Leche Flan
Hindi ko makakalimutan ang unang beses na natikman ko ito at kahit na sinong makatikim nito ay hindi malilimutan ang taglay nitong tamis at sarap. Sino ang hindi nakaka-alam nito? Nakasisiguro ako na walang Pilipino ang makakatiis na hindi ito kainin. Bahagi na ito ng mga handaan. Hindi kumpleto ang pista kung wala ito.
Nagmula ang putaheng ito sa mga Kastila noong panahon pa ng kanilang pananakop sa Pilipinas. Isa itong Custard dessert na sinasabing katulad rin ng “Crème Brûlée,” isang dessert sa America kung saan may malambot na caramel sa ilalim at may matigas na caramel sa ibabaw samantalang kabaligtaran ito ng Leche Flan natin kung saan ang matigas na bahagi ay nasa ilalim at nasa ibabaw naman ay malambot na bahagi.
Kinakailangan ng itlog, gatas na eveporada, gatas na condensada, asukal at vanilla extract upang maka-gawa ng leche flan. Pwede rin dagdagan ng ibang sahog upang lalong sumarap at magkaroon ng ibang lasa kagaya ng Lemon peel, Gelatin, Strawberry at mani. Nilalagay ito madalas sa isang “Llanera” na hugis oblong ngunit maaari rin itong ilagay sa mga may korteng lalagyan upang lalo itong maging mas presentable tignan. Taglay nito ay Protein, Calcium, Potassium, Carbohydrates, Riboflavin at Phosphorus na maganda para sa ating mga katawan. Kaya naman marami talaga ang paborito itong kainin dahil bukod sa tamis at sarap na taglay nito ay marami ring makukuhang sustansya. Maaari itong kainin ng diretso at maaari rin namang isahog ito sa iba pang dessert katulad ng Halo-halo.
Sa bawat kakainin mo ito ay parang bumabalik ka sa unang beses na natikman mo ito. Hinding-hindi ka magsasawa sa sarap na dulot nito. Kabilang na ito sa kulturang Pilipino at hindi na ito mawawala. Walang ibang putahe ang kayang tumbasan ang Leche flan.
by: Pauleene Arianna Shane R. Ponce
nakakagutom, haha .. great job, mahusay na paglalahad :D
ReplyDeleteFavorite ko din toh! It's so delicious. :D
ReplyDeleteNkakagutom naman to. HAHA. tama ka dyan. walang Pilipino ang hindi makakatiis na kainin to :)) Nice :)
ReplyDeleteHa-ha! leche flan? yan ang unang nauubos sa handaan.. inuuna na ung dessert bgo ung putahe.. ^^
ReplyDeletepeyborit ko din yan! magaling yung pag explain mo sa pagkain. :D
ReplyDeleteFavorite ko to at hindi ako magsasawa dito! nice job:)
ReplyDeletePeyborit ko din itong Leche flan! Nice work! -nix
ReplyDeleteuy! gusto ko ung mga ganito sa pyestahan! :)
ReplyDeletepaborito ko to.masarap kasi eh ---marga
ReplyDeleteFavorite ko to :) pag may okasyon nga ito ang lagi kong hinahanap eh :) -Deedee
ReplyDeletePaborito ko tong dessert ! :D napakasarap ng naman talaga nito. -Mille
ReplyDeleteSUPER FAVORITE! :D masarap kapag magatas at matamis.
ReplyDelete