Hindi ko din maipaliwanag ngunit sa tuwing kakain ako, ibang saya ang naidudulot nito sa akin. Ito na ang naging gawain ko lalo na kapag ako ay stressed, depressed, nalulungkot, nagagalit, naiinis, masaya at kahit ano pa ang emosyon ko. Ito ang nakakapagparelax sa akin. Ito ang nagtatanggal ng galit at inis ko, ng pagkapagod. Para bang ito na ang gamot na maituturing ko, isang reliever!
Noong bata pa ako, hindi ko gusto ang lasa ng siomai. Kumabaga hindi ko "maappreciate" yung lasa nito ngunit hindi naman sa hindi ko ito nasasarapan. Hanggang sa tumungtong ako sa Elementarya, araw-araw ay napupuno ang tapat ng eskwelahan namin ng iba't ibang street foods na itinitinda. Pinagbabawalan akong bumili ngunit may katigasan ang ulo ko, siyempre naman ay gusto ko ding matikman ang iba't ibang pagkain dahil nakakasawa ang mga pagkain sa bahay. Dito ay natikman ko muli ang siomai, fried siomai ang uso noon sa amin. Talaga naman! Mula ng matikman ko ito, hinanap-hanap ko na! Naappreciate ko na ang lasa nito, at masarap pala talaga. Mapafried man o steam, WINNER pa din! ;)
Ang siomai ay mula sa bansang Tsina. Nagkakahawig sila sa konsepto ng paggawa ng Lumpiang Shanghai, nagkakaiba lang sa hugis at pambalot na ginagamit. Hindi gaya ng ibang pagkain na makikita sa mga gilid ng kalsada, masasabi ko na masustansya ito sa katawan. Ang major na sangkap nito ay giniling na baboy, hipon (optional), carrots, itlog at iba't ibang pampalasa na nais mong ilagay. Hindi ka masisiyahan sa pagkain ng siomai kung walang sawsawan na toyo, calamansi at chili sauce kung saan nag-aagaw ang alat, asim at anghang. Sa ibang bilihan, meron pang garlic na inilalagay na nagpapasarap lalo.
Ang buhay ko ngayong nasa kolehiyo ay hindi madali. Bago sa akin halos lahat ng bagay dito sa Maynila. Malayong-malayo sa nakasanayan ko sa probinsya, sa Nueva Ecija kung saan simple ang lahat. Ngunit dahil sa ako'y nasa kolehiyo na, kailangan ko ng umalis o lumayo sa "comfort zone" ko. Kailngan ko ng matutong tumayo sa sarili kong mga paa o maging isang independent. Ang mga naunang buwan ng kolehiyo ay hindi naging madali sa akin, ako'y nahirapang mag-adjust. Naisip ko ng sumuko at mag-aral na lang sa mas malapit na paaralan sa aming probinsya. Ako'y laging depressed at malungkot noon. Isang hapon, pagkatapos ng klase, ako'y lumabas sa Lacson gate, tila ba wala ako sa sarili at tinititigan ko lang ang mga nadadaanan kong mga estudyante na nakatambay, kumakain, nagkkwentuhan, nagyoyosi atbp. Hanggang sa isang stall ang pumukaw sa atensyon ko. SIOMAI! Takot man akong bumili sapagkat sabi nila ay marumi daw ang mga pagkain na itinitinda sa may kalsada,bumili pa din ako. Dumagdag pa sa kaligayahan ko ang mura nitong halaga! Ang limang piraso ay bente pesos lamang! Napakahusay! Pag-uwi ko sa dorm ay agad ko itong nilantakan, at talaga namang napawi ang lungkot ko! Siomai lang pala ang sagot sa lungkot ko.
Ang bawat kagat at subo ko sa siomai ay sapat na para magbigay ng ngiti sa akin. Naalala ko noong hayskul ako, isinama ko ang Siomai sa isang proyekto namin kung saan ilalagay mo ang mga bagay/tao na nagbibigay ng kaligayahan sa'yo. Habang ang mga kamag-aral ko ay pangalan ng iba't ibang tao at materyal na bagay ang inilagay, ako lang ata ang namumukod-tanging naglagay ng iba't ibang pagkain sa kategorya ng "Simple Joys" at siyempre hindi mawawala ang Siomai. :)
Kung minsan, pinapahirapan natin ang buhay natin. Ginagawa natin itong kumplikado lalo na sa paghahanap ng kaligayahan. Kung saan-saan pa tayo lumilingon, kung anu-ano pa ang hinahanap natin ngunit hindi natin alam, nasa harap na lang natin kung minsan, ayaw lang nating tignan. May mga simpleng bagay tayong binabalewala sa kadahilanang simple o maliit nga lamang ito, ngunit saka lang natin maiisip ang importansya nito kapag nawala na o kapag may kakaibang idinulot sa atin. Sa akin, ang siomai ay isang simpleng pagkain lamang, makikita kahit saan, kahit anong panahon at murang-mura, ngunit ang simpleng pagkain na ito ang ipinagmamalaki kong isa sa mga simpleng kaligayahan ko sa buhay at isa sa mga dahilan kung bakit naeenjoy ko ang pag-aaral ko sa UST. :)
--JAMILLA CHERI MAGNO
Tama! Masarap talaga ang siomai! Nakakagutom tuloy =))) -Camille Tamondong
ReplyDeleteang sarap talaga ng siomai lalo na pang merienda! sa siomai house ang masarap :DD (nagendorse pa eh noh) lalo na pag may konting chili! mmmmm...
ReplyDeleteYummy talaga!!!bibili ako nyan, joke lang, gagawa ako nyan! in-emphasize pa sakin ang last paragraph ah..haha
ReplyDeletewow siyomay!! ang gusto kong luto ng siomai ay fried, hmm nkakakilig kapag steamed lng ee, pero aus lng. nice jam! :)
ReplyDeletesiomai. naman sa sarap yan :) gusto ko nito nakakagutom tignan.
ReplyDeletesimai msarap yan inuulam ko yan sa kanin eee hahahah kagutoom! :) -roxanne ponce
ReplyDeletejam!nung isang araw ko pa hinahangad makakain ng siomai.nabusog mo ang aking tiyan kahit sa picture lang.masarap kapag steamed tapos kasama pa ung sawsawan.lalo na sa may siomai house sa carpark. - klara
ReplyDeleteSobrang hindi halatang matakaw ka Jam. Tama. Napakasarap talaga niyan at affordable pa. :) - Dreli
ReplyDeletetama, masarap ang siomai at nakakaadik pa minsan.
ReplyDeleteSIOMAI! Lagi namin binibili to sa tapat ng skul namin dati, at sobrang sarap talaga netu! Pwede iulam sa kanin pwede din hindi. hahaha! Nice blog! :p
ReplyDelete