Sunday, November 21, 2010
Pagkain na hinahanap hanap ko. :)
Nang magtanung ang aking guro sa Filipino kung anu sa mga kinakain ko ang hinahanap hanap ko at tumatak sa aking panlasa. Bigla akong napatanung sa sarili ko anu nga ba? Nilaga, bistek tagalog, tinola, pork chop, hotdog o itlog? Bigla kong naisip ang isang napakahiwaga at napakasarap na Hopia ng Eng Bee Tin. Hahaha malamang naiisip niyu si Doraemon tuwing naririnig niyu ang salitang hopia. Iba’t iba ang mga “Flavor” ng hopia mayroong Monggo, baboy, buko pandan atbp. Marami ring pwedeng mabilhan nito pero ang pinakapaborito ko ay ang Hopiang Ube ng Eng Bee Tin.
Malamang nagtatanong kayo kung bakit ito. Dahil lang ba chinese ako hopia na? hahahaha. Ito ang pinili ko dahil tuwing umuuwi si Mama dati mula sa pagtratrabaho sa ibang bansa agad agad kaming pumupunta sa Binondo o kilala bilang China Town dito sa Pilipinas at hindi mawawala sa listahan namin ang pagbili sa napakasarap na pagkain na ito. . Kada kagat nilalasap ko talaga kasi minsan lang ako makakain ng ganun. Parang oras na makakasama ko ang aking ina at lilipad na ulit siya patungo sa ibang bansa bawat minuto sinusulit at nilalasap ko.
Iba’t ibang flavor parang buhay ng tao iba’t iba ang kalagayan. Nasa atin kung ano ang nais natin maging baling araw. Kung nais ba nating magkaron ng buhay na ubod ng saya o walang kakwenta kwenta. Sa akin pinili ko ang ube na napakatamis at napakalinamnam. Parang buhay ko masaya at mahiwaga kada araw. Kada araw nilalasap ang bawat minutong kasama ang mga minamahal sa buhay. Kaya kayo rin lubus lubusin niyu na ang mga panahong nanjan ang mga mahal natin sa buhay. Kaya sulitin nanatin to.
----- Mico-Ehlo A. Chua 1T2 -----
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Gosh!! I like it too! Ube flavor! Sobrang sarap!! Tikman mo din yung adobong balot ko. Hahahaha
ReplyDeleteMasarap talaga ang Hopia Ube..lalo na nga un sa Eng Bee Tin,pero itry mu rin un kwek-kwek hah!hahaha:))))
ReplyDeleteGustong gusto kong papakin tong Hopiang ube! Kahit eto lang nakakabusog na! Nice work (: -nix
ReplyDeleteHopia ng Ongpin?! nice. tagal na ko di nakakakain nyan!haha :) bibili nga ako pagpumunta ako Eng Bee Tin.haha
ReplyDeleteHuwaw. HOPIA. Masarap. Gusto kong matry ung galing ka Mr Ube. Ewan ko. Basta masarap. Magaling ang pagkakalahad. :)
ReplyDeletetulad ng inaasahan, walang kamatayang HOPIA ang paborito mo. kilala kita ng lubusan kaya alam kong yan ang gusto mo. suportado naman kita jan eh. basta sana bigyan mo din ako minsan. di mo natatanong may lihim na kagustuhan din ako sa hopia. haha!
ReplyDeletegusto ko rin yan!!!lalo n kung hopiang monggo..then coffee..kinakain ko pag nagpupuyat.hahahahha..nagutom ako bigla:)))
ReplyDeleteSIYAKS! HOPIA! :) sarap. pero di ko pa nata-try yung ube flavor. martir ako sa hopiang monggo e. :D patikim naman. :D
ReplyDeleteGusto ko din yung ube :) nung bata ako kumain lang ako nyan dahil kay doraemon eh :D naintriga ako :D -Deedee
ReplyDeletemasarap nga yan. madaan sana sa china town minsan
ReplyDeleteparang si doraemon, hopiang munggo lang ang kinakai ko.pero dahil dito susubukan kong kumain ng iba pang flavor!
ReplyDelete