila sa kasarapan na galing sa mga simpleng sangkap. chos! haha. sarap!
ReplyDeletepaborito ko to.hanggang ngayon pag may nagtitinda nito sa bus bumibili pa din ako.masarap.wow! ---marga
ReplyDeleteWow! Masarap nga ito! :D lalo na yung loob nung yema. :D Sarap much. - Mille
ReplyDeletesobrang sarap niya. :) lalo na kapag natutunaw na sa bibig. :D
ReplyDeleteLagi akong kumakain nito after dinner! Ang sarap kasi e:)
ReplyDeleteBumibili ako nito sa bus stop ng Five Star kapag umuuwi ako ng probinsiya. Ang sarap,pano. ^^ -Rinah
ReplyDeleteSWEET.. :)) favorite ko yan noong bata ako..
ReplyDeleteYEMA is love. :) Paborito ko din yan! :D
ReplyDeletearigatou ,gagawa na ako bukas sana hindi pumalpak mutainai kc
ReplyDelete