Saarrrrraaapp!! Tamang tama ang timpla! Ang sarap sarap talaga! Napakalinamnam! Napakasarap, oo! Yaaaaami!! Napapaisip ka na siguro kung ano itong masarap na ito, noh? Hm, patitikimin muna kita ng aking masasarap na mga sangkap ng mas lalo ka pang matakam. Konti lang! Anim na balot, isang buong bawang, dinurog na paminta, dalawang kutsaritang suka at tatlong kutsaritang toyo. Hmmm, nalalasahan mo na ba ang sarap na aking nalalasahan pag ako’y kumakain nito? Ano kaya ito? Sige! Sasabihin ko na. Ang aking putahe ay adobong balot!
Ang adobo ay isa sa pinakakilala at pinakamasarap na lutuing pinoy sa loob at labas ng bansa. Niluluto sa suka, toyo, bawang at paminta ang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkop bago haluan ng suka at bawang. Itinuturing ito bilang pambansang lutuin ng Pilipinas.
Ang balot naman ay kilalang pagkaing kalye ng mga Pilipino. Parte na ito sa kultura ng mga Pilipino at kakaibang pagkain natin. Ito ay matatagpuan sa maliit na siyudad sa Manila, ang Pateros. Ang paggawa ng balot ay kinukunsidera na atraksyon sa mga turista. Talagang nagbabayad pa sila masilayan lang kung paano ang paggawa ng balot.
Kapag pinagsama, malamang ito ay tatawagin ng adobong balot! Tama! At ito’y masarap! Ito ay kakaiba at bagong luto ng mga Pilipino na magugustuhan nyo. Sa halip na karaniwang manok o baboy ang sangkap, magiging balot! Naiisip nyo na ba ang lasa nito? Kung hindi nyo maisip, e masarap lang naman talaga. Malinamnam nga sabi ko. Sobrang sustansya nito dahil ito ay itlog na inadobo. Ikukwento ko na lang sa inyo ang aking karanasan tungkol dito.
Ako ay nanunuod ng muvi. Muvi ni Sarah Geronimo at Luis Manzano. Baduy na, oo. Pero kung hindi ko ito napanuod, hindi ko madidiskubre ang sarap ng magiging paborito kong pagkain! Ang adobong balot. Una kong narinig ang adobong balot sa mami ko. Nasa handaan daw siya at ipinakilala sa kanya si adobong balot. Nung una, ayaw niya at parang ang pangit daw tingnan. Pero pinilit pa din siya tikman ito, nung natikman na nya, masarap nga daw pala! Dahil don, tinikman ko na din. Nung natikman ko, kumuha pa ako ng kanin na puti! At hinahanap-hanap ko na yung adobong itlog! E hindi marunong magluto nun si lola sapagkat hindi pa naman niya natitikman. Kaya, pumupunta na lang ako sa Razons dahil doon may menu sila ng adobong balot.
Kung gusto nyo tikman, punta lang kayo sa Razons. Magdala kayo ng pera para matikman nyo. Kasi hindi naman kayo bibigyan ng libreng adobong balot doon. Malamang! Di ba? Anu pang hinihintay nyo? Tikman na!!
-CLAUDINE LORRAINE S. PADILLA
1T2
Napakamalinamnam! :)) Akala ko ay inimbento lang to sa isang pelikulang aking napanood. Minsan ay titikman ko ito :D
ReplyDeletebago to aa ? haha . yaan mu mgdadala talaga acu ng pera para makatikinm nian . hahaa ..kulit ng description . haha .. mahusay ;))
ReplyDeletenaaalala ko ang napanuod nating hating kapatid sa adobong balot. masarap nga ba yan? HAHA di pa ko nakakatikim eh. mukang masarap naman sha!
ReplyDeleteWow, ngayon ko lang nalaman na meron pala nito sa rozons. pag nagpadpad ako minsan duon ay ito ang una kong hahanapin. magaling, may bago akong nalaman na putahe. :))
ReplyDeleteahahaha kakaiba to ah. :) BALOT? :)) ahahahaha. :D matry nga minsan pero tatangalin ko mga sisiw. :)))))
ReplyDeleteahahahahah sarap ahahaha kakaiba to ah. :) BALOT? :)) ahahahaha. :D matry nga minsan pero tatangalin ko mga sisiw. :)))))
ReplyDeletehindi pa ako nakakatikim nito pero mukhang masarap. hindi nga lang ako kumakain ng sisiw>_<
ReplyDeleteyum... :))))))))))))))))
ReplyDeletengayon ko lang nalaman yan ah. di ko pa din natitikman pero mukhang masarap nga pwede pang breakfast lunch at dinner :)
ReplyDeleteOdin masarap ba talaga? Gusto ko i-try, pero sana penoy. Ahahaha! Mukha naman siyang yummy,try ko minsan! (; -Czarinah
ReplyDeletengayon ko lang narinig ito..hindi ko alam na meron nito.sana makatikim ako nito..sa picture mukhang masarap lalo na siguro kapag natikman ko na.YUMMY!!
ReplyDelete-klara villena
ang galing naman! adobong baloooooot. nkakamangha kaso hndi ako naain ng balot. pero mukhang ayos aa
ReplyDeleteSi Sarah at Luis pala ang inspiration mo. :D KAKAIBA TO PERO MUKHANG MASARAP. :)
ReplyDelete