Ano ang iyong paboritong pagkain at bakit? Iyan ang tanong na aking sasagutin sa sanaysay kong ito. Nang aking marinig ang katagang iyan, dali-daling pumasok sa aking isipan ang aking paborito. Sapagkat marahil ang iba’y bahagyang nagisip kung ano ang kanilang itatampok sa mangilan-ngilan nilang paborito. Ngunit di tulad ng karaniwan na ang isasagot ay iba’t ibang lutong potahe tulad marahil ng sinigang at adobo na gawa sa kung ano pa man at marami pang iba, ang paborito ko’y tila isang kendi na hindi pangkaraniwan na nasisiguro kong ni hindi man lang pamilyar ang iba. Kaya naman huwag na natin pang patagalin ito.
Aking ipinagmamalaki na mula ng ako’y kinder pa lamang o limang taong gulang, ito na ang paborito kong pagkain; ang KIAMOY. Una ko itong natiman noong ako’y bigyan ng aking tiyahin, ang nakababatang kapatid ng aking ina, at mula noon ay hinanap hanap ko na. Siya’y bumibili pa sa Aji Ichiban, isang Chinese store sapagkat sinasabing ang kendi na ito ay nagmula pa sa bansang Tsina.
Dumako naman tayo sa ingredients mayroon ito. Ako’y magiging tapat, gustong gusto ko ang Kiamoy ngunit hindi ko alam kung saan gawa ito. Kaya naman kinailangan ko pang mag-Google, Yahoo at maging ang Wikipedia upang ito’y hanapin pa ngunit lahat ng aking nakita ay puro paguusap ng iba’t ibang tao patungkol sa karanasan nila dito; karamiha’y nagsisimula sa pagtatanong kung alam na nila ang pagkaing ito na sinusundan naman ng kung saan sila makabibili, ang pasasabing kanila itong titikman at ang hindi mawawalang nasusuklam sila sa lasa nito. Gayunpaman, may nakita akong maaaring magpaliwanag kung ano nga ba ang mayroon dito. Ito’y nagmula sa nagpapakilalang si Paulo Ordoveza na kanyang pinost noon pang Agosto 12, 2002; “(Kiamoy: Dried preserved plums coated in salt, sugar, and licorice powder. Intensely salty and sweet and sour all at once. NIBBLE ONLY. DO NOT POP IN MOUTH WHOLE. The seeds are still in the plum, and the flavor is VERY intense. Great prank food. ;)” Inyo na bang naiisip kung ano ang itsura nito? Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin na ang alam ko lang na ingredient mayroon ito ay ang asin. Bakit? Sapagkat hindi maikakailang napakaalat ng kending ito, iyon ang una una among malalasahan. Ngunit habang tumatagal, malalasahan mo rin ang asim at kaunting tamis mayroon ito. At isa pa pala, ang itsura nito. Tila ito isang maliit na bato na talaga namang baku-bako, maaaari rin sigurong maihambing sa tigpipisong sampalok na nabibili sa mga sari-sari store na karaniwang sinasabi ng mga pinatitikim ko nito. Ang Kiamoy ay kulay kahel. Ngunit mayroon ding tinatawag na Red Kiamoy, White Kiamoy at maging Seedless Kiamoy (ngunit iyon ay itim na medyo paahaba ang hugis).
Marami akong nakakatawang karanasan sa Kiamoy. Napakasaya ko na kahit ako’y nasa UST ay maaari akong makabili nito. Isang araw habang kami’y nasa P. Noval ng aking mga bagong kaibigan na sila Bianca, Roshiko, Mille, Rochil at Klara, nakakita ako ng mamang nagbebenta ng iba’t ibang kendi. Ako’y umasa agad na sa dinamidami ng mga kendi doon ay mayroong Kiamoy. At nang makita ko nga iyon, sabihin niyo ng ako’y OA ngunit talaga naming ako’y napalundag pa sa tuwa. Mula noon, napagalaman kong makabibili din pala ako nito sa paligid-ligid ng UST. Ngunit ito’y tsempuhan lamang. Isang beses pang kami’y nasa P. Noval muli, ako’y nagpapaprint sa isang computer shop habang sina Bianca at Roshiko naman ay naghihintay sa labas, paglabas ko’y sinalubong nila ako ng Kiamoy. At ano ang iyong inaasahan? Syempre ako’y tuwang tuwa na naman. Dumaan pala si manong kendi. Malas at di ko siya naabutan. Nakakatuwang maging sila ay bumili rin nang mapagalamang paborito ko iyon. Ngunit katulad ng iba, surang sura din sila dito. Tila daw lumaklak ng sandamakmak na asin ayon kay Roshiko. Marami man ang may ayaw nito, may mangilan-ngilan din naman na tulad ko ay nagustuhan ang lasa nito. Noong ako’y hayskul pa, pinatikim ko ito sa aking kamagaral at simula noon ay naging paborito niya na rin ito. Minsan pa’y nagbibigay siya ng pera upang ibili ko siya sapagkat mayroong malapit na bilihin sa amin. Hanggang sa dumating sa punto na tuwing mayroon kami nun, magdadamutan pa kami huwag lamang kaming maubusan. Nang malaman ko rin na gusto rin pala iyon ni Ponci, ako’y natuwa sapagkat bihira lamang akong makatagpo ng taong gusto rin ang lasa nito. Isa pang nakakatawang karanasan na naganap lamang kahapon ay nang magpunta kami ni Roshiko sa Asturias upang maghanap ng patatas at sibuyas na gagamitin sa klase naming sa HRM. Hindi kasi namin alam na kinakailangan palang magdala sapagkat ito’y ipinost lamang sa FB. Kaya kami’y kumaripas ng paglalakad mula sa aming masarap na pagkakaupo matapos mananghalian. Tila kami naghahanap sa kawalan sapagkat puro kainan ang aming nakikita. Habang kami’y kumakaripas na nga, sinabi kong pag nakita ko sa manong kendi ay talaga naming bibili ako kahit pa ako’y nagiipon. At ayun nga at amin siyang nakita. Kahit pa less than 30 minutes na lamang ay magtataym na at hindi pa kami nakakapagbihis, talaga naming nagabala pa kong bumili nito. Pitong piraso daw sampung piso ayon kay manong. Ako’y humirit pa ng isang dagdag ngunit ayon kay manong ay lugi daw siya. Ok lang sapagkat ako naman ang namili at talaga namang aking pinili ang pinakamalalaki na ikinagulat ni manong. Panghuli, ibabahagi ko lamang na ako’y madalas pagalitan ng aking mga magulang sa tuwing ako’y bibili nito. Magkakasakit daw ako sa bato sa sobrang kaalatan nito.
Hindi ko alam kung nauunawaan niyo ba ang aking mga pinagsasasabi o kinakausap ko lang ba ang aking sarili. Oo, ako’y dakilang adik sa Kiamoy. At hindi ko talaga ito ipagpapalit sa iba ko pang gustong pagkain gaya ng Crispy Kangkong, Lasagna, Pizza, Liempo o Kare-kare man. At upang wakasan ang pagiisip ng mga hindi nakakakilala sa pagkaing ito, masasaksihan ninyo sa ibaba ang itsura nito. Maraming maraming salamat sa inyong pagbabasa! J
-SAN JUAN, Naria Abbey P.
Ngayon ko lang nalaman na Kiamoy ang tawag diyan. Haha. Hindi ko pa natitikman ngunit nakakakita na ko niyan. Nais kong matikman kaya't magdala ka. Hahaha. - Dreli
ReplyDeleteKIAMOY KIAMOY KIAMOY. isa ako sa mga nakatikim neto na talaga namang halos sumobra na ang pikit ko sa alat at mejo asim nito. kung pauntiuntihin ang pagkain ay matitikman talaga ang tunay na lasang tinatago, mainam ito para sa mga kulang sa alat sa katawan :) astig ang pagkaing ito astig, cool! :)
ReplyDeleteKiamoy! nakakatuwang kainin yan. kasi mamumutla ang labi mo sa alat, pero sobrang sarap niyan! :)-ina reyes
ReplyDeleteHAHA. ang galing ng pagkakakwento sa kiamoi. paborito mo talaga ito. love it!
ReplyDeleteNakakatuwang malaman na may tumatangkilik pa rin sa kiamoy. Marahil ang iba ay hindi ito naiibigan dahil sa kakaiba nitong lasa ngunit sa ibang tao katulad mo, ito'y nagdudulot ng kasiyahan at satisfaction.Masasabi ngang naging parte ng iyong buhay ang kiamoy AT ang kakaibang lasa nito
ReplyDeleteWow! Gusto ko tuloy. hahah :) Ang sarap! haha namimiss ko yun maalat na lasa nya!haha chka nakakaaddict kaya yan!hahha:) tagal na ko di nakakakain ng ganyan. :) nakakamiss.haha Galing.haha
ReplyDeletencucurious lalo aq kung anu yan ah...
ReplyDeleteVery entertaining story of how a small thing such as this became a part of your life. I can tell that you're really a big fan of it and the same goes for me :D
ReplyDeleteKamiss tuloy and kiamoy! hirap kase maghanap nyan dito sa new zealand eh. and tagal ko na den hinde nakakaen nyan. di bale pag uwe ko sigurado kakaen ako nyan.
bravo! ang galing ng pagka-sulat, exact sa naging kiamoy experience ko nung pinatikim mo ako (maalat, maasim then matamis). haha
ReplyDeleteRightnow, I'm craving for KIAMOY, pahingi ako pag nagkita tayo!
parang hindi ko kakayanin ang alat ng kiamoy.pero gusto ko siya tikman kasi sa asim.mahilig kasi ko sa maasim. pag nagdala ka alukin mo ulit ako.haha.ang galing talaga ng sanaysay mo sa naging experience mo.talagang paborito mo ang KIAMOY.
ReplyDeletepero dapat uminon ng maraming tubig para di magkasakit sa bato.
ReplyDelete-klara
ung comment na nauna akin din.
gusto ko rin matikman ang kiamoy. mukhang napakasarap :)
ReplyDeletealam ko tlgang adik ka dian. :) hahaha. matalas talaga mata pagdating sa kiamoy. hahaha. :P
ReplyDeletehahaha. napakaalat tlga nian pero paborito m p rn. :)) basta pag kiamoy GO k lng :P
ReplyDelete-Roshiko Cellona
Kiamoy? Maalat nga yan pero masarap naman! :))
ReplyDeleteHINDI HALATANG FAVORITE MO. :) mas maalat sa sampalok to. :DD
ReplyDeletemukang pwede sa klasrum yan.. hindi ko pa natitikman pero ayos to, basta magdala ka.. hehe.. pero sobrang alat yata ng kiamoy? hindi ako mahilig sa maalat pero syempre maganda pag laging bago.. -seph
ReplyDeleteKiamoy? Ung parang Champoy ba yan? Masarap nga yan, pikapika. :)
ReplyDeletei love kiamoy d2 na aq pinaglihi and the taste very unique walang katulad super sarap ndi nakakasawa..... i love kiamoy very much...
ReplyDeletefirst time ko kumain ng kiamoy umorder ako kase curious ako kahit maalat kinakain ko parin masarap siya lalo na pag binasg mo ung buto may nuts siya sa Loob masarap din kung alam mo☺️
ReplyDelete