Kadalasa’y naririnig natin ang mga katagang “Ikamamatay ko kapag nawala ka”, o di kaya’y “Hindi ako mabubuhay kung wala ka” sa taong kanyang iniirog ng higit. Nakakatawa kung iyong iisipin, sapagkat nabuhay pa rin naman siya habang sinasambit ang mga salitang ito , iniwanan man ay humihinga’t buhay pa rin . Ni hindi man lang ba niya nadiwa sa s kanyang mailap na gunamgunam na hindi siya, ngunit pagkain, pagkain! ang siyang matamang dahilan kung bakit siya nabubuhay.Kung sa pagkain niya inialay ang mga katagang ito ay marahil natuwa pa yun at binusog pa siyang lubos.
Hinding-hindi matatawaran ang hilig ko sa pagkain. Tila ba’y nais kong matikman ang iba’t-ibang klase ng putahe sa buong mundo! Upang mapunan ang aking pagkahilig, ngunit mayroong isang pagkaing umungos sa aking panlasa , ito ay ang OKOY. Itoý malutong habang kinakagat, lalo na kung inilubog s mantika , malalasahan mo ang linamnam ng toge,hipon at tokwa na siyang bumuo sa kakaibang timplang paniguradong hahanap-hanapin mo.Tiyak mas masarap ito kung may kaparis itong suka na siyang tinimplahan ng bawang, sibuyas, paminta at mga pampalasang sangkap na siyang magpapalabas ng naitatagong lasa ng iyong okoy. Ito ay nagmula sa lalawigan ng Laguna, ngunit ito maaring lutuin sa kani-kanilang mga tahanan. Narito ang mga sangkap ng okoy:
· ½ kilong toge
· 1 puswelong hipon maliit
· 1 itlog
· 3 tokwa, hiniwa ng pahaba atsuwete
· Betsin
Narito naman ang paraan ng pagluluto:
1. Tunawin ang cornstarch o arina sa kaunting tubig na may atsuwete at batihing kasama ng itlog. Timplahan ng konting asin. Banlian ang toge. Ilagay sa platito ang kaunting toge, ipaibabaw ang hipong binanlian at tokwa.
2. Buhusan ng 3 kutsarang tinunaw na cornstarch o arina. Iprito ng lubog sa mantika. Ihain ng mainit, kasama ang sawsawang suka, pinitpit na bawang, asin at paminta.
Napakasimple lamang nito lutuin, at higit na mayaman pa ito sa Iron at protina na taglay ng hipon, toge at tokwa na higit na mainam sa immune system at pagbuo ng magandang pangangatawan.
Sa bawat kagat, at nanunuot nitong lasa ay higit na ipinapaalala nito ang mga panahong kaylakas kong kumain, yung tipo bang wala ng bukas pa. Kapag ito ang ulam ay halos tatlong okoy at gabundok ng kanin ang makikita mo sa aking pinggan , ngunit magbago man ang aking paraan ng pagkain sa kasalukuyan, ay mananatili itong okoy na paborito kong putahe, na aking minamahal at pinagmamalaking lutuing pinoy.Halina’t tikman na, at siguradong mapapsigaw ka ng “OKOY sarap naman talaga!”
- Roshiko Cellona
paborito ko ito dati. naalala ko nanaman masarap nga ito :)
ReplyDeletewow, matry nga mukang masarap hehe. :p
ReplyDeleteHindi pa ako nakakatikim niyan, pero mukhang masarap dahil sa mga sinabi mo :) Titikman ko 'yan sa susunod -Mille
ReplyDeletei agree.. masarap talaga yan.. :))
ReplyDeleteMukhang masarap! Mahusay Rosh :)
ReplyDeletewow! ang husay mo gumamit ng mga salita parang nalalasahan ko na yung okoy! ang sarap
ReplyDeletemsarap to lalo na pag bagong luto nice! -roxanne ponce
ReplyDeletewow naman. ang sarap nung picture, siguro lalo na kung totoo!
ReplyDeletesarap nmn., sana may free sample.. hehe.. sana luto ni rosh ung makain ko.. haay
ReplyDeleteME PEYBORIT! ME LIKEY! :) masarap to lalo na kapag mainit at fresh yung hipon. :D
ReplyDeletemasarap to! nakaka miss tuloy yung mga kinakain ko dati. haha. reminisce! :D--marga
ReplyDeleteMukhang masarap nga, try ko nga minsan. Paborito ko pa man din ang hipon. :D
ReplyDelete- Ivy
roshiko isa din ito sa paborito kong ulam.samahan mo pa ng suka ay talaga namang nakakatakam.magaling. -klara
ReplyDelete