Saturday, November 20, 2010

Lumpiang Sariwa : Ang sarap kaya, ITRY MO! :)

Ang lumpiang sariwa ay bihira sa pangaraw araw ng mga Pilipino. Hindi kasi ganon kadali ang pagluto nito lalo na yung wrapper. Ang lutuing ito ay masustanya sapagkat maraming gulay ang nakahalo dito. Medyo may katagalan ang pag prepara nito dahil may mga karagdagang hakbang na kailangang tama ang pagkakagawa upang mas masarap ang magiging resulta ng lumpiang sariwa. Una kong natikman ang lumpiang sariwa noong kumain kami ng mama ko sa Goldilocks. Masarap ang bersyon nila ng lumpiang sariwa. Malabot ang wrapper, madaming sauce at may lettuce. Yung iba kasi ay walang lettuce na nilalagay. Simula noon, laging iyon na ang inoorder ko sa Goldilocks sa tuwing doon kami kakain. Dahil sa mahilig din magluto ang nanay ko, pinagaralan niya kung paano ginawa iyon at kuhang kuha niya ang lasa. Kung minsan ay mas masarap pa, walang halong biro. Sa tuwing may handaan sa aming bahay ay iyon ang rekwes ng mga bisita sa nanay ko.

Alam kong natatakam din kayo sa paborito kong putahe. Narito ang mga sangkap na kailangan sa luting ito. Para sa WRAPPER: 1 cup all-purpose flour, 2 pirasong hilaw na itlog, 2 tbsp na mantika, ½ tsp na asin, 1½ cups na gatas. Para naman sa pinakafilling: 2 cups kamote, 2 tbsp patis, 1 lb repolyo, 1 ½ cup karrots, ½ cup tubig, ½ cup durog na mani, 6 pirasong dahon ng litsugas, ½ lb baboy, 1 pakete ng tokwa, 1 cup hipon, 2 cups Baguio beans, 1 sibuyas, ½ cup cilantro, 3 tbsp bawang, 1 pork cube. Para naman sa sauce: 1 tbsp toyo, ½ cup brown na asukal, 2 cups tubig, ½ pork cube, 1 tbsp bawang, 2 tbsp corn starch.


Ang proseso ng paggawa ng wrapper: Sa isang malalim na mangkok paghaluin ang itlog at gatas habang binabate. Lagyan ng kaunting asin at isabay narin ang all-purpose flour at haluin mabuti hanggang sa wala lang buo buong harina ang matira. Lutuin ng parang isang hotcake sa isang non-stick pan at bantayan itong mabuti dahil hindi nito kailangan ang mahabang oras sa apoy. Ang pag luto naman ng sauce: maglagay ng tubig sa kawali at ilagay sa apoy hanggang kumulo. Ilagay ang brown na asukal at pork cubes. Lagyan ng kaunting asin at toyo, haluing mabuti. Ilagay narin ang tinunaw na cornstarch. Lutuin hanggang lumapot. Ang pinakafiling naman ay ang sunod na lutuin. Sa isang mainit na kawali lagyan ng mantika, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang baboy haluin hanggang sa mapulapula na ang kulay nito. Ilagay ang pork cube at ang ½ cup na tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang baboy. Sunod na ilagay ang hipon, kamote, tokwa, cilantro, karrots, Baguio beans at repolyo at patis. Lutuin hanggang sa lumambot ang kamote at karrots. Pagkatapos maluto ng wrapper, filing at sauce iasembol na ito upang maihanda. Ilagay ang mga pambalot sa isang plato pagkatapos ilagay ang isang dahon ng litsugas sa bandang itaas ng wrapper. Maglagay ng filing sa loob at itiklop ang mga gilid nito pati ang nasa ibabang bahagi. Ibuhos ang sarsa sa ibabaw ng lumpiang sariwa at palamutihan ng durog na mani at tinadtad na bawang.
Hindi bat kay dali lamang ng proseso? Tiyak na magugustuhan ninyo ang lasa ay masisiyahan din kayo sa paggawa. Ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan niyo ng madama din ninyo ang saya at sarap na nararamdaman ko sa tuwing natitikman ko ang putaheng ito. :)


Gawa ni: NADENE YDESSE B. SANTOS 

13 comments:

  1. Ang galing! Detalyado talaga. Nakaka-gutom tuloy. :))

    ReplyDelete
  2. masarap nga yan! bongga.ngcrave tuloy acu for lumpia. Magaling :)

    ReplyDelete
  3. Nalala ko nung kumain ka nito noon. remember? Talagang paborito mo nga to, magaling ang pagkakalahad mo. NICE :)

    ReplyDelete
  4. masarap nga ito at healthy pa. nice job:)

    ReplyDelete
  5. Masarap nga ito. Kinakain ko rin ito pag may mga handaan. Nice work (: -nix

    ReplyDelete
  6. rawr kakatakam. :D last na kain ko nyan last week natatakam parin ako ahahaha. :P

    ReplyDelete
  7. hindi ko pa nattry kumain ng lumpiang sariwa, mukhang masarap din, :) susubukan kong kumain nito. :D

    ReplyDelete
  8. naalala ko tuloy nung tumikim ako ng lumpiang sariwa. ansaaaraap!

    ReplyDelete
  9. hindi talaga ako kumakain nito, pero gusto kong i-try. :D

    ReplyDelete
  10. magaling...magaling...magaling!

    ReplyDelete