Champorado - ito ay pagkaing Pilipino na madalas ay sinasabayan ng isdang “tuyo.” Masarap ito kainin mainit man o malamig. At talaga nga namang pwede mo ito kainin sa buong maghapon. Ngunit, bakit nga ba ito ang napili ko? Heto at basahin ninyo. Ang champorado ang paborito kong kainin lalo na’t kung ang nagluto nito ay si Ninang Nene. “KAAAAAAAAT KAAAAAAAT, luto na ang champorado mo” - ito ang madalas sabihin ng ninang ko para agad-agad akong tumakbo papuntang kusina at lasapin ang niluto niya. Hanggang ngayon ay si Ninang Nene pa din ang nagluluto ng champorado para sa akin.
Kung tutuusin, madali lang ang pagluto ng champorado. pati na rin ang mga sangkap na gagamitin ay madali mo lang din mahahanap. “Malagkit”, ito ang klase ng bigas na ginagamit para sa pagluluto nito at ang “cocoa” naman ang chokolateng inilalagay. Mapait ang lasang ibinibigay ng cocoa sa champorado, ngunit kapag ito ay luto na, maaari itong lagyan ng asukal depende sa kung gaano katamis ang iyong nais. At ang pnakahuli ay ang gatas. Lubhang napakasarap nga naman ng champorado kapag ito ay nilagyan mo ng gatas. Try mo! Ang champorado ay masarap kainin kung ito ay bagong luto at mainit-init pa. Masarap rin naman ito kung manggagaling ito mula sa loob ng refrigerator, malamig sa madaling salita. Ayun nga lang, hindi ko lang alam kung anong maidudulot nito sa ating kalusugan. Ngunit para sa akin, may posibilidad na tumaba tayo dahil ito ay may chokolate, asukal at gatas. Pero ayos lang yan, ang importante ay busog tayo.
Sa tuwing ako ay nakain ng champorado, “heaven” ang feeling. Sobrang sarap! Sa katunayan nga ay kahit yan lang ang kainin ko maghapon ay mabubuhay na ako. Hinding hindi nakakasawa ang pagkain ng champorado. Kaya kung ako sa inyo tikman ang sarap ng champorado at sabihin, “CHAMPORADO OOH LALA.” :)
Ma. Katrina B. Tan
ang sarap naman nito.! masarap na pagkain dahil tag-ulan na sa ust. ---marga
ReplyDeleteANTSARAP TSARAP NAMAN NYAN ! PENGE !
ReplyDeleteBhe! Gusto ko kumain. Nakakatakam! :) -althea
ReplyDeletewow. sana mauulan ang panahon para magluto ang ermat ko ng ganyan na may kasamang tuyo! magaling
ReplyDeletenakakatakam..tamang tama sa panahon na napakalamig.
ReplyDelete-klara villena
sarap naman niyan. lalo na yung nilagyan na siya ng gatas oh.
ReplyDeleteLove it, Kat! Especially pag morning tas with milk pa! Saraaap!! :-D
ReplyDeleteGusto ko din niyan! Lalo na ngayong umuulan. Nagutom na tuloy ako. Haha.
ReplyDelete-Ivy
Favorite ko din tong Champorado! Mapa umaga tanghali o hapon! HAHA. Nice work! -Nix
ReplyDeleteNaalala ko tuloy Lola ko, ganyan din siya magluto ng champorado. :) Samin kasi yung nasa pack na e. Anyway, yummy! :) -SAN JUAN, Naria Abbey P.
ReplyDeletenaaalala ko ang mga moments na malamig tapos umuulan. magluluto kami ni mama ng ganyan tapos lulunurin sa evap :) yummeh!! :>
ReplyDeleteNaadik din ako sa combination ng tuyo at champorado. :D
ReplyDeletepaborito kong almusal yan :) lalo na kapag madaming evap :)
ReplyDelete-roshiko cellona
Sakto may champorado dito sa bahay ngayon :) -Camille Tamondong
ReplyDelete